Chapter 31

4.9K 116 10
                                    

"Avien." Saway ko kay Avien noong mapansin na masama na naman ang tingin niya kay Zack noong minsang bumisita ito. Nasabi ko na nga sa kanya na pinsan ko si Zack at hindi ko siya totoong manliligaw. Na sinabi ko lang na manliligaw ko si Zack to make him jealous. Pero ang baklang yan mainit pa rin ang dugo kay Zack. Tulad nalang ngayon na nakatikwas na naman ang kilay nito. Minamalditahan na naman niya si Zack.

Palihim na umirap si Avien pero hindi iyon nakatakas sa mata naming dalawa ni Zack. Napailing nalang ako samantalang si Zack ay napatawa nalang.

"Relax lang dude. Hindi ko naman aagawin si Zani sayo." Sabi ni Zack. "She's my cousin." Natatawang sabi ni Zack dito.

"I already know." Irap na sabi ni Avien. Mukhang hindi magkakasundo ang dalawang to. Napailing nalang ako. Tinanong ko si Zack kung bakit siya naparito pero umiling lang siya at sinabing napadaan lang siya dahil may pinuntahan siya na malapit lang dito.

Pero nagtaka ako dahil ang weird niya ngayon. He keep on looking at Avien at saka sa akin. Yung parang may gustong gusto siyang tanungin pero hindi niya matanong. He sigh.

"Nabalita sa akin ni Junie na kayo na daw." Sabi niya.

"Yeah." Sagot ko dito. Napatango tango siya. Maya maya ay seryoso niyang tinignan si Avien.

"Dude. I trust you kaya ipagkakatiwala ko na si Zani sayo. Pero binabalaan kita. Wag na wag mo siyang iiwan at sasaktan. Malilintikan ka sa akin." Babala ni Zack kay Avien. "You are now responsible for her." Dagdag pa nito. Sumeryoso naman ang mukha ni Avien.

"I already know that. Don't  worry." He reassured. Napatango naman si Zack at saka huminga ng malalim na tila nakahinga ng maayos. Pero kahit na ganun ay napansin ko pa rin na parang medyo worried ang mukha niya. Sa kung anong dahilan yan ang hindi ko alam.

Sumaglit lang naman si Zack kaya agad din siyang nagpaalam.

Pero nabobother ako sa hitsura ng mukha niya. Parehas kasi sila ng reaksyon ni Junie upon knowing that Avien and me are already dating.

Their reaction is odd na hindi ko maiwasang mapaisip at magtaka.

Pero kahit na ganun ay isinawalang bahala ko nalang.

***

Nabanggit sa akin ni Avien na pupunta daw kami sa bahay nila. Request ni tita Avien. He's going to visit his mom daw. Nabalitaan niya kasi na nilagnat ang mommy  niya kahapon.

"Bakla." Tawag ko kay Avien. Kunot noo siyang napalingon sa akin. Natigilan din siya sa pagbukas ng pinto ng kotse.

"Kailangan ba talagang sumama pa ako? Pwede bang next time nalang?" Hindi siguradong sabi ko. Ewan ko pero bigla nalang akong kinabahan.

Matapang ako noon dahil wala pa kaming relasyon pero ngayon parang bigla akong tinamaan ng hiya.

Kumunot ang noo ni Avien. Tinaasan niya pa ako ng kilay na tila nagtataka siya sa ikinikilos ko.
He studied my face for a while. Maya maya ay bumuntong hininga siya.

"Tsk! Ngayon ka pa mahihiyang bruha ka. Alam mo naman na botong boto sayo si Mama. Matutuwa yun kapag nalaman na niya." He assured me and he even wink at me. Napayuko naman ako at saka namula.

Alam ko naman pero hindi ko kasi maiwasang kabahan.

"Wag ng madaming arte merlat. Tara na." He said and opened the car door at saka niya ako inalalayan sa pagpasok.

Napabuntong hininga nalang ako.

Noong nakasakay na siya. Binalingan ko siya.

"Pero bakla kinakabahan ako."

A Her For HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon