MASS C-65

580 43 12
                                    

"Wag isali? Have you ever love my father? O pera lang ang habol mo sa kanya?" Wika ko at walang kakurap kurap na tinitigan ang aking ina.

Nakita ko kung paano nag salubong ang kanyang dalawang kilay at humakbang palapit sa akin. Mapait siyang ngumiti at malakas na nagsalita na sinabayan ng pagduro niya sa aking sintido.

"Don't you ever ask me about that. Wala kang karapatan, dahil anak lang kita! Pasalamat ka nga dinala pa kita ng siyam na buwan na kung tutuusin pwedeng pwede kitang ipalaglag!" Pasigaw niyang sabi habang dinuro duro ang aking sintido.

Ramdam ko ang sakit sa aking sintido dahil sa diin ng kanyang mahabang kuko. Napahawak ako ng mahigpit sa aking baston at ang tingin ko sa kanya ay di ko inaalis. Gusto kong makita niya na hindi ako masasaktan sa kahit anong gagawin at sasabihin niya.

"Sana ginawa mo na lang, its better to die than to see you right know----"
Tumagilid ang aking pisngi dahil sa malakas niyang sampal. At ilang segundo pa ay may naramdaman akong likido na umagos sa aking sintido na kanina ay halos ibaon niya ang kanyang matulis na kuko.

"How dare you! How can you say that to me" sabi niya at akmang sasampal ulit nang biglang may sumigaw doon sa pinto.

"Madam! Tama na po!" Tinig ni Jane dahilan para bumaling ako ng tingin sa kinaroroonan nito.

Umayos ng tayo ang aking ina at nagkrus ng balikat. "Your still weak, ni wala ka ngang magawa ngayon. Such pathetic!" Sarkastikong sabi niya at tinapunan ako ng masamang tingin pagkatapos ay lumakad papuntang pinto.

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagbangga niya sa balikat ni Jane. Na halos mapaatras ito ng tayo.

"Master! Dumudugo po yung sintido mo" sabi niya na halos patakbong lumapit sa akin. Pabagsak akong umupo sa upuan sabay sandal ng aking likod.

Till now I cant accept the fact na hindi ko kayang lumaban sa aking ina. Parang may pumipigil sa akin na hindi ko mawari kung bakit. Naalala ko bigla ang sabi ni Lola bago siya bawian ng buhay. Ang huling habilin niya ay patawarin ko ang aking ina dahil bali-baliktarin man ang mundo ay ina ko pa rin siya at sa kanya ako nanggaling. Pero kung ganito pa rin ang kahihinatnan ko ay bakit hindi ko siya magawang pigilan. Ni hawakan ang kamay niya ay wala akong lakas. Dahil ba takot pa rin ako? Nasa isip ko pa rin ang mga pagmamaltratong ginawa niya nung bata pa ako.

"Master gamutin natin yang sugat mo." Biglang sabi ni Jane na pinupunasan na pala ang sintido kong may dugo gamit ang kanyang puting bimpo.

Bumaling ako ng tingin sa kanya. Kitang kita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha.

"Master umiwas ka sana nung dinuro ka niya. Tsk, hay," wika niya saka huminga ng malalim. "Wait lang Master, kukunin ko lang muna sa kwarto ko yung medicine kit" dugtong niya ulit at nagmadaling lumabas.

Narinig niya siguro ang usapan naming mag-ina. Nakita niya rin siguro kung paano ako saktan nito.

Pagpasok niya ay dala na niya ang medicine kit. Lumapit agad siya sa akin upang gamutin ang sintido kong nagdurugo"Master pasensya na kung narinig ko ang usapan ninyo. Ang lakas kasi ng boses ni Madam, hindi ko po intensyon na makinig pero mabuti na rin po kasi kung hindi ko nakita baka mas malala pa dito ang gagawin niya."

Wala akong maisip na sabihin kay Jane. Tanging paglingon sa nakabukas na bintana ang aking ginawa at muli ay bumoses sa isip ko ang tinig ng aking ina. "Pasalamat ka nga dinala pa kita ng siyam na buwan na kung tutuusin pwedeng pwede kitang ipalaglag!" Naramdaman ko ang isang patak ng luha na umagos sa aking pisngi. Tila nawalan ako ng pakiramdam na kahit pagluha ay di ko maramdaman.

