Chapter 34

4.3K 152 34
                                    

Something change in him...

Mula noong nakalabas ako ng hospital ay yan na ang napapansin ko kay Avien. Something change in him...

Not on negative side but a positive one. Hindi ko lang malaman laman kung ano nga ba ang nagbago sa kanya. Pero madalas akong natitigilan kapag may mga ikinikilos siyang iba na bago para sa akin.

Nangingiti ako habang nagpi-prito ng itlog pang umagahan. Nakalabas na ako ng hospital at nasa maayos na kalagayan na din ako.

Unti unti natatanggap ko na na talagang hindi ko maitutulak palayo si Avien. Dahil hindi din siya papayag sa gusto ko na layuan na niya ako na tigilan na niya ang nararamdaman niya para sa akin dahil hindi ko siya deserve.

In the end Im the one who gave up on that idea dahil walang araw siyang pinalampas upang iparamdam sa akin na hindi niya ako magagawang iwan dahil mahal niya ako.

Ilang beses niyang ipinaintindi sa akin na wala akong kasalanan. Na pareho lang kaming biktima noong gabing iyon.

Kaya unti unti naging okay na din ako. Kahit na may pagsisisi pa rin ako kung bakit ko pa tinawagan si Avien noong gabing iyon.

Pero konti nalang, dahil tama naman si Avien. At malaki ang pagpapasalamat ko sa kanya, dahil iniligtas niya ako noong gabing iyon. And now he is slowly saving me again from the trauma that I've got because of the past.

Maya maya ay napalingon ako sa pinto ng kwarto niya noong bumukas iyon. Nagkukusot pa siya ng mata noong nakita ko siya.

"Good morning." He sleepily greeted. Napangiti ako.

"Good morning. I'm cooking eggs. Saglit nalang to at kakain na tayo." Sabi ko at pinagtuunan ng pansin yung piniprito ko na kalalagay ko lang. Pero napapitlag ako dahil sa gulat noong biglang pumulupot ang braso niya sa beywang ko mula sa aking likuran at isinubsob niya ang kanyang mukha sa corner ng aking leeg.

"Huy nagpiprito ako baka masunog." Saway ko sa kanya pero napatili ako at saka napatawa. "Avien! Ano ba!" Natatawang saway ko sa kanya noong paghahalikan niya ang aking leeg. Ang weird ng baklang to. Umagang umaga ang landi landi.

"Huy tama na nga yan. Masusunog na oh." Saway ko. Tinigilan naman niya ako pero hinawakan niya ang baba ko at saka niya ako hinalikan. Napapikit nalang ako at saka gumanti ng halik.

Pero bigla bigla akong napatigil at napalayo sa kanya noong makaamoy ako ng parang nasusunog. Napasinghap ako at saka napatingin sa piniprito ko.

Yung itlog!!

Agad agad kong pinatay ang apoy. "Avien naman kasi eh." Maktol ko. Napanguso ako. Inirapan ko si Avien. Pero nanatili lang siyang nakangisi. "Tignan mo tuloy ang nangyari nasunog tuloy." Nakasimangot na sabi ko sa kanya.

"Sorry na merlat. Peace." He said at saka nagpa cute.

"Tsk. Wala na tuloy tayong kakainin. Last na yun dahil hindi pa tayo nakakapamalengke." I rant at him habang inaayos na iyon.

Pero ang gaga, nilapitan lang ako at saka ako niyakap ulit mula sa aking likuran.

"Sorry na merlat." Panlalambing niya.

"Ang landi mo kasi. Umagang umaga." Irap na sabi ko.

"Sus. Kunwari ayaw, gusto mo din naman eh." He whispered.

Tinampal ko ang kamay niya. "Wag ka nga. Wala na tuloy tayong umagahan oh."

"Meron akong umagahan." He said. Napalingon ako sa mukha niya. And I dont like his playful smile.

Napakunot noo ako.

"At ano naman yun aber?" I ask him.
He smirk at me and wiggle his eyebrows playfully.

A Her For HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon