CHAPTER TWENTY-THREE (Back Job)

3.8K 237 26
                                    

A man that studieth revenge keeps his own wounds green. - Francis Bacon

------------------------

Martin's POV

Ang aga-aga ay tumutunog ang telepono ko. Ayaw ko pa sanang sagutin dahil puyat na puyat ako nang nagdaang gabi dahil magdamag kong pinag-aralan ang mga anak ni Matthias. Baldomero. Kaya kung si Declan lang itong nambubulahaw sa akin ay hindi ko na iintindihin.

Kinuha ko pa ang unan at itinabon sa mukha ko pero mukhang hindi titigil itong tumatawag na ito. Inis kong ibinato ang unan at tumingin sa relo. Ala-siyete ng umaga. Dinampot ko ang telepono at tiningnan kung sino ang tumatawag. Napangiwi ako nang makita kong si Matthias Baldomero ang nang-istorbo sa tulog ko.

"What?" Asar kong bungad nang sagutin ko ang tawag niya.

"Martin. I trusted you." Seryosong sabi niya.

Napakunot ang noo ko. Ano ang ibig sabihin niya sa sinabi niya.

"May problema?" Taka ko.

"Did you really get rid of the body that I told you to dispose months ago?" Seryosong-seryoso pa rin ang boses niya.

Hindi ako nakakibo. "Bakit?" Bakit siya nagtatanong ng ganoon? I cleaned up my mess. Declan helped me to burn the body and the car. Wala akong sablay doon.

Pero napamura ako sa isip ko. Hindi kaya lumabas na si Elodie?
"Just answer my god damn question." Iritableng sagot niya.

"Yes. I did. Ipinakita ko sa iyo 'di ba? Lahat ng proof na gusto mo. Alam mong malinis akong magtrabaho." Ipinahalata ko na rin sa kanya na iritable ako sa tinatanong niya.

Hindi agad nakasagot si Matthias tapos ay nagpakawala ng buntong-hininga.

"Kilala mo si Cesar Valderama 'di ba? Iisa lang ang anak niya at iyon ang dinispose mo. Pero may ipinakilala siyang anak sa akin. Evie. Evie Marie. Who the fuck was that?"

Sinasabi ko na nga ba. Shit. Kapag talaga nagkabukingan ako talaga ang maiipit sa lahat ng ito.

"I didn't know about it." Pagsisinungaling ko.

"Get to my office. We need to talk about this. Gusto kong masiguro na hindi iyon ang babaeng ipinatapon ko sa iyo."

"Okay." Iyon na lang ang naisagot ko at pinatayan ko na siya ng call. Inis kong naihilamos ang kamay sa mukha ko at napabuga ng hangin. Tingin ko ay malaking gulo itong ginawang paglabas ni Elodie.

Papasok pa lang ako sa opisina ni Matthias ay nakakarinig na ako ng pagtatalo. Tingin ko ay nasa loob ng opisina ang mga anak niya. Ngumiti ng parang nahihiya sa akin ang secretary ni Matthias dahil pareho naming naririnig ang pagsisigawan sa loob.

"Trust me! It's not her. That woman is dead!"

Napaangat lang ang kilay ko at naupo sa couch na naroon. Maghihintay ako kung kailan ako papapasukin sa loob.

"Magkamukha sila." Narinig kong sabi ng isa.

"Magkapatid nga kasi. Masyado kasi kayong praning. We've saw it in our own eyes. Daddy paid someone to fix our mess."

"Paano kung hindi naman pala namatay ang babaeng iyon? Paano kung niloko tayo ng sinasabi ni daddy na taga-dispose?"

Napa-ehem ako at tumingin sa sekretarya. Tingin ko ay sanay na ito sa ganoong usapan na naririnig dahil mukhang hindi man lang ito naapektuhan ng pinag-uusapan sa loob. Tumunog ang intercom nito at sinagot tapos ay tumingin sa akin. Panay yes lang ang narinig kong sinasabi tapos ay ngumiti sa akin.

SYMPATHY FOR THE DEVIL (COMPLETED)Where stories live. Discover now