Chapter 43: Potion

953 60 0
                                    

Sora's POV

Iminulat ko ang aking mga mata.

N-Nasaan ako?

"Anak?"

Napalingon ako kay Dad na nakatali sa upuan.

"Dad!"

Tatayo na sana ako nang malaman kong nakatali din ako.

Tumingin ako sa mga kasama kong tulog pa.

"Blaze," tawag ko at iniyuyugyog gamit ang aking paa. Magkatabi lang naman kami ni Blaze kaya nagagawa ko ito.

Unti-unti niyang iminulat ang kaniyang mga mata at medyo in-adjust pa nang konti ang kaniyang paningin bago pa magtanong.

"Nasaan tayo?"

"Hindi ko alam pero ang natatandaan ko lang, tinakpan tayo ng panyo sa likod kaya tayo nahimatay," sagot ko.

Bigla naman siyang nagpupumiglas. Ngayon lang niya siguro nalamang nakatali siya.

"Blaze," tumigil naman siya at tumingin sa akin. "...can you melt down these ropes?" tanong ko.

Ngumisi naman siya at naglabas ng mana sa kaniyang kamay.

Nakapagtataka...

"Walang nangyayari?" tanong niya na tanong ko rin sa aking sarili.

"'Yan ay dahil binalutan namin iyan ng isang potion that cannot melt even on the highest temperature known to planet." Napatingin ako sa babae at ito 'yung nakausap namin kagabi.

"Sino ka bang talaga? At ano ang kailangan mo sa amin?"

"Don't you hear what my good son said?"

Naalala kong bigla ang huling linya ni Dad bago kami mawalan ng malay.

"Mom!"

"I-Ibig sabihin..."

Bigla naman akong nakarinig ng kaluskos kaya tumingin kami sa tabi niya.

"Queen, let's get ready."

Q-Queen?!

"Yes, I am the Queen, ang iyong lola, Elizabeth Sanchez!" sabi niya tumawa nang malademonyo.

Mula sa iisa, na katabi ngayon ni Lola, no, ni Ms. Elizabeth, nararamdaman kong unti-unting dumadami ang mga tao sa kapaligiran.

"Sugurin sila!" utos ni Ms. Elizabeth kaya bigla akong kinabahan.

Yabai, yabai, yabai!!!

Napapikit na lang ako at hinihintay ang patama nila sa kahit anong parte ng aking katawan pero wala akong naramdaman.

Sa halip, ang naramdaman ko ay vibration mula sa ilalim.

"Ano ito?" tanong ni Elizabeth sa kaniyang tauhan.

"The Zodiacs, are here!"

Zodiacs?

"Ma'am, pati ang mga prinsipe, nandito," sabi ng isa pa niyang tauhan.

Napahilot siya sa kaniyang ulo.

"Flare, bantayan mo sila. At ibigay mo ang potion na ito kay Hylos."

Flare?!

"Yes, milady."

Umalis na nga silang lahat at ang natira lang ay si Flare.

"Uminom ka nito," sabi niya pero ayaw ni Dad dahil iniiwas niya ang kaniyang ulo at nakatikom ang bibig.

"You're not gonna like it if I blow your son into pieces, right?"

Doon, napatigil si Dad.

"And also, you know the effect of this potion so it's better to drink it,"

My dad sighed at ngumanga kaya...

"Dad, 'wag!"

Pero huli na...

Inalis naman ni Flare ang tali ni Dad sa upuan niya.

Walang katamlay-tamlay na tumayo si Dad at parang sinusundan si Elizabeth.

A-Anong nangyayari?

"Dad!"

Mahoutsukai University (bxb) [Completed]Where stories live. Discover now