MASS C-53

572 38 1
                                    

"Master ihakbang mo na ang paa mo" wika ni Sir Fred na nakaalalay sa gilid ni Master. Ang isa namang bodyguard ay nasa kabilang side niya. Nakahawak sa kanyang braso habang umaalalay kay Master na nakatayo.

Tahimik akong nakamasid sa kanila. Hawak hawak ko ang puting bimpo at bottled water na inumin ni Master. Pawisan ang aking amo ngunit wala pa sa itsura nito ang tumigil. Halos nakakasampong beses na rin siyang tumayo sa parallel bars. Hindi niya alintana ang pagod marahil ay motibasyon niya ang nagsisilbi niyang lakas para mailakad niya ang kanyang paa. Habang nakatingin sa aking amo ay di ko naiwasan ang maawa sa kanya habang pinagmamasdan ang pawis na pawis niyang mukha at ang kanina niya pang hingal. Hindi ko matiis na makita siyang nahihirapan, heto yata ang araw na masyado niyang pinupwersa ang kanyang mga paa. Kahapon naman ay halos dalawang oras lang ang itinagal niya sa parallel bars. Ngayon halos tatlong oras na siyang nandoong nakatayo. Nanginginig na rin ang mga braso niya at kamay.

Kaya naman ay naglakas loob akong lumapit sa kanya. Pinunasan ang mukha niyang pawisan pati ang mga braso niya ay pinunasan ko din. "Master magpahinga kana muna" sabi ko at siya tila nagulat sa aking ginawa.

Umiling siya at ngumiti na parang ayaw niyang ipakitang nahihirapan siya. "Thanks, but I need to do this" sabi niya.

"Jane, bigyan mo na lang ng tubig itong si Master" wika naman ni Sir Fred.

Isinukbit ko muna ang puting bimpo sa aking balikat pagkatapos ay binuksan ko ang bottled water na hawak ko. Iaabot ko sana kay Master ngunit nagsalita agad si Sir Fred.

"Iha, painumin mo si Master, hindi niya yan mahahawakan" paalalang sambit ni Sir Fred na sinabayan ng tawa.

"Ay sige po" wika ko at inilapit ang bottled water sa kanyang labi. Ibinuka niya ang kanyang bibig habang ako ay idinikit sa kanyang labi ang inumin. Nakatitig ako sa kanya habang hawak hawak yung bottled water at yung isa ko namang kamay ay nakasalo sa tubig na papatak mula sa kanyang labi. Taas baba ang kanyang adam's apple habang lumalagok na sa totoo lang nawiwili akong pagmasdan.

"Okay na po?" tanong ko nang mapansin huminto siya sa paglunok.

Umiling siya. Hindi siya sumagot sa halip ay nakita ko ang labi niyang ngumiti. Ako lang yata ang nakakita dahil mabilis niyang binawi iyon. Lumagok ulit siya ng tubig hanggang sa naubos ang laman ng bottled water.

"Thank you" wika niya pagkatapos uminom.

Tanging pag ngiti ang naisagot ko na pakiramdam ko aabot hanggang sa aking batok. Ibang iba na siya ngayon. Malayong malayo sa unang Master Achi na nakilala ko nung unang dating ko dito.

"Fred I try na tumayo mag-isa. Susubukan ko kung kaya ko" sabi niya at si Sir Fred ay tinignan siyang may pag-aalinlangan.

"Master baka hindi mo kayanin. Baka----" natigil si Sir Fred nang biglang sumagot si Master.

"Dyan lang kayo, kung babagsak ako aalalayan niyo naman ako agad diba?" ani ni Master na determinado ang mukha.

"Sige Master" wika ni Sir Fred at bumaling naman sa bodyguard na nakaalalay kay Master. "Alisin mo muna ang paghawak kay Master, pero alisto ka para kung babagsak siya mahahawakan mo agad siya."

"Opo sir Fred" sagot ng bodyguard.

"Okay, ready" wika ni Master at huminga ng malalim, at mayamaya lang ay dahan dahan nilang inalis ang kamay sa pagkakahawak kay Master.

Nakita ko kung paano ngumiwi ang mukha ni Master nang siya ay magisa na lang na nakatayo sa Parallel bars. Dahan dahan niyang inihakbang ang kanyang kanang paa, kasunod ay yung kaliwa naman niyang paa. Namumula na ang kanyang mukha at muling tumulo ang malalaking patak ng pawis sa kanyng noo pababa sa kanyang mukha at sa leeg. Basang basa na din ang suot niyang white tshirt na umabot hanggang sa parteng dibdib at likod.

"Master!?" wika ko habang nakatitig sa aking amo. Lumingon siya sa akin at pinilit na ngumiti. Marahil ay alam niyang nag-aalala ako. Nag-aalala na baka hindi na kayanin ng kanyang mga binti at paa.

"Master wag masyadong pwerasahin baka makasama lang sayo kung ipipilit mo pa" sabat naman ni Fred.

Huminga siya ng malalim. Hindi niya alintana ang aming sinabi bagkus ay nagpatuloy siya sa paghakbang. At ilang sandali pa ay nakarating siya sa dulo ng parallel bars. Pagkatapos ay mabilis na hinawakan ni Sir Fred at ng bodyguard ang kanyang mga braso dahil akmang babagsak na siya mabuti at nahawakan agad siya ni Sir Fred. Ako naman ay inilapit agad ang wheelchair sa kanya upang siya makaupo na.

"Did you see it? Nakahakbang ako." nakangiting sabi niya nang makaupo siya sa kanyang wheelchair

"Opo Master, I'm sure sa mga susunod na linggo hindi kana gagamit nitong wheelchair" wika naman ni Fred na may saya ang tinig.

"Fred pwede ko na sigurong gamitin bukas ang adult walker na yun" ani ni Master at tumingin sa bagay na katabi ng treadmill.

"Master baka hindi pa po pwede" wika agad ni Sir Fred.

Umiling si Master at bumaling sa akin. "I can, diba Jane?" sabi niya sa akin.

"Ah eh" hindi ko alam kung anong isasagot sa kanya. Baka kasi pag sinabi kong hindi pwede ay sigawan niya ako. "Master kaya mo po ba?". Di ko naiwasan ang magtaka dahil parang hinihingi na niya ngayon ang opinyon ko. Sino ba naman ako para magbigay ng komento eh caregiver at maid lang naman ako dito.

Tumango siya at muling tumingin sa adult walker. "Wala namang masama kung susubukan ko. It's better to try than to wait. I want to recover as soon as possible." Aniya at muling tumingin sa akin kasunod nun ang pag ngiti niya ng mabilis.

"Ikaw ang bahala Master, basta nandito lang kami na aalalay sayo" bilin ni Sir Fred.

"Thanks, anyway mamayang hapon pwede mo ba akong samahan Jane sa may Beach front?" baling niya sa akin.

Wala sa sariling pinunasan ko ang kanyang pawis sa mukha na kanina pa pumapatak pababa sa kanyang leeg. Napansin ko kung paano niya titigan ang kamay kong humaplos sa kanyang pisngi na parang he stare at me in a second and his eyes gave me a meaningful look kaya nakaramdam ako ng pagkailang. Binilisan ko na lang ang pagpunas pagkatapos ay sinukbit ko ng bimpo sa aking balikat. 

"Jane pwede mo ba akong samahan?" muling niyang tanong na hindi ko pala nasagot.

"Po?" heto naman ako parang di ko na naman naiwasan ang mataranta dahil sa kanya.

"Jane, come with me on the beach front!" utos niyang seryoso na ang tinig at sumeryoso ang mukha.

Tanging pagtango ang aking naisagot at si Sir Fred na malapit lang sa amin ay biglang tumawa. Nakakahiya dahil kapansin pansin na natutuliro pag kausap na ako ni Master.

"Naku iha, nawawala ka na naman sa sarili mo" tawang sambit ni Sir Fred.

Alam kong pupula  na naman aking mukha kaya ang ginawa ko ay dumiretso agad ng kusina. Itinago ang namumula kong pisngi at ilang sandali lang ay narinig ko si Sir Fred na tumawa ng malakas.

Nakakahiya dahil halatang halata ang aking pagkailang lalo pa't nakita ni Sir Fred at ni Master.

_________________________

Mr. ACHI "Ang Simpatikong Suplado"Where stories live. Discover now