Chapter 18

6.6K 197 28
                                    

"Paano ba mang akit?" I ask Avien out of nowhere. Kaya nabilaukan siya sa iniinom niyang antioxidant juice. Agad ko naman siyang dinaluhan at pinagpag ang likod niya. He's coughing. Nagulat ata siya sa tanong ko. Pero maya maya ay medyo lumayo siya sa akin with that distorted face of him. Yung mukhang parang naghahanda ng tumakbo palayo sakali mang may gawin na naman akong kabaliwan.

"Wag mong sabihing aakitin mo na naman ako with that pajama of yours." He look at my pajama na suot ko na parang nandidiri. Ano naman ang problema sa pajama ko.
Pero napangiti ako ng mapaglaro at saka ko inilapit sa kanya ang mukha ko, sa gulat niya sa ginawa ko ay naiatras niya ang kanyang mukha. Kunot ang noo nito.

"So ayaw mo na pajama ang gamit ko kapag aakitin kita?" I ask him. "Anong gusto mo bakla? Lingeri? Bikini? nighties? O baka naman gusto mo ng roleplay costumes?" I ask him. Mas nandiri ang expression ng mukha niya. Maya maya ay itinulak niya  ang mukha ko sa pamamagitan ng pagsupalpal dito. And I heard him do a vomit sound.

"Eeeew merlat mandiri ka nga sa mga sinasabi mo." Sabi niya sa akin at napatayo papalayo sa akin.

Napabuntong hininga ako at saka siya natignan ng matagal. Inirapan ko siya.

"Maka eew naman to wagas. Ikaw na nga tong tinutulungan eh."

"Dzuh! I remember that I told you to help me over come my phobia hindi ko sinabing akitin mo ako." Maarte at pairap na sabi niya sa akin.

Napairap din ako sa kanya. "Eh yun nga ang way ko." Sabi ko sa kanya.

"Ewan ko sayo Merlat." Sabi niya at napailing nalang. Umupo ulit siya sa sofa at ipinagpatuloy niya ang pag iiskin  care niya. Matagal ko siyang pinagmamasdan. Pinag iisipan kung paano ko siya matutulungan. Bakit kasi sa dinami dami ng phobia niya yun pa yung naging kanya.
Napabuntong hininga na naman ako. He is busy with his skin care.
Napangisi ako noong makaisip ako ng kalokohan.
Kinuha ko yung lamp sa may kwarto ko at inilagay sa may sala. Isinaksak ko iyon at pinailaw. Hindi man lang ako napansin ni Avien na pa hum hum pa. Habang nilalagay na ang mask sa mukha niya.

I went in my room and do my stuff. Kinalkal ko ang damitan ko at hinanap yung mga kasama na pinabili sa akin noon ni Junie. Napangiwi ako noong makita ko ang isa, pero napangiti ako noong makita ko na ang hinahanap ko.

I get it  and prepared my self.

Lumabas ako and I get my phone inilapag iyon sa isang banda.

At bigla kong pinatay ang ilaw sa sala. Napatili si Avien ng dahil doon pero nakahinga din siya ng maluwag noong makita niya ang lamp ko. I played a song in my phone. Careless whisper iyon kaya napatingin sa akin si Avien ng kunot noo.

He scan me from head to toe. Muntikan na akong matunaw sa hiya ng dahil doon.

Ano bang kalokohan ang naisip ko?

Ang akitin siya ngayon din!

So now I am wearing a red silk nighties. It was so short na konting galaw ko lang ay makikita na ang panty ko. Panty ko? Dapat pala nagcycling ako no?

Really Zani? May mang aakit ba na nakasuot ng cycling?

Sabi ko nga.

Paano ba mang akit?

First. Just be yourself.

I step seductively papalapit sa kanya. I tried to make eye contact with him na sinalubong naman niya. Ganyan nga titigan mo ako bakla. I let a seductive smile. Pero sana nga seductive ang labas non. Nag iwas ng tingin si Avien sa akin at saka siya napalunok.

A Her For HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon