Chapter 9

7K 203 36
                                    

"Damn head ache!" Napalingon ako kay Avien noong lumabas siya sa kwarto niya habang sapo sapo nito ang kanyang ulo. Syempre may hang over si bakla. Lasing na lasing siya kagabi noh. Ni hindi na niya ata maalala kung anong pinaggagawa nito kagabi.

Hindi niya ako tinapunan ng tingin diretso lang siya sa banyo. Lukot ang mukha nito na halatang may hang over pa talaga siya. Samantalang ako ay nagtimpla na ng kape para sa kanya. Mabuti nalang talaga may mabait siyang housemate.

"Kape." Aya ko sa kanya noong lumabas na siya ng banyo. Basa na ang ilang hibla ng buhok nito katunayan na nakapaghilamos na ito.

He really look different with his black hair.

How can I describe him?

He look more femenine then. Mas mukhang babae siya noong may kulay pa ang buhok niya. And now he look manly but just a little bit. Just a pinch ika nga. Siguro dahil nakalugay parin ang buhok niya. Mas manly siguro siyang tignan kapag nakapusod siya at kita na ang undercut niya.

Umupo siya sa harap ko at saka tinitigan ang kape at saka niya ito kinuha.

"Thank you merlat." Sabi niya na walang kabuhay buhay.
Tumaas ang kilay ko. This is not so him. The Avien that I knew is a lively one. Yung buhay na buhay pagkagising niya.

Ganun  na ba talaga kabigat ang dinadala ng baklang ito?

Napabuntong hininga ako at saka umupo na din para magkape.

Masyado pang maaga para pumasok sa trabaho at saka nakapagluto na din ako ng kakainin namin. Pero ang tanong papasok ba ang isang ito.

"Papasok ka sa shop mo ngayon?" I ask him. Umiling siya bilang sagot at saka ayan ka naman sa malayo na tila lutang nitong tingin. Kaya mas lalong nangunot ang aking noo.
Hindi na ako umimik. Basta inoobserbahan ko lang siya. And he really look depress.

"Sigurado ka?" Tanong ko. "Baka mas makakabuti kung papasok ka ngayon para malibang ka at makalimutan mo iyang iniisip mo." Suggest ko. Pero sumimangot siya at sa ka umiling.

"Ayoko merlat. I just want to stay at home, lay on my bed and sleep all day. My head is killing me." Sabi niya na nakanguso.

"Iyan kasi iinom inom ka hindi mo din pala kaya." Sabi ko sa kanya. Mas lalo lang siyang napasimangot doon.  He sigh a harsh one.

At saka niya inalis ang kape sa harapan  niya at saka niya ipinatong ang ulo niya doon. Dahil doon ay may ilang hibla ng kanyang buhok ang tumabing sa mukha niya. Hinawakan niya iyon at mas lalo lang siyang napasimangot.

"My gorgeous hair is gone." Pagdadrama niya. "At saka ang ikli na niya." Tuloy pa niya. At mas lalong naging depress ang itsura  niya.

Napailing ako at saka napangiti ng lihim dahil ang OA niya.

"Mas bagay mo namang iyang bago mong hairstyle." Sabi ko sa kanya sakaling gumaan ang loob niya.

But he just puckered his lips even more.

"But I don't like it." Parang batang reklamo niya nagkibit balikat nalang ako at saka tumayo sa kinauupuan ko dahil tapos na akong magkape. Inilagay ko ang tasa sa may lababo. Pati na din yung kanya dahil tapos na din siya.

"Psh! Wag ka nang magreklamo. Andiyan na iyan eh. Saka bagay mo naman promise." Sabi ko sa kanya at ginulo ko pa ang buhok niya noong dumaan ako sa tabi niya. He look up napakurap kurap ako noong kunot noong tinitigan niya ako.

And I feel awkward again. Dunno why.

"Uhmm... Ireheat mo nalang yung pagkain mo mamayang tanghali. I'll prepare myself and go to work." Sabi ko sa kanya at saka dali daling umalis doon. Noong lumingon ako sa kanya ay nakatingin pala siya sa akin nang nakakunot noo na parang nawiwirdohan siya sa akin.

A Her For HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon