MASS C-5

695 36 2
                                    

"Ang aga mo Jane, alas singko pa lang ah."

Abala siyang naghahalo ng bagong timplang kape sa maliit na tasa. Nakita ko rin ang isang basong gatas sa tabi nito na umuusok pa. " Kayo din po Sir Fred ang aga niyo po" mahinang sabi ko at sa kitchen sink dumiretso saka kumuha ng sipilyo.

"Dalawang oras lang naitulog ko. Di kasi ako makapante dahil kay Master Achi" wika nito at naupo sa may upuang tapat ng mesa.

Tumango ako at itinigil muna ang pagsisipilyo upang sumagot. "Ganoon din po ako. Parang nakaidlip na lang po ako." Maingat kong iniwas sa tubig ang parte ng aking palad kung saan ito nasugatan. Balot ito ng benda pero di sapat ang kapal ng tela nito upang matakpan ang dugo. Mahapdi pa rin hanggang ngayon. Maliit lang ang sugat pero mukhang malalim ang pagkakatusok ng bubog.

"Pasensya na kagabi Jane." Ani ng matanda at ilang sandali kami ay natahimik.

Hindi ko alam kung anong sasabihin matapos kong makita ang ginawa ni Master Achi. Siguro kung wala si Sir Fred ay nagpakamatay na ito.

"Jane kamusta yang kamay mo" sambit ulit nito.

"Okay na po. Ininuman ko na din po ng paracetamol para mawala ang sakit" sabi ko pero ang totoo mahapdi pa rin hanggang ngayon.

"Napalakas yata ang hampas ni Master." 

Hindi na ko kumibo sa halip ay matipid akong ngumiti. Kumuha na lamang ako ng mug upang pagtimplahan ng kape. 

"Maiwan na muna kita Jane, iaakyat ko lang itong gatas kay master." kinuha ng matanda ang tray na nandoon sa may mesa at inilagay nito ang isang basong gatas na mainit pa.

"Sige po Sir Fred".

"May bread pala dyan sa cabinet sa taas ng kitchen sink. Kumuha ka na lang dyan iha."

"Opo, magluluto na rin po ako ng agahan para makakain na rin po si Master Achi". Tumayo ako at binuksan ang refrigerator.

"Sige iha, para maaga mong mailabas si Master mamaya." sambit nito at lumakad na palabas.

Natigil ako sa pagkuha ng lulutuin. Naalala ko bigla yung kontratang pinirmahan ko. Sa pagkakatanda ko tuwing umaga dapat mailabas si Master Achi. Kailangan niyang maarawan dahil yun daw ang payo doctor. Makakatulong daw ito sa kanya dahil may bitamina ang sikat ng araw sa umaga. Habang nag-iisip ay sumasagi din sa isip ko ang itsura ni Master Achi. Kagabi ko lang napag masdan ang kabuuan ng kanyang mukha. Kahit pumayat siya kaunti at umimpis ang kanyang pisngi ay di ko pa rin maitatanggi na di nabawasan ang kagwapuhan niya. Kung ihahalintulad ko siya kay master Zeus parang pantay na pantay ang kanilang kakisigan.


"Jane! Ano ba!" biglang kong binatukan ang sarili at ilang sandali ay di ko napigilan ang pag ngiti. Natutuwa lang siguro ako dahil ang gwapo pala talaga ni Master Achi. Muli kong binatukan ang aking sarili upang matigil sa pag-iisip tungkol sa kanya. "Ang aga aga si Master Achi agad yang iniisip mo! Magluto kana nga!" saway ko sa aking sarili.

________________________


Kahit kinakabahan ay lakas loob akong nagsalita sa may pinto. Nasa likuran ko si Sir Fred, nakaalalay siya sa akin, dala niya ang tray na may pagkain. Agahan ni Master Achi na bagong luto ko. "Master Achi ipapasok ko lang po itong Agahan---" Hindi pa ko tapos magsalita ay sumagot naman ito.

"Come in". sabi nitong may kalakihan ang boses. Istrikto at may awtoridad ang kanyang tinig na nakakatakot pakinggan. Sa totoo lang dumadagundong na ang dibdib ko habang pinipihit ang door knob papasok sa kanyang kwarto.

"Salamat po Master" sagot ko nang bumukas ang pinto. Lumingon sa amin ni Sir Fred ngunit mabilis ding nag-iwas ng tingin. Iniabot sa akin ni Sir Fred ang tray at dahan dahan akong naglakad sa mesa kung saan naroon si Master Achi. Tahimik kong inilagay ang pagkain na pati yata tunog ng kubyertos ay maingat ko ding inilagay sa may pinggan. Hindi ko naiwasan ang panginginig ng aking kamay. Pakiramdam ko kasi kahit di nakatingin sa akin si Master Achi ay nasisilip ng kanyang kaliwang mata ang ginagawa ko.

"AYYY!"--- sa taranta ko, nasangga ko ang isang basong tubig kaya ang resulta ay natapon iyon sa may mesa, mabilis kong tinayo ang basong may tubig. Ngunit huli na dahil umagos na ito sa pantalon ni Master Achi. Dali dali kong hinubad ang apron na suot saka pinunas iyon sa pantalon ng aking Master. Lumuhod din ako upang punasan din ang tubig na kumalat sa sahig.

"Jane" sambit ni Sir Fred na kinuha agad ang tissue upang ipunas doon sa may mesa.

"Stop it!!!" isang malakas na boses ang nagpatigil sa akin at ako'y biglang pumikit.

"Sorry po Master----" mahinang sagot ko

 "Out!!!! get out!!!!."

"Master sorry p------" muli kong sabi habang nanginginig ang aking kamay. Dahan dahan ko siyang tinignan at doon ko napagtanto na doon mismo sa pantalon niya tumapon ang tubig. Pinunasan ko pa naman iyon kanina. Sa taranta ko hindi ko naisip na pagkalalaki na pala ng amo ko ang pinupunasan ko. Susme! Jane! ang tanga tanga mo! gusto kong sigawan ang sarili ngunit huli na. Kitang kita ko kung paano sumalubong ang dalawang kilay ng aking master ay maya maya pa pumikit na lang ako.

"OUT!!! GET OUT!!!" sigaw nitong nakakabingi.

"Jane, ako nang bahala dito. Lumabas ka na lang muna". sambit ni Sir Fred na inalalayan ako sa pagtayo. Nagmadali akong lumabas at isinara ang pinto. Sinapo ko ang aking dibdib at sumandal sa may pinto. Walang ano-ano ay binatukan ko ang aking sarili. "Sa sobrang takot ko nakabasag pa ako ng baso. Ang tanga tanga ko talaga" gusto kong maiyak dahil sa kahihiyan. Pakiramdam ko wala na akong mukhang maihaharap kay Master Achi.

"This is so stupid!!"

"Master pasensya na po."

"Damn it!!! Bulag  ba siya!!!! hindi ba niya nakita yang baso!!!!"

Napapapikit na lang ako dahil rinig na rinig ko pa ang usapan nila. Sa taranta ko ay dumiretso na ako ng kusina. Kumuha ng pagkain at inilagay iyon sa tray. Muli  akong bumalik sa kwarto ni Master Achi. Hinantay ko na lang si Sir Fred na lumabas na ilang sandali din ay bumukas din ang pinto.

"Sir Fred heto po. Kumuha ulit ako ng pagkain. Pagpasensyahan niyo na po ako kanina---"

"Ok lang Jane, normal na yon" sabi ng matanda na pinilit ang pag ngiti. Kinuha nito ang tray na dala ko at isinara agad ang pinto.

"DAMN IT!!!!". muli kong narinig si master Achi na sumigaw. Gusto kong umiyak dahil kahihiyan pero pinigil ko na lang. 

___________________




Mr. ACHI "Ang Simpatikong Suplado"Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang