CHAPTER THIRTY-THREE (Pink Towel)

3.6K 244 34
                                    

The worst thing about being lied to is knowing you weren't worth the truth.

------------------------------------------------

Elodie's POV 

            Nakatingin lang ako kay Martin habang nakaupo siya sa sofa ko. Hindi mag-sink in sa akin ang sinasabi niyang ginawa niya.

            "What did you say?" Ayokong maniwala sa sinabi niya.

            "I said, I killed Karl. Or sort of like that. I don't know," mahinang sagot niya at napayuko. Napatingin ako sa braso niya at kita ko na may umaagos na dugo mula doon.

            "You're bleeding." Lumapit ako sa kanya at tiningnan ko ang pinanggagalingan ng dugo. Iniangat ko ang manggas ng t-shirt at nakita ko ang malalim na sugat doon.

            "He stabbed me." Ngumiti siya ng mapakla sa akin. Namamaga ang kaliwang mata ni Martin hanggang sa pisngi. Putok ang bibig at may dugo din ang ilong.

            "Martin, what happened? Anong sinasabi mo?" Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinasabi niya.

            "It wasn't my plan. I found him raping a woman and I tried to intervene." Napabuga ng hangin si Martin at napangiwi tapos ay umayos ng upo. "One thing led to another."

            "Shit." Naibulalas ko. "Are you sure he's dead?"

            Tingin ko ay hindi siya sigurado. "He was still breathing when I left. Pero sa tindi ng ginawa ko sa kanya, I know he won't survive. He'll be dead in hours." Ngumiti siya ng mapakla sa akin. "You're welcome."

            Naitakip ko ang kamay sa bibig ko at bahagyang lumayo sa kanya.

            "Why did you do that?" It should be me. I should be the one who killed that monster.

            Taka siyang tumingin sa akin. "Why?"

            "It supposed to be me. I should be the one who killed Karl. Not you. He didn't rape you. He didn't torture you. It was me." Humihingal ako sa nararamdaman kong galit.

            Sumama ang tingin niya sa akin. "Nakikita mo ba ang hitsura ko ngayon? My face? This fucking stab wound. My body is sore all over. He did this to me. Karl put up a good fight and I trained well. I have years of fucking training and experience and still he did this to me. Now tell me if you can kill him?" Matigas ang tono ni Martin.

            Hindi ako nakasagot. May punto naman siya doon. Masyado akong gigil at masyadong mayabang na kaya ko ang lahat. Ang nangyari noon kay Pol ay nasuwertehan ko lang.

            Napaungol si Martin nang bahagyang gumalaw. Halatang iniinda ang sakit ng katawan.

            "Do you want to clean yourself?" Muli kong tiningnan ang sugat niya. "This is too big. Hindi kaya kailangan na dalhin ito sa ospital para matahi?"

            Sunod-sunod ang iling niya at bahagyang gumalaw tapos ay hinubad ang suot na t-shirt. Napa-ehem ako dahil kahit may mga bahid ng dugo ang katawan ni Martin, hindi pa rin nagpatalo ang nagmumurang mga abs niya at ang malapad na dibdib. Agad kong inilayo ang mata ko doon pero automatic na bumabalik ang paningin ko para pagsawain na tingnan ang katawan niya.

            "I'll use your bathroom. Okay lang?" Tanong niya.

            "S-sure. Sure. Go. I'll get the medicine kit and we need to-" hindi ko naituloy ang sasabihin ko kasi tumayo na siya at lalo lang nagmayabang ang maganda niyang katawan.

SYMPATHY FOR THE DEVIL (COMPLETED)Where stories live. Discover now