CHAPTER NINETEEN (Broken)

4.2K 257 23
                                    

Never be ashamed of a scar. It simply means you were stronger than whatever tried to hurt you. - Unknown

---------------------------------

Martin's POV

Wala akong matinong tulog.

Pa-idlip-idlip lang ako tapos ay magigising din. My mind was filled with the thoughts of Elodie. She was drowning. She was gasping for air.

And almost naked in front of me.

Shit.

Inis akong bumangon at naupo sa gilid ng kama. Ang tagal-tagal na naming magkasama pero kahit kailan hindi ako naapektuhan ng ganito sa kanya. I knew that she was beautiful, but during the course of our training, wala naman siyang ipinapakitang kakaiba sa akin. Seryoso lang siya sa training niya. Desidido siyang matuto ng self-defense. There was not a single time that she flirted with me.

Not until yesterday.

And I hated myself that I am really affected of what she was doing. She was an evil seductress. Alam kong kahit na sinong lalaki ay talagang bibigay sa mga ginagawa niya.

And that includes me.

I couldn't fight myself and gave in to her thoughts in my head. Nakakahiya. Sigurado ako na kapag may nakaalam ng ginawa ko, pagtatawanan ako. 

Gago. May nakaalam nga 'di ba? May nakakita pa. Si Elodie pa mismo. Ang pinagpapantasyahan mo.

Napahinga ako ng malalim at napailing. Tumingin ako sa relo at pasado ala-singko na. Hindi na rin naman ako makakatulog kaya tumayo na ako at tinungo ko ang banyo. Sa pagkakataong ito ay siniguro kong naka-lock na iyon. Ayaw ko ng may ibang tao na biglang bubulaga sa private moment ko sa banyo.

Nag-shower lang ako ng mabilisan. Nagpalit ng running gear. Lumabas ako at madilim pa sa paligid. Sigurado akong hindi pa gising si Elodie. Mauna na ako sa kanyang mag-run. Kailangang makabalik ako bago mag-ala-siyete dahil iyon ang oras na tuturuan ko siyang humawak ng baril.

I knew she has something in her mind. She has a plan, and I am going to try to crack her up.

Was she thinking about revenge? Kung tutuusin kayang-kaya naman niyang gawin iyon sa tulong ng tatay niya. Her dad could easily pay someone to kill those assholes. But Elodie kept that nightmare to herself. Wala siyang pinagsasabihan kahit na sino kaya iyon ang ipinagtataka ko.

And her sudden change of personality was really disturbing.

Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtakbo. Hindi ko na alam kung gaano kahaba ang tinakbo ko pero nang bumalik ako sa bahay ay mag-a-ala-siyete na.

Diretso ako sa kuwarto ko at nagpalit ng damit. Hindi ko pa rin maramdaman ang presensiya ni Elodie sa paligid. Tinungo ko ang training room namin at doon ko siya naabutan. Nakaupo at naka-dekuwatro pa habang nakangiti nang makitang papasok ako.

"You're late." Nakangiting sabi niya.

Tumingin ako sa relo. "I am just right on time." Saktong ala-siyete kasi ang nakita kong oras sa relo.

Tumaas ang kilay niya at tumayo. Itinukod niya ang mga kamay sa mesa at bahagyang iniusli pa ang puwet. Halatang ipinapakita sa akin ang bilugan na pang-upo na nakakurba sa suot niyang work out leggings.

"Are we going to start?" Lumingon pa siya sa akin kaya napailing na lang ako at inilapag ko sa mesa ang hawak kong duffel bag. Inilabas ko doon isa-isa ang mga baril.

SYMPATHY FOR THE DEVIL (COMPLETED)Where stories live. Discover now