Chapter 14 (2)

7.8K 210 35
                                    

Zani Timpulan

Nasa kwarto ako ngayon. Mabuti nalang hindi pa nakakauwi si Avien. May pinuntahan siya kanina ewan ko lang kung saan.

I frowned when I felt that my uterus is going to burst. I need to pee. Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ko. Siguro naman wala pa siya no? Wala pa akong narinig na kaluskos o kung ano mang yabag sa sala.

Dahan dahan akong lumapit sa may pinto, idinikit ko ang aking tenga doon para siguraduhin kung hindi pa ba nakakauwi ang baklang iyon.

After what happened wala na akong mukhang maihaharap sa kanya.

Mga teh! Nakakahiya yung mga pinaggagagawa ko! Napakamanyak ko!

Kaya naman iniiwasan ko talaga siya.

Napahinga ako ng malalim, saka napahaplos sa dibdib ko dahil sigurado na akong wala pa siya. Mabuti naman!

Pero para mas makasigurado ay dahan dahan ko pa ring binuksan ang pinto at dahang dahang sumilip sa labas. No pressence of Avien. Nakahinga ako ng malalim at binuksan na ng maluwag ang kwarto ko. Napangiti ako. Mabuti nalang talaga!

"AVIEN!" Gulat na gulat na sabi ko noong pagharap ko sa left side ko ay nandoon na ito nakasandig sa may pader habang nakahalukipkip. Nanlaki ang mata ko at napakurap kurap. Bakit nandito siya? Akala ko wala pa siya? Bakit hindi ko man lang narinig ang pagpasok niya ng bahay?

Bakit-

'NO WAY! Bakit ka pa nakatayo diyan na parang tuod Zani Timpulan? Move your ass out of there and go back to your room!' Pagkakausap ng utak ko sa akin.

Right! I need to move!

Namula ako noong mapansing nakatitig lang si Avien sa akin  and his face was not that good. Nakatikwas pa ang kanang kilay nito. Oh no! I'm dead.

"Hehe." I laugh awkwardly I move, ready to go back in my room, tumalikod ako at tatakbo na sana papasok... "Aray!" Napangiwi ako dahil nahuli niya ang aking buhok kaya hindi ako nagtagumpay sa binabalak ko.
Nakasimangot akong humarap sa kanya. Pero nawala ang pagkakasimangot ko noong makita kung gaano siya kaseryoso ngayon.

At iisa lang ang masasabi ko.

I'M DOOMED!

"Where do you think you're going?" Napakamot ako sa batok ko na sumasakit ang anit dahil sa pagkakahila nito sa buhok ko. Pwede namang wrist ang hilahin o hawakan kapag may pipigilan sa pag alis diba?

Bakit kailangang sa buhok pa. Sa mga drama naman sa wrist.

'Sa drama yun Zani tas bakla iyang kasama mo!' kontra ng utak ko.

"Sa kwarto." Nakangusong sabi ko.

"At bakit?" Nakatikwas na ng husto ang kanang kilay nito.

"A-hm.  Kuwan. Matutulog?" Hindi siguradong sabi ko.

He laugh sarcastically like he heard the most ridiculous thing pero agad ding bumalik iyon sa deadly look niya.

Oo nga naman sinong maniniwalang matutulog na ako kung takip silim pa lang.

Ang ganda ng palusot mo Zani.

Napaatras ako noong humakbang siya papalapit sa akin pero hinuli niya ang kamay ko. Kaya hindi ako nakalayo sa kanya. Napalunok ako noong mapatitig ako sa mga mata niya. Lalaking lalaki talaga ang tingin ko sa kanya kapag ganitong nagseseryoso siya.

Nahila ko ang kamay ko noong pisilin niya iyon dahil pagpisil niya ay nakaramdam ako ng parang kuryente. Napalunok ako. Napahinga ako ng malalim dahil pakiramdam ko hindi ako makahinga ng maayos. Is it because of my phobia?

A Her For HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon