Chapter 36: Childhood Buddy

990 72 1
                                    

Blaze's POV

Nasa hapagkainan na kami.

At hindi ko talaga kinaya ang nakikita ko.

"Gutom na gutom na bang talaga, Ghost?" tanong ni Buster.

"Shut up!"

At tuloy-tuloy siyang kumain.

Buti at kinaya niya ang halos limang kataong pagkaing iyon.

Yes. And yet he's still so thin...

Saan niya pinaglalalagay ang kaniyang kinakain?

I fake a cough para makuha ang atensyon nila.

"So, do you find any clue?" tanong ko.

"Sa kwarto mo, meron..." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Sora.

"N-Naghanap ka sa kwarto ko?!" tanong ko to confirm.

Napalunok ako.

May mga bagay doon na hindi dapat makita... Lalo na ni...

Sora!

Bigla namang tumayo si Phoenix at pumunta sa akin para bumulong.

"Don't worry, I am with him. At ako ang nagtago ng mga tinatago mo."

At nag-wink siya sa akin.

Napangisi ako. Boys really know what other boys thinks. Hahaha

Napailing ako at medyo nakahinga nang maluwag.

"Here."

Kumunot ang noo ko. Kailan pa ako nagkaroon ng ganitong picture sa kwarto ko?

And...

"It's you and me, again..." sabi ko kay Sora.

Did we really met...?

Hindi ko naituloy ang aking naiisip nang may maalala ako.

*18 years ago*

Nasa malayo akong lugar. Hindi ko alam kung anong lugar ito pero ito ay isla at napakalayo sa mainland.

May nakita akong lumulutang, at lumilipad. May ibang parang may bola sa palad nila. 'Yung iba ay kulay itim at ang iba ay kulay yellow.

May ibang nagpapabilisan.

Hinila ko nang bahagya ang damit ni Mom, kaya tumingin siya sa akin.

"Mom, nasaan tayo?"

Ngumiti naman si Mom at umupo para mapantayan ako.

"Nasa Kingdom of Voids tayo, B."

"Kingdom of Voids?" Tumango naman si Mom.

"Tingnan mo, anak. May mga lumilipad, hindi ba? Sa atin, may nakikita kang apoy sa kamay o paa nila kung lumilipad, tama ba?"

Tumango ako.

"Sa kanila, wala kang makikita dahil ang void, ay hindi nakikita ni nahahawakan, naiintindihan mo ba ako?"

Nang marinig ko iyon ay napahanga ako. Tumango ako kay Mom.

Tumayo naman si Mom saka ginulo ang buhok ko, at nagpatuloy kami sa paglalakad.

Nang nasa hardin na kami, may nakita akong lalaking kaaya-ayang tingnan.

Lumapit agad ako, at nagsalita.

"Hi, ako si B. Ikaw? Anong pangalan mo?"

Ngumiti naman siya sa akin at nagsalita.

"Sky. Sky ang pangalan ko."

*Present*

Umiling ako. Imposibleng siya iyon...

Mahoutsukai University (bxb) [Completed]Where stories live. Discover now