Chapter 32

4.5K 120 10
                                    

A/N: Heto na agad agad.😊😊



Pagka alas sinco palang ng hapon nag time out na agad ako sa trabaho dahil may appointment pala ako kay Junie.

Sure ako na madami na namang tatanungin ang babaitang iyon.
Si Avien alam kong nakauwi na sa mga oras na ito. Mamaya ko nalang siya i a-update na medyo malelate ako sa pag uwi.

Mabilis din akong nakarating sa building kung saan matatagpuan ang clinic ni Junie. At habang naglalakad at papalapit na ako ng papalapit sa pintuan ng clinic ni Junie ay parang kinakabahan ako sa hindi ko malaman na dahilan.

Napakunot ang noo ko noong makitang medyo bukas ang pintuan ng clinic ni Junie. At nasilip ko na nakaupo sa harap ng desk ni Junie si Avien. Habang si Junie ay nasa swivel chair. Seryosong nakatingin kay Avien. Ganun din si Avien.

"Kailan mo sasabihin sa kanya?" Junie ask. Natigilan ako sa pagbubukas ng clinic ni Junie ng tuluyan. Napakunot ang noo ko at napuno ng pagtataka ang aking mukha.

Sasabihin ang alin?

"Hindi ko alam. Basta ang alam ko hindi pa sa ngayon." Avien sigh. "B-baka. Baka makasama lang sa kalagayan niya. B-baka..." Avien sigh. Punong puno ng pag aalala ang boses niya.

Mas lalong napuno ng katanungan ang aking isipan.
Hindi ko maiwasan na kabahan. May hindi ba sila sinasabi sa akin.

"Pero malay mo. Mas makabuti sa kanya." Sabi na naman ni Junie.

"Sa tingin mo?" Curious namang tanong ni Avien.

"Well para sa akin mas mabuti nang malaman niya. That you are the one who saved her when that night happen. Na ikaw yung bata na nagligtas sa kanya noon."

Dahil sa sinabi ni Junie ay napabitaw ako sa door knob.
At unti unting napahakbang pero sa paghakbang kong patalikod na iyon ay may nabangga ako. Pagkalingon ko isang lalaki.

"That you also got your phobia because of that night. And from that, maybe you can start finding ways to heal each other." Rinig kong sabi na naman ni Junie.

Agad akong lumayo. Pero patungo iyon sa pinto. Nabangga ko din yung pinto kaya bumukas iyon.

Napatingin ako sa loob. Sa dalawang tao na halatang nagulat sa pagkakita sa akin. Hindi ko alam ang ang mararamdaman ko sa bagay na nalaman ko. Pero ang gusto ko nalang gawin ngayon ay umalis sa harap nila.

"Kanina ka pa ba diyan?" Bakas ang pagkabigla sa mukha nila. Napatingin ako kay Avien na napaawang ang labi. And upon seeing his face mas naging klaro ang mukha ng batang tumulonng sa akin.

Yung boses ng batang tumulong sa akin. Who whispered those comforting words on me.

"Wag ka nang matakot. Nandito na ako." Parang bumalik sa aking ala-ala yung pagtakip niya ng aking mata at saka pagharap ko sa kanya upang yakapin.

May dumaan na sakit sa aking mukha.

Napasapo ako sa ulo ko. Dahil hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Unti-unti. Parang nahihirapan ang utak ko na iproseso ang lahat. Madami akong mukhang nakikita.

Madami akong eksenang naalala.

"Zani." Nag aalalang tawag ni Avien sa pangalan ko.
Akmang lalapita na sana niya ako pero I stop him.

"Wag." I said. Kumikirot ang aking ulo. Huminga ako ng malalim. "M-mauuna na ako. N-next time nalang ako babalik ulit Junie." Sabi ko dito. At saka nagmamadaling umalis.

"Zani!" Tawag sa akin ni Avien.
Pero patakbo akong lumabas sa building na iyon.

Habang sapo sapo ang aking ulo. Pagkapasok ko sa kotse ay narinig ko pa ang humihingal na pagtawag sa akin  ni Avien. Punong puno din iyon ng pag alala.

A Her For HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon