Chapter 15

7.5K 199 11
                                    

"What the hell is this Avien?!" Hindi ko maiwasang mabeastmode noong maisuot ko ang damit na ipanapasuot niya sa akin.

"Wag kang magreklamo diyan merlat! Wala kang karapatan! Alalahanin mo parusa ko iyan sayo!"

I scoffed and rolled my eyes as I scan myself on the mirror full of disgust!
Nasa banyo ako ngayon dahil pinagpalit ako ni Avien ng damit.

Kung nagtataka kayo kung sino yung nagdoorbell kanina. Delivery boy yun, at ang gaga excited na excited na kinuha yung binili niya. Antagal pa kung makipag usap sa delivery boy palibhasa may itsura kasi kaya umandar na naman ang kalandian niya.

Padabog akong lumabas ng banyo at saka ko tinignan ng masama si Avien. I cross my arms.

He scan me from head to toe. Mas lalong naging masama ang tingin ko sa kanya noong makita ko ang ngiti sa labi niya na tila nasisiyahan siya sa itsura ko ngayon.

Pero umandar na naman ang naughty side ko kaya napangisi ako. Nagtaka naman siya at nabahala. Kaya napalunok siya at saka napahakbang paatras.

"Ikaw ha Avien. Diko alam na ganyan ka pala." I started to tease him as I wear my most playful smile and I take a step forward.

"A-ano na naman iyan merlat?" Kinakabahang tanong niya. Nginitihan ko siya. Nanlaki ang mata niya at parang may alam na siya sa kung ano ang gagawin. "Hoy! K-kung mamanyakin mo na naman ako hindi na kita mapapatawad!" Banta niya. But I just shrugg it. Sinong may sabing mamanyakin ko siya?

"Sus! Kunyari ka pa eh." Medyo malandi nang sabi ko. Pero seriously, nasusuka na ako sa tunog ng boses ko. Pero push ko na ito! Makabawi man lang sa baklang ito.

"A-ano?" At mas lalo akong napangisi noong mapasandal na siya sa pader. Hinawakan ko ang balikat niya and he flinched hard. Gulat na gulat. Talagang kinakabahan ang isang ito.

"Sana sinabi mo agad agad para noon palang ginawa ko na diba."

"Hoy Zani mag-magtigil ka nga! HINDI KA NA NAKAKATUWA!" alam kong nagtatapang tapangan lang siya. "Layo!" Utos niya pero tinaasan ko siya ng kilay at bigla kong inilapit ang mukha ko sa mukha niya na nakapagpapikit sa kanya ng mariin. He pressed his lips hard akala niya siguro hahalikan ko siya. Muntik na akong humagalpak ng tawa. Pero pinigilan ko iyon. I blew an air in his lips and place my lips near his ear and whispered.

"Diko alam na fetish mo pala ang roleplaying when it comes to... You know... Sana sinabi mo agad sa akin edi napaghandaan ko." I seductively said to him at saka na ako lumayo sa kanya. Ganun lang siya ng ilang segundo at saka lang siya huminga noong maramdaman niyang hindi na ako malapit sa kanya.

At noong makita ko kung gaano kapula ang mukha niya. That's it when I lost it. I laugh out loud.

Grabe yung mukha niya singpula na ng kamatis lalo na yung tenga niya. Talagang tawang tawa ako sa mukha niya. Napapahawak pa ako sa tiyan ko habang humahagalpak  ng tawa sa harap niya.

"Ouch!" Napatigil lang ako noong sinabunutan niya konti yung buhok. Nakasimangot ko siyang tinignan at ganun nalang kasama ang tingin niya sa akin.

"Magtigil ka nga!" Pagsusungit niya sa akin. Take note may pairap pa yan ha. Alam niyo yung 360 degrees na pag ikot ng mata ganun yun. Nagkibit balikat nalang ako at saka tatawa tawa na naman.

"Hay naku Avien. Kakaiba pala ang fetish m-"

"Shut up merlat. It's just an outfit not a fetish at akala mo ba ikaw lang may outfit na ganyan. Tell you, meron din ako." Sabi niya. Ngumisi lang ako.

"Are you going to dress like a professor? Hmm?" Tukso ko sa kanya.

"Che magtigil ka ngang merlat ka. Meron din ako means may ganyan din akong outfit tulad mo." Sabi niya at inilabas nga iyon. Napasimangot nalang ako when I saw it. He let me wear a sexy uniform. Yung parang sa pang anime. Napailing nalang ako noong makita kung gaano siya kaexcited na isuot iyon. Kulay blue yung sidings nung akin, samantalang siya y pink. Wala na talaga siyang pag asa haist. He even flip his hair bago siya pumasok sa kwarto niya. Not long after that at lumabas na siya.

A Her For HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon