CHAPTER FOUR (Car Trouble)

5.4K 242 10
                                    




Elodie's POV

            Napatingin ako sa mga folder na ibinagsak ng kaibigan kong si Anne sa harap ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay habang nakatingin lang siya sa akin.

            "Those are the new housing project in Laguna." Sabi niya at nanatiling nakatayo sa harap ko.

            "Ito pa rin ba ang lugar na gustong bilhin ni Boss?" Kahit wala kong interes ay kinuha ko ang isang folder na nasa ibabaw at binuklat. Napailing ako. It was the same projects that has been turned down years ago. "Hindi pa ba nag-gi-give up si boss dito?"

            Umirap si Anne. "Sadly, hindi. Gusto talaga niyang makuha ang lupa na iyan. According to him, he is the rightful owner of that land. May mga ibang nagpabayad na din pero may ibang matitigas talaga ang ulo at ayaw umalis."

            "Kasi may mga titulo silang ipinapakita at legit ang mga iyon," kinuha ko din ang iba pang mga folders at binuksan. Ganoon din naman. Pare-pareho lang ang reports. Nag-iiba-iba lang ang pangalan ng pamilya. Painis kong binitawan iyon at sumandal sa kinauupuan ko. "Bakit kasi hindi na lang sa iba maghanap ng ide-develop na lupa si Boss?"

            "Alam mo naman iyon. Kapag may nagustuhan, hindi puwedeng hindi makuha." May hinugot na folder si Anne at iniabot sa akin. "Ito. Itong isang ito ang pinaka-gustong makuha ni Boss. Sa totoo lang, ang dami-dami ng nagpuntang agent diyan pero ayaw talagang ibenta ng may-ari. Napakahirap kausap. Sa tuwing pupuntahan ang bahay, laging walang tao. Hindi lang mapakialaman dahil kumpleto ang bayad sa real property tax. Malinis ang papel."

            "'Yon naman pala. Bakit pinag-aaksayahan ng panahon na makuha?" Napahinga ako ng malalim. "Anne, we know when to give up in this line of job. Kahit alam natin na maganda ang location ng property na gusto natin, kung ayaw ng may-ari ibenta, wala tayong magagawa."

            Pareho kaming napatingin sa pinto ng bumukas iyon. Nagkatinginan kami ni Anne at umirap lang ako tapos ay ibinaling ang atensyon sa ginagawa ko. Ayaw kong makaharap ang kung sino man ang pumasok sa opisina namin.

            "Good morning, Elodie."

            Kahit hindi ko tingnan, alam ko ang hitsura ng nakakainis na mukha ng lalaki na sigurado akong nakatayo na sa harap ng mesa ko.

            "Jeffrey. Anong masamang hangin ang nagtaboy sa iyo dito?"

            Natawa ako sa sinabi ni Anne. Palihim akong nag-thumbs up sa kanya. Pareho naming ayaw makausap ang lalaking ito. Si Jeffrey Palacio ang sipsip na assistant ng boss namin na kung umasta ay daig pa ang boss namin.

            "Hindi ikaw ang gusto kong kausap," sagot nito kay Anne.

            "At sino ang kakausapin mo? Si Dee?" Natawa ang kaibigan ko. "Hindi ka kakausapin 'nyan."

            "Talaga lang? Paano kung sabihin kong ipinapatawag siya ng daddy niya?"

            Doon na ako tumingin kay Jeffrey at gusto kong magsisi sa nagawa ko. Kasi nakita ko na ang nakakainis niyang ngiti at gusto kong kalmutin ang mukha niya.

            "See? Sabi ko sa iyo kakausapin niya ako." Ngising demonyo ang lalaki sa akin.

            "Wala akong panahon na makipag-usap sa kanya." Malamig na tugon ko at inayos-ayos ang mga folders na nasa harap ko at inilagay sa bag. I'd rather work on the impossible quest of getting the land that has been the project of this company, than talk to my estranged dad.

            "Elodie, kailangan kang makausap ng daddy mo. Importanteng-importante." Ngayon ay seryoso na si Jeffrey.

            Tumayo lang ako at inirapan siya bago isinukbit ang bag ko sa balikat.

SYMPATHY FOR THE DEVIL (COMPLETED)Where stories live. Discover now