Chapter 33: Traitor

1.1K 79 0
                                    

Sora's POV

"Kamusta?" tanong ko kay Yuiko.

Yup! Si Yuiko ang kasama ko.

No. Sina Yuiko at Phoenix ang mga kasama ko.

Nakita ko ang iba pa niyang kasama kaya,

"Magpakilala naman kayo!" sabi ko nang nakangiti.

Nag-blush naman ang tatlong lalaki sa 'di ko malamang dahilan.

Itong tatlo ay nakalaban ko na sa Survival. Remember, 'yung kasama ni Phoenix? Sila 'yun...

*fake cough*

Napatingin ako sa naka-blue na pantalon at t-shirt.

"Ako si Ghost," pagpapakilala niya.

Napatango ako.

"Ako naman si Buster," sabi niya at ngumiti sa akin saka inilahad ang kaniyang kamay.

Inabot ko naman iyon sa pag-aakalang magshe-shake hands kami pero namula ang aking mukha nang halikan niya ang likod ng aking palad.

"It's nice to meet a handsome boy like you."

Binatukan naman siya ni Ghost kaya napakamot na lang siya ng ulo.

"Hello! Ako si Amore. Nice to meet you."

Ngumiti naman ako.

No, ngumisi ako.

"May sasabihin ako sa inyong tatlo, at hindi ninyo ito magugustuhan..."

Napalunok ang isa kaya lalo akong napangisi.

"Isa sa inyo ay gustong balaking agawin si Yuiko kay Phoenix."

Nagulat naman sina Yuiko at Phoenix nang sabihin ko iyon.

"What do you mean?" tanong ni Ghost.

"May traydor sa inyong grupo kaya kung ako sa'yo, umalis ka na... Baka i-mention pa kita."

Nakikita kong nagpapawis na ang itinutukoy ko pero umiling siya.

"Say, paano mo nalaman iyan?" tanong ni Buster.

"Oo nga, paano?" tanong ni Amore

Aahhh... Nahimatay, nga pala sila kaya hindi nila alam.

Ibubuka ko na sana ang aking bibig nang magsalita ang taong hindi ko inaasahang pupunta rito.

"Hindi n'yo pa ba nababalitaan? His magic can see your past by reading your mind, present and future through your behaviours, by saying your name? He called it, Instinct," sabi ni Blaze.

"Hey, bakit ka nandito?" tanong ko.

"Hindi ako mapakali kapag wala ka."

Namula ako nang sabihin niya iyon.

Blaze's POV

Pero actually, Dad gave me this mission also.

Not only that, he gave me another mission and that is to...

Protect him, no matter what happens.

Hindi ko alam kung bakit but here I am, taking this mission.

Nag-aalala rin kasi ako.

Anyway,

"Let's get back to business. Who's the traitor?" tanong ko kay Sora.

Sora's POV

"Amore, bakit ka nagpapawis? Kinakabahan ka ba?" tanong ko nang nakangisi.

"H-Huwag mong sabihing..." sabi ni Phoenix nang nanlalaki ang mga mata.

"Huwag kayong maniwala diyan! Hindi iyan totoo! Puro kasinungalingan ang sinasabi ng dalawang iyan!"

"Aaahhh... Ikaw rin pala ang nagsabi kay Phoenix na ikulong ako para malaman ng lahat na crush ni Phoenix si Yuiko pero ang tunay na purpose mo ay para mapahiya si Phoenix, 'di ba?" tanong ko.

Umiling naman siya nang todo at nanlalaki ang mga mata.

Bigla namang nag-create ng fireball si Blaze kaya hinawakan ko ang kaniyang mga kamay at tumingin sa kaniyang mga mata.

He vanished his fireball at tumingin na lang kay Amore nang masama.

At least, hindi niya gagawin ang gagawin niya sana.

Natakot naman yata sa titig ni Blaze kaya tumakbo siya papuntang school ulit.

Napakamot ako sa ulo.

"Mag-usap na lang kayo sa phone, Phoenix. Baka may dahilan ang taong iyon kaya niya ginawa."

Tumango si Phoenix habang nakatingin pa rin kay Amore na palayo na.

"Then, let's forget what happened, for now and complete this mission, once and for all!" sabi ni Blaze.

"Oh!" sabay-sabay na sigaw namin.

Mahoutsukai University (bxb) [Completed]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu