Chapter 20

6.6K 199 31
                                    

When I got home, I seated on the sofa and leaned on it. Sinapo ko ang aking ulo and I groaned in frustration noong maramdaman na mainit ako. Sabi ko na nga ba lalagnatin ako eh. Hindi na maganda ang pakiramdam ko kaninang umaga. Sinabihan pa ako ni Avien to take a day off  pero pinilit ko pa rin ang sarili ko. Inuubo din ako.

Mga ilang minuto ako doong nakatulala. Pero sa huli'y napabuntong hininga ako at saka kinuha ang phone ko para tignan ang oras but when I saw the date today, natigilan ako.

I smiled a sad one. Muntikan na rin akong maiyak pero pinigilan ko lang ang aking sarili. Kaya naman pala masama na naman ang pakiramdam ko. Kaya naman pala mukhang lalagnatin na naman ako. Malapit na pala ang death anniversary ng mama ko. And everytime na nalalapit na ang araw na yun nagiging masama talaga ang pakiramdam ko at saka ako lalagnatin.
Muli ay bumuntong hininga na naman ako and I decided to call Avien. Mukhang hindi ako makakapagluto ngayon kaya magpapatake out nalang ako sa kanya.

"Oh hello merlat nakauwi ka na?" Agad na tanong niya saken.

"Yeah. Nandito na ako sa bahay. Pwede bang magtake out ka nalang ng panggabihan natin. I can't cook right now." Sabi ko na sinundan pa ng ubo. May ilang sandali siyang natahimik maya maya ay narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya.

"See lumala na tuloy yang ubo mo. Sabi ko kasi sayo kaninang umaga na wag ka nang pumasok." He said with a worried voice.
Hindi na ako sumagot. "Better to rest first. Pauwi na din ako, anong gusto mong kainin Zani merlat?" He ask.
Napasimangot ako dahil wala akong gustong kainin ngayon. Wala akong ganang kumain.

"Kahit ano na lang diyan." I answered. Before he hung up ay binilinan pa niya ako na ipahinga ko ang sarili ko. At kung naabutan pa daw niya ako dito sa bahay na hindi pa nakahiga sa higaan ko malalagot daw ako. As if naman kaya niyang parusahan ang may sakit no.

Pero better do what he says at baka nga malagot pa ako. Well wala naman siyang pwedeng gawin sakin but I know Avien. Tatalakan ako ng baklang iyon.

Kahit na ang bigat bigat ng pakiramdam ko ay pinilit ko ang aking sarili na kumilos. To shower before going to bed. Ilang beses akong tumigil at napaupo sa kama ko dahil konting kilos ko lang hinahapo na ako.

"D@mn." Nausal ko at napahawak sa ulo ko noong biglang umikot ang paningin ko. Pero tumayo ulit ako para pumunta sa may banyo. Maybe a warm shower can ease my headache.

But while showering bigla nalang ulit akong nahilo at nandilim ang paningin ko. Bigla akong napaupo at nanghina.

"Not good. Not good." Usal ko habang iniiling ang aking ulo upang maibsan ang aking pagkahilo pero naipikit ko nalang ang aking mata dahil sa tuwing imumulat ko ito ay umiikot ang aking paningin. Inabot ko ang switch ng shower at pinatay na iyon. I tried to  stand up para kunin ang roba ko pero hindi ko magawa.

I should have listened to Avien this morning sana hindi na lumala ng ganito ang lagnat ko. Napabuntong hininga nalang ako at napaupo sa sahig ng banyo at isinandig ang aking likuran sa may pader at ipinikit ang mata ko. I feel so helpless.

Pero hindi, kailangan kong tumayo at pumunta sa kwarto ko. So I tried my best to stand and cover myself with my robe. Pero biglang bumigay ang aking tuhod noong maglalakad na sana ako papunta sa may pinto ng banyo. Para hindi na ako matumba ay napahawak ako sa may pader at dahang dahang umupo ulit sa may sahig. I close my eyes dahil lumalala ang pagkahilo na aking nararamdaman.

Until I didn't notice that I drifted to sleep.

Noong iminulat ko ang mata ko ay nakatayo na ako sa isang lugar kung saan maraming tao. Nasa isang bakuran ako na maraming bata ang nagtatakbuhan. Inilibot ko ang aking mga mata and I notice na parang isa itong childrens party. Naguluhan ako bakit bigla bigla ay nandito na ako. Am I dreaming?

A Her For HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon