CHAPTER FIFTY-TWO (Loud Bang)

3.7K 285 64
                                    

People stain us in the most beautiful and haunting ways possible - Nick Frederickson

----------------------------------------------

Martin's POV

"Are you okay?"

Hindi ko tinapunan ng tingin si Declan na nagda-drive para sa akin. After a month of recovery, masakit pa rin ang tama ng bala sa dibdib ko. Hindi man ako napuruhan pero dinadaing ko pa rin ang sakit at hirap pa akong igalaw ang kaliwang braso ko.

"Dude, are you sure you want to do this?" Seryoso na ngayon ang boses niya.

Napahinga ako ng malalim. Am I sure? No. I am not sure. I don't want to be sure. The truth, I don't want to do this. Because I don't want to believe it was true.

Pakiramdam ko ay sumikip ang dibdib ko nang pumasok ang sasakyan sa sementeryo. Kailangan ko pang huminga ng malalim ng ilang beses. Para akong masusuka. Para akong kinakapos ng paghinga. Napahawak ako sa dibdib ko dahil pakiramdam ko ay sumasakit ang dating sugat doon.

"Ted, I think we should go back. You're not yet ready." Ramdam ko ang lungkot sa boses ni Declan.

Umiling ako. "And when will I be ready?" Ngumiti ako ng mapakla sa kanya tapos ay bumaba sa kotse. Kinuha ko mula sa backseat ang bungkos ng bulaklak.

"Do you want me to go with you?" Sumilip sa akin si Declan pero umiling ako.

"I'll be fine. Wait for me here." Tinalikuran ko na siya. Lumakad ako at hinanap ang puntod na dapat kong puntahan.

Pakiramdam ko ay ay nanginig ang buong katawan ko nang matagpuan ko ang hinahanap ko. Napakaraming mga bulaklak sa paligid ng lapida. Malinis na malinis din ang paligid. Halatang alaga sa linis. May nakasinding kandila at may picture frame na nakapatong sa isang gilid.

Lumuhod ako at inayos ang mga bulaklak na naroon. Itinabi ko sa gilid. Ipinalit ko malapit sa frame ang bulaklak na dala ko.

"I don't know what your favorite flowers are. I never had the chance to ask you," napa-ehem ako dahil pakiramdam ko ay may nakabarang kung ano sa lalamunan ko. "I brought every kind. But the stargazers are the best. They look good. They smell good. Just like you."

Kinuha ko ang isang tangkay ng white stargazer lily mula sa bungkos ng mga bulaklak na dala ko at inamoy iyon.

"I missed you." Naupo ako sa harap ng puntod. Nag-indian sit habang tini-trace ko ang mga ukit sa pangalan ng lapida. Nag-iinit ang mga mata ko habang ginagawa iyon. Hanggang sa hindi ko na matiis ang pagpipigil ay napayuko at umaalog na ang balikat ko.

How many times I cried like this when I learned what happened? There were so many why's. There were so many questions. It was so unfair. This fucking life was so unfair.

Why Elodie? Why does she have to be taken away from me? Was that my ultimate karma? I cheated death so many times just to endure this pain? Because of what I did, they took the one that was so precious for me? I already gave up my old life. Fuck, I gave up my family just to have a new start. Only to have this kind of misery?

I could still remember that day. It was so vivid. Jorge was trying to rape her, but Gabriel came. And when we thought that everything was over, we didn't expect that Jorge was still alive and pulled the trigger. Shooting Elodie on her back.

Wala akong magawa noon. Nabaril din ako at hinang-hina pa sa dami ng gamot na isinaksak sa akin. Naalala ko lang ang pagdating ng mga tao sa paligid. They were trying to revive Elodie. Gave her first aid, but I knew they were already late. Nagwawala na noon si Gabriel kaya napilitan ang mga EMT na dumating na ilabas siya. Some people tend to me too. Tried to patch me up, but I kept on telling them to save Elodie first. I don't care if I die that day. Si Elodie lang ang importante sa akin. Ang mabuhay siya. I could give my life in exchange for her.

SYMPATHY FOR THE DEVIL (COMPLETED)Where stories live. Discover now