CHAPTER SEVENTEEN (Mouth to Mouth)

4.3K 254 45
                                    

Love begins with an image; lust with a sensation - Mason Cooley

-----------------------------

Martin's POV

            God damn this woman.

            Ano ba ang pumasok sa kukote nitong si Elodie at biglang-bigla ay naging wild sa harap ko? Ang tagal-tagal na naming magkasama sa training pero hindi siya umaakto ng ganito. Ngayon, alam kong talagang ibinabalandra niya ang katawan niya sa akin. Sinasadya niyang makita ko ang magandang katawan niya. Sinasadya niyang idikit sa akin.

            Kung naiinis ako sa ginagawa niya, mas lalong naiinis ako sa sarili ko. Dahil hindi ko mapigil ang nagagalit sa pagitan ng hita ko.

            Fuck.

            Napalunok ako at pasimpleng tumingin sa umbok ng pantalon ko. Fucking shit. Kailangan kong lumayo sa babaeng ito. Hindi puwede. I already screwed up a job because of her. And right now, I am not going to screw this up again because she was trying to experiment with the opposite sex.

            Hindi ko na pinansin si Elodie na nanatiling nakatayo sa tabi ko at nakapamewang pa. Inimis ko ang mga baril at bala na naroon at tinalikuran na siya para bumalik sa kuwarto ko.

            "That's it? You're going to leave me here?" Narinig kong sabi niya.

            "Have some rest. You're going to start training how to use a gun tomorrow," sagot ko sa kanya at tuloy-tuloy na naglalakad.

            "But I said I wanted to learn today." Naramdaman ko pang humawak siya sa braso ko at parang pinapasong binawi ko ang braso kong hawak niya. Kita kong nagpipigil ng inis si Elodie sa akin. "What the hell is wrong with you?" Ngayon ay hindi na maialis ang inis sa mukha niya.

            "Nothing. Ikaw? What the hell is wrong with you?" Balik ko sa kanya.

            Tumaas ang kilay niya sa akin. "What's wrong with me? I am trying to be friendly."

            "Friendly? By flirting with me?"

            Napaawang ang labi ni Elodie sa narinig na sinabi ko. Tingin ko ay hindi niya akalain na masasabi ko ang salitang iyon. Dahil iyon ang ginagawa niya sa akin. Alam ko. She was flirting. And I fucking hated it because it really affects me. Big time.

            "Flirting? Am I?" Ngumisi siya ng nakakaloko sa akin. "Bakit? Affected ka ba?"

            Napahinga ako ng malalim. "Stop it. I am here for a job. If you have something in mind, a prank or whatever, huwag mo akong isali. I am fucking done with nonsense like that. Be ready at seven AM tomorrow. Make sure you finished your two-hour run before you see me."

            Siniguro kong hindi na ako masusundan pa ni Elodie nang pumasok ako sa silid ko. Ilang beses akong napahinga ng malalim at pabagsak na humiga sa kama. Parang gusto ko ng mag-back out dito. Biglang-bigla na nagbago si Elodie. Inis akong napailing. Sigurado akong pinagti-tripan lang ako ng isang iyon. Silang dalawa ng pinsan niyang bakla.

            Napatingin ako sa paligid nang may marinig akong nag-uusap sa labas ng silid ko. Tumayo ako at lumapit doon. Naalala kong malapit nga pala ang silid na ito sa swimming pool kaya binuksan ko ng konti ang bintana. Nakita kong pabalik na si Elodie doon at papunta sa lugar ng pinsan niya.

            Fucking Christ. Ano ba ang suot ni Samantha? Siguradong kung narito si Cesar napilipit na nito ang leeg ng pamangkin.

            "Anong nangyari?" Boses ni Samantha iyon.

SYMPATHY FOR THE DEVIL (COMPLETED)Where stories live. Discover now