CHAPTER FORTY-EIGHT (Riel)

3.6K 260 64
                                    

Remember. Bravery is not the lack of fear but the ability to move forward in spite of fear

————-/

Gabriel's POV

            Kahit sinabi ng lalaking narito na bitiwan ko ang baril ay hindi ko ginawa. Nakatutok pa rin sa kanya ang baril ko at talagang alerto ako sa puwede niyang gawin. Tinapunan ko ng tingin si Varona na nakalugmok sa sahig at tingin ko ay hindi na humihinga.

            "Don't worry about your friend. I just gave him a good sleep. He'll wake up later," malumanay na sabi ng lalaki at inayos-ayos ang cover ng sofa na naroon. Nagtataka pa siyang tumingin sa akin. "Hindi mo pa ba ibababa ang baril mo? I told you, I am not here to kill you." Kinuha nito ang silya na inuupuan ni Varona kanina at inilapit sa akin. "Sit down."

            Hindi ako gumalaw.

            "Come on, Gabriel Forrest Silva Alzea." Ngayon ay seryoso na siyang nakatingin sa akin.

            Sa narinig ay unti-unti kong ibinaba ang hawak kong baril.

            "What did you call me?" Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Paano niya nalaman ang totoong pangalan ko? It was sealed. The court promised me that they will seal my true identity.

            Kunwa ay nagulat pa siya sa sagot ko. "Hindi ba iyon ang pangalan mo?" May dinukot itong maliit na folder na nakasuksok sa pocket ng suit jacket na suot niya. Binuksan iyon at binasa. "Your birthday. September 16, 1992. Your parents name were Maria Silva and Crisostomo Alzea. Your father died when you were thirteen. Shot by your mother in the head." Ngayon ay nakatingin na siya ng seryoso sa akin.

            Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Paano niya nalaman iyon? No one knew about what happened to my family. What happened after that. I've changed my identity a long time ago.

            "You were adopted by a police officer who took you as his own son." Tumingin siya sa akin. "Do you still want me to continue? Or did I get your attention now?"

            Napalunok ako. Isinenyas niyang maupo ako sa upuan na ibinigay niya sa akin kaya iyon ang ginawa ko.

            Matapang akong tao. Kahit kailan hindi ako natatakot sa kahit na sinong humarap sa akin. But this guy. He looks totally calm. Bawat galaw ay may poise. But the calmness in his actions. In his voice radiates a terrifying ordeal. That he could kill without mercy.

            "But you know that was not the truth, right? Crisostomo was not your real father. Your real father abandoned you when you were still a baby. And your mother married the first man that will accept you. But that didn't happen. Wasn't it?"

            "Who the fuck are you?" Ngayon ay nanginginig na ang buong katawan ko dahil sa sinasabi niya. Paano niya nalaman ang totoong pagkatao ko?

            "You grew up in a violent family. Your so called father beat your mother up all the time. You grew up seeing your mother beaten black and blue. And then, he started to beat you too."

            "Shut up." Napapikit ako at pilit na inaalis sa isip ko ang mga alaala na matagal ko ng ibinaon sa limot. Bakit kailangan pa niyang ungkatin ang lahat ng iyon? I buried that after my mother died. I am a different person. I am Gabriel Silva, and I am a good police officer.

            "But one day, you had enough." Inilapag ng lalaki ang hawak niyang folder at pakiramdam ko ay nanghina ako sa nakikita kong litrato na inilalatag niya sa mesa. Ganito pala ang pakiramdam ng mga ini-interrogate kong suspect. Nakakapanghina. Nakakalambot ng tuhod. Nakakabaliw na maalala ang nangyari nang araw na iyon.

SYMPATHY FOR THE DEVIL (COMPLETED)Where stories live. Discover now