Chapter 19

6.8K 214 38
                                    

Hinahanap ko ang susi ng kotse habang naglalakad papunta sa parking lot ng building na pinagtatrabahuan ko noong matigilan ako dahil may humarang sa aking lalaki.

Napalunok ako at saka siya tinignan. Pero agad ko siyang namukhaan.

"Rhoi." Tawag ko sa pangalan niya. Tinanguhan niya ako. Napaatras ako dahil medyo natakot ako. Alam kong kakilala siya ni Avien pero lalaki pa rin siya at saka hindi ko siya kilala. Unti unting bumangon ang takot sa aking dibdib.
"Bakit ka nandito? Anong kailangan mo sakin?" I ask.

Pumormal ang mukha niya and he sigh.

"I'm sorry Ms. Timpulan if I am going to do this." Hinging paumanhin niya.

"What- kyahh!" Napatili nalang ako noong mula sa aking likuran ay may dalawang taong humawak sa akin. Hihimatayin na sana ako pero noong nilingon ko ang mga ito ay pareho silang babae.

"What are you doing? Are you going to kidnap me?" Pag eeskandalo ko. Hindi ako sinagot ni Rhoi.

"Dalhin niyo na iyan." Utos niya sa dalawang babae. Kahit na babae sila ay napakalakas nila. I guess they are trained guards. Nagpumiglas ako.

"Ano ba bitawan niyo ako! Saan niyo ako  dadalhin? Bitawan niyo ako!" Pero kinaladkad lang nila ako. Pinilit nila akong isinakay sa puting van.

"Isusumbong ko kayo kay Avien! Lalong lalo ka na Rhoi! Malalagot ka sa kanya!" Pagbabanta ko dito at pilit na nagpupumiglas wag lang nila akong maisakay sa van.

Nanonood lang si Rhoi sa amin. And then he sigh medyo nabagot na ata siya sa paghihintay na maisakay ako.

"Ms. Timpulan, rest assured that we are not going to hurt you. We just need you to take to a place." Sabi ni Rhoi.

"Hindi ako naniniwala senyo! Sabi ni Avien kahit anong mangyari hindi ako sasama sa inyo! So get off me!" Panlalaban ko.

Rhoi sigh. At saka lumapit kaya natigilan ako.  "I'm sorry if I'm going to do this." Hinging paumanhin na naman niya. Nahigit ko ang hininga ko noong hawakan niya ang kamay ko. Napatitig ako doon. My heart beat doubled up. Sumikip ang aking dibdib dahilan ng hindi ko paghinga ng maayos. Hanggang sa lumabo ang aking paningin at saka ako nahilo at nawalan ng malay.

Bakit ba lagi siyang humihingi ng tawad bago gawin ang isang bagay na alam niyang magkakasala siya?

He is odd.



Napakunot noo ako. And tried to open my eyes. Ano bang nangyari. But before I can open my eyes narinig ko ang tunog ng isang ballpen na itinatambol sa mesa. Kaya mas lalong nangunot ang noo ko. Ang kisame agad ang bumungad sa akin. May chandelier pa ito. Bigla akong napabangon noong maalala kong kinidnap pala ako ni Rhoi na tauhan ng papa ni Avien.

Shit! I need to call Avien baka nag aalala na iyon.
Hinanap ko ang bag ko pero wala sa tabi ko.

Agad nabaling ang atensiyon ko sa tumikhim. Napalunok ako at saka nakaramdam ng takot noong makita ang hindi naman gaano katandahang lalaki  na nakaupo sa may swivel chair. He is tapping his ballpen on his table. Binasa ko ang nakalagay ma pangalan sa table nito.

'Arthur Esquivel, CEO'

Napakurap kurap ako. So they kidnap me para dalhin sa opisina ng papa ni Avien. Alam kong noon palang gusto na niya akong makausap. They tried it then buti nalang meron si Avien para pigilan sila. But what bothered me is why do he need to see and talk to me. Hindi ko siya kilala.

Napakunot ang noo ko. O baka naman katulad sa mga drama na kapag nakikita na nila ang anak nila na napapalapit sa ibang babae ay pipigilan nila ito. Paglalayuin, oofferan ng malaking halaga para lang layuan ang anak nila.

A Her For HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon