Chapter 40: History

965 65 1
                                    

Hylos's POV

*20 years ago*

Matapos ang ilang araw na pananatili doon, hindi ko talaga matiis na wala sa tabi ko si Elite, kaya nagsulat ako sa isang notepad.

"Kingdom of Voids, I'll be there," sabi ko sa sulat.

Kumatok ako sa pinto kaya binuksan ng gwardiya nang maluwag ang pinto.

Napangisi ako.

"Ahmm..." Ngumiti ako nang seductive at nagsalita.

"Can I... Touch you, two?" sabi ko.

Napangiti sila at pumunta sa harap ko.

And like I said, I touch them... Pero hindi sa baba (you know what I mean), kundi sa mga ulo nila.

I erase their memories of my mother giving them commands.

And after a few seconds, inalis ko ang aking mga kamay.

Tila naman, nagising ang dalawa.

"A-Anong ginagawa ko dito?"

"Saka ano nga dapat ang gagawin natin?" tanong nila sa isa't isa kaya ako ang sumagot.

"Kukunin ninyo si King Elite sa isang lugar na sasabihin ko sa inyo at dalhin ninyo sa Kingdom of Voids. 'Yun dapat ang gagawin ninyo. 'Tapos, pumunta kayo sa inyong mga pamilya dahil may darating na biyaya sa inyo."

"Sige. Salamat, boss." sabi ng isa kaya ngumiti ako sa kanila.

Unfortunately, dahil nga sa nawala ang dalawa, napalitan agad sila ng bago kaya hindi agad ako nakatakas.

Pumunta ako sa bintana, at nakita na may puno malapit sa bintanang ito kaya may naisip akong plano.

*Present*

"'Yun bang sulat ay ibinigay ninyo sa mga gwardiyang iyon?" tanong ni Yuiko ulit.

"Yes, bago sila umalis ay ipinagbilin ko na iyon."

"Eh, Dad... 'Yun ba 'yung sulat na kayo at ni King Elite..."

"Pwede bang tawagin mo siyang Papa?" request ko kay Sky, since Papa pa rin naman niya iyon kahit na hindi pa buo ang alaala niya.

"ah- I mean, at ni Papa ang nakakaalam?"

Tumango ako sa kanila.

"So...

*20 years ago*

Nasa Kingdom of Voids ako. Ito ang place na walang nakaaalam liban sa mga Voids mage.

Lahat ng Voids ay nagsasama-sama dito. Air man 'yan, Null, Energy, Light, or Shadow.

Bigla akong nakarinig ng mga taong dumadaan sa harap ko.

"Meron daw na manganganak, ngayon," sabi ng isang babae.

"Oo, ang sabi, 'yung bata ay magiging pinakamalakas na bata sa lahat. Hindi lamang sa mages."

"Oo nga, at ang nakakaintriga, anak siya ni King Elite at iluluwal siya sa basement ng kastilyo."

Kung hindi ako nagkakamali, ngayon na ipapanganak ang aking anak... Ibig sabihin, ang tinutukoy nila ay...

Sa basement ng Kastilyo?!

Tumakbo agad ako at pumunta sa sentro ng Kingdom of Voids. Doon kasi makikita ang Kastilyo.

Mahoutsukai University (bxb) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon