Chapter 44: Her Control

945 57 0
                                    

Sora's POV

Nang makaalis si Dad, napaluha ako.

"Dad," nasabi ko na lang.

Napatingin akong bigla nang tanggalin sa akin ni Flare ang rope.

"'Wag kang mag-alala sa Dad mo, magiging maayos s'ya."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

Pagkatapos na matanggal ang rope sa akin, tinanggal rin niya ang pagkakatali kay Blaze.

Tumingin sa akin si Flare.

"Actually, I am on your side, simula pa lang," sabi niya at ngumiti.

"I am Flare, the assistant of your Dad."

"What?!" Nanlalaking mga matang nasabi ko.

She hushed me and replied.

"Yes. At kung nagtataka kayo, plano na talaga ng mokong kong boss, ang lahat."

"What do you mean?" Napatingin ako kay Blaze na nagsalita at katabi niya sina Ghost at Buster na...

Pumay-awang ako sa dalawa.

"Eh, siya kasi, ang sabi niya magtulug-tulugan kami," turo agad ni Buster kay Ghost.

"Anong ako? Ikaw!"

At nag-away sila.

Nanahimik lang sila nang mag-fake ng cough si Flare.

"Can I continue?"

Nanahimik naman ang dalawa.

"What I mean is, nang malaman ng Dad mo ang plano ni Elizabeth, nagsagawa din siya ng plano.

"And the potion Elizabeth created na pinainom ko sa Daddy mo? It only lasts 1 minute, kaya matapos ang 1 minute na iyon, magpapanggap siyang kontrolado siya hanggang sa makahanap siya ng time to restrain that old lady."

Napatango ako.

"Kung naiintindihan ninyo na, let's escape from this hell, and go outside!"

At tumakbo na kami. Ang nangunguna sa amin ay si Flare, since alam niya kung saan ang daan.

Nang lumiko kami sa kaliwa, napatigil kami.

"Magaling, magaling... Maasahan kang talaga, Flare."

Nakita kong napangisi si Flare.

It is a lie, isn't it?

Unti-unting lumapit si Flare kay Elizabeth.

Nang humarap siya sa amin, katabi na ni Elizabeth, nagsalita siya.

"As I said before, once na magkita tayong muli, magiging kalaban ninyo na ako,"

Napakuyom ang kamao ko.

"You!" nanggigigil na sabi ko.

Nakita ko naman sa kanang ni Elizabeth si Dad na walang emosyon.

"Dad..."

Napaiyak ako.

Hindi ito maaari!

Mahoutsukai University (bxb) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon