Chapter 23

6K 184 77
                                    

Nasapo ko ang aking ulo pagkamulat ko ng mata ko. Masakit. Iyon. Noong maalala ko na nasa bahay kami ng mga magulang ko at saka nawalan kami ng malay ay agad akong napaupo.

"Avien!" Agad na tawag ko sa pangalan ni Avien at saka ko inilibot ang aking paningin para hanapin siya pero wala na siya. At nasa ibang lugar na din ako. Inilibot ko ulit ang aking mata. Nasaan ako?

Pero napagtanto ko nalang na nasa hospital ako. Agad akong kinabahan. Asan si Avien. Bababa na sana ako kaso sakto naman na may pumasok.

"Zani! What are you doing?" Gulat na gulat na tanong ni Junie.

"Junie. Si Avien?" Naiiyak na tanong ko sa kanya. She  sigh.

"Ayusin mo muna ang sarili mo diyan." She said. Inalalayan niya ako sa paghiga ulit sa may patient bed pero itinaas niya iyon para kahit papaano ay para akong nakaupo.

"Junie. Si Avien?" I ask her. " Nasaan siya? Okay lang ba siya?" Sunod sunod na tanong ko dito.

"He's fine bes. Nasa kabilang kwarto siya. Yun nga lang hindi pa nagigising." Sabi niya. She take a deep breath. "What happened bakit pumunta kayo doon? Hindi niyo ba alam na napakadelikado para sa inyo ang magpunta don?" Kunot na kunot ang noong sabi niya. Simula na ng sermon alam ko.

"Lalo ka na Zani. Alam mong hindi ka pa handa. Bakit pinilit mo na ang sarili mo? Paano nalang kapag mas malala pa ang nangyari senyo? At bakit isinama mo pa si Avien?" She ask.  Napayuko ako dahil naguguilty ako. Nahimatay tuloy si Avien.

"Bakit nga pala nawalan ng malay si Avien?" Takang tanong ko kay Junie. Tumikhim siya at saka nag iwas ng tingin na parang ayaw salubungin ang aking mga mata.

"Hindi ko alam." Sagot nito. She's lying. She keeps on dodging my stares kaya alam kong nagsisinungaling siya.

"Wag ka ng matakot. Nandito na ako." Paulit ulit iyan sa aking pandinig. That kid sounds so familiar. Sino siya?

Di kaya...

He sounds like Avien when he was a kid. Yes he sounds like him.
Napailing iling ako. Dinadaya lang ako ng utak ko. Hindi siya iyon. Hindi siya yon.

Bakit kasi hindi ko maalala kung sino ang batang lalaking iyon.

"Nga pala. I informed lolo Primo about what happened to you. Padating na daw sila dito." Sabi niya.

"Junie? Bakit mo sinabi?"

"Bes. Mas maganda ding malaman nila."

"Pero-" ayaw ko na silang mag aalala. Tama na yung mga panahong nahihirapan din sila dahil sa kalagayan ko.
"Where are we? Are we still in my parents province?" I ask her. Umiling siya.

Nakabalik na pala kami. Bakit ang bilis?

"Don't do that again Zani. Wag ka munang pupunta sa bahay ng parents mo lalo pa at hindi ka pa handa." Paalala ni Junie. Tinanguhan ko lang ito.

"Gusto kong puntahan si Avien." Sabi ko dito. Kasalanan ko kung bakit nawalan siya ng malay. "Did you see my phone?" I ask her. Kinuha niya ang sling bag ko at saka niya iniabot sa akin iyon. My eyes got bigger when I saw the date today.

"Isang araw na akong walang malay?" Gulat na gulat na sabi ko. Tumango si Junie. Bakit ang tagal? Ngayon lang ito nangyari. Grabeng shock siguro ang nangyari sa akin.

Inalalayan niya ako sa pagtayo. At sinamahan niya ako sa kung saan nakastay si Avien. Sana gising na siya.




When I opened the door ay naabutan ko don si Tita na binabantayan si Avien.

A Her For HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon