Chapter 7

7.4K 238 67
                                    

"What are you planning?" I ask Junie while staring at her. Pero sinulyapan lang niya ako at saka na naman pinagpatuloy ang ginagawa niya. Gumagawa siya ng report I think. Sinadya ko talaga siya sa opisina niya para lang tanungin sa kanya ang tanong na iyan. Pero iyon nga wala siyang balak sagutin ako.

"Anong plano mo? Bakit pinagsama mo kami sa iisang bubong?" Tanong ko na naman. Doon na nakuha ang atensiyon niya. Matagal niya akong tinignan at saka siya bumuntong hininga at tiniklop na ang kanyang laptop.

"Hmmm. Ano nga ba?" She murmured as she lean her head on his palm.
Pero bigla bigla din siyang ngingiti at saka nagkibit balikat. "Basta, makakatulong sa inyong dalawa ang magsama sa iisang bubong. It's a part of your therapy. Since ayaw mong makipagcooperate sa sinasuggest ko sayong exposure therapy then ito nalang. It's a part of it pa naman, syempre kay Avien ka muna meexpose then eventually madadagdagan iyon ng madadagdagan." Paliwanag niya.
Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi niya.

"Ganun din ba kay Avien?"

"Hmmm." He hummed na para bang nag iisip.

"Yes?" Hindi siguradong sagot niya. "Seriously sa babaeng may pagkamanyak ko sana siya ieexpose but then mabuti narin siguro na sayo muna."she answered. She sound like she's saying the truth pero bakit may nakikita akong kakaiba sa mata ng tomboy na ito. Bakit parang hindi lang iyon ang intensiyon niya, kaya niya kami  pinagsama sa iisang bubong. Hindi ko maiwasang magduda sa isang ito.

Pero ipinagkibit balikat ko nalang.

"Hindi ka pa ba uuwi?" I ask as I take a glimpse on my wrist watch. She did the same.

"Gosh, overtime na naman ako." She exclaimed. Right nag ovetime na naman siya  it's already 7:00.

"Kung di ka pa uuwi then uwi na ako." Pagpapaalam ko. Tumango naman siya.

"Ok. Aayusin ko lang itong kalat ko dito then uuwi na din ako." Tumango ako at tumayo na para lumabas.
"Nga pala Zani." Pahabol niya kaya nilingon ko siya then nakita ko ang mapaglarong ngiti niya. Kumunot naman ang noo ko.

"Diba nahahawakan mo na si Avien?" She ask. Tumango ako na punong punong ng pagdududa. Mas lalo akong napakunot noo noong mas lumiwanag ang mukha niya at parang demonyong tumawa. Napailing nalang ako dahil nababaliw na naman ang isang ito. Alam niyo yun tinagurian siyang tagapagaling ng may sayad sa utak pero isa rin dapat siya sa mga pastyente ng may ganun.
At noong tumigil siya ay tinignan niya ako. "At dahil nahahawakan mo na siya... Pwede mo na din siyang pagnasahan." She said and she winked at me. Napangiwi ako dahil doon. Muntik na akong masuka sa narinig ko. "Manyakin mo ganun. Ilabas mo ang mga sexual fantasies mo sa kanya." She said. Mas lalo akong napangiwi.

"Wag ka nga Junie!" Saway ko sa kanya. That idea was so absurd like what the hell? Si Avien mamanyakin ko? Nabubuang na talaga ang isang ito.

"What? Anong mali sa sinasuggest ko sayo. Alam mo best matanda ka na. At si Avien lang ang nahahawakan mong lalaki na hindi  ka inaatake ng phobia mo." Dagdag pa nito.
"Your already 28 Zani."

"Oh tapos?" Walang ganang tanong ko.

She rolled her eyes. "At hindi mo pa natitikman ang heaven." Muntikan ko na siyang nabato dahil doon. Itong bisexual na to pokpok din kung minsan eh.

"As if ikaw nakatikim ka na." I scoffed. She laugh.

"Duh? Ako pa ba?" She said kaya nanlaki ang mata ko sa gulat.

"Seriously bat wala kang nabanggit sa akin?" Medyo tampong sabi ko.
She smirks at tinaasan niya ako ng kilay.

"Private matters." She simply answered. Inirapan ko nalang siya.

A Her For HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon