CHAPTER TWENTY-FIVE (Her Nightmare)

4.1K 282 34
                                    

She survived because the fire inside her burned brighter than the fire within her.

———————-

Martin's POV

            Sigurado na ako na gumagawa na ng sariling imbestigasyon si Matthias. Praning ang isang iyon. Siguradong pinapa-imbestigahan na nito kung sino talaga si Evie Marie Valderama. I needed to talk to Elodie. Kailangang mabigyan ko siya ng heads up.

            Pero kung kakausapin ko naman si Cesar at sabihin ang nangyari sa anak niya, siguradong mas lalong magkakagulo. Mas maiipit ako. Dahil paniguradong magwawala si Cesar at damay ako doon dahil bakit hindi ko sinabi sa kanya ang totoong nangyari sa anak niya. Malalaman din ni Matthias na hindi talaga namatay ang babaeng pina-dispose niya.

            Naihilamos ko ang kamay sa mukha ko. Mas masakit sa ulo ang sitwasyong napasukan ko ngayon. I was in the middle of two demons who would do anything to protect their children. At siguradong ako ang talo sa sitwasyon na ito.

             Narinig kong tumutunog ang telepono kong nakatago sa cabinet. The burner phone that I use for my underground works. Tumayo ako at kinuha iyon. Napakunot ang noo ko dahil unknown number ang tumatawag. Who could this be?

            "Who's this?" Seryosong tanong ko.

            Matagal bago may sumago sa kabilang linya.

            "You said, whenever I need your help you'll be here." Nanginginig ang boses ng babae. Halatang papaiyak. "I don't know what to do. Please help me." Ngayon ay tuluyan na itong umiyak.

            Napakunot ang noo ko tapos ay tiningnan ko ang number ng telepono na naroon. "Elodie?" Paniniguro ko.

            "Please help me, Martin."

            Malalakas na hagulgol ang narinig ko.

            "Elodie! Hey! What's going on?" Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ganitong-ganito ang nararamdaman ko noong natagpuan ko siyang nag-aagaw-buhay.

            Pero wala na akong narinig na sagot. Mahina akong napamura at nang mag-hello ako uli ay busy tone na ang naririnig ko. Sinubukan kong tawagan ang number at para akong nakahinga ng maluwag nang sagutin niya ang tawag ko.

            "Hey. What's wrong?" Kinakabahang tanong ko.

            Humihikbi siya. "Busy ka ba? Can you go to my place? I just need someone to talk."

"Okay. Give me your address. I'll be there."

            Wala na akong narinig na sagot sa kanya at maya-maya ay text message ang na-receive ko. Address kung saan siya tumutuloy.

            Agad kong dinampot ang susi ng sasakyan ko at nag-drive patungo sa address na ipinadala niya. Tumingin ako sa relo at pasado alas-onse na iyon. I knew something happened kaya kahit ganitong dis-oras ng gabi ay tumatawag sa akin si Elodie. Ipinarada ko ang sasakyan  ko sa tapat ng building na tinutuluyan niya.

            Hindi agad ako nag-buzz nang makarating sa unit niya. Nakatayo lang ako doon at ilang beses na huminga ng malalim. Nang makakuha ako ng lakas ng loob ay pinindot ko ang buzzer. Hindi pa agad bumukas kaya naka-tatlong ulit pa ako ng pindot ng buzzer bago binuksan iyon.

            Marahan kong itinulak ang pinto at nakita kong nagkalat ang mga gamit ni Elodie sa paligid. May nangyari kaya dito? Pinasok ba siya ng masamang loob?

            "Elodie?" Dahan-dahan akong pumasok at naabutan ko siyang nakasalampak sa sahig malapit sa couch at parang tulala na nakatingin sa kung saan. Nakatapi lang ito ng tuwalya at sigurado akong wala itong suot na kahit na anong panloob.

SYMPATHY FOR THE DEVIL (COMPLETED)Where stories live. Discover now