"Master, nandito lang ako handang makinig sayo. Okay lang umiyak, nakakabawas din yan ang bigat ng pakiramdam"biglang wika ni Jane marahil ay nakita niya ang isang patak kong luha.

Hindi ako sumagot, hindi ko rin siya mabalingan ng tingin. Nakatingin lang ako sa bintanang nakabukas, tulala na parang walang lakas.

"Master medyo mahapdi ito. Pumikit ka nalang kung masakit" wika ulit ni Jane at dahan dahan na idinikit ang bulak na may alcohol sa nagdurugo kong sintido. May hapdi akong naramdaman pero hindi nito mapapantayan ang masasakit na salitang dinanas ko sa aking ina.

------------------

Maingat kong ginamot ang sugat ni Master. Hindi ko aakalain na makikita ko ang eksenang iyon na nangyari lang kanina. Para akong nanunuod ng isang pelikula na hindi ko naiwasan ang makaramdam ng inis sa kontrabida. Tama, kontrabida na ang tingin ko sa kanyang ina. Ngayon pa lang habang nakikita ang mukha ni Master ay hihingi na ako ng sorry kay Lord.

Lord, patawarin niyo po ako kung ako man ay makakaroon ng kasalanan. Hindi po kasi kaya ng konsensya ko na makita si Master na ganito. Balisa at wala sa sarili. Tulala na parang nakatingin sa kawalan.

"Master lalagyan ko na po ng band aid" sabi ko kay Master na katingin sa labas ng bintana. Hindi siya sumagot maski ang pagsenyas ng kanyang kamay ay di ko nakita.

Nakakalungkot tignan ang ganitong kilos niya. Inis at galit ang naramdaman ko sa kanyang ina. Hindi ko makakalimutan ang sinabi ni Madam sa kanya. Pwedeng pwede naman kitang ipalaglag. Ito ang mga salitang tumatak sa isip ko. Siya lang yata ang babaeng kayang kayang magsalita ng ganito sa kanyang anak. Parang gusto niyang iparating na maswerte pa si Master dahil dinala niya ito ng siyam na buwan sa sinapupunan.

Napapikit na lang ako ng sandali pagkatapos ay bumuntong hinga. Pinapakalma ang aking sarili habang nilalagay ang band aid sa sugat ni Master. Mabuti na lang at daplis lang ang sugat, medyo nahinto na rin ito sa pagdurugo kaya tingin ko sapat na ang band aid para patuyuin ang sugat ni master sa sintido.

"You can go now. I want to be alone" mahinang wika ni Master nang hindi ako nililingon.

Tumayo ako at lumakad papunta ng pinto. Ayaw ko pa sanang lumabas ngunit kailangan niyang mapagisa. Bago pihitin ang door knob ay muli ko siyang tinignan. Malungkot ang kanyang mukha at sa bintanang nakabukas pa rin siya nakatingin.
Wala akong nagawa kundi ang lumabas sa kanyang kwarto at marahan na sinara ang pinto.

Itinuon ko ang tingin sa ibaba kung saan natatanaw ko ang sala. Wala doon si Sir Fred. Marahil ay nasa kanyang kwarto pa at abala sa pakikipag usap sa doctor ni Master. Gustong gusto ko na kasing ikwento kay Sir Fred ang ginawa ni Madam kay Master. Isusumbong ko si Madam baka sapat na iyon para mapaalis siya dito.

Bigla akong napaatras ng hakbang nang makita si Madam na lumabas ng kusina. Kaya bago pa niya ako makita ay nagmadali agad akong pumasok sa aking kwarto. Isinandal ko ang aking likod sa pinto saka huminga ng malalim.

"One is enough. Tandaan mo Jane, one is enough!" Sabi kong nanggigigil at muling huminga ng malalim.
Tama na ang nakita ko, dahil kung may masasaksihan pa ako, baka hindi ko na mapigil ang sarili ko. Sasabunutan ko talaga ang bruhildang yon.

-----------------

Alam kong nanggigigil na kayo. Relaks lang po. Wag po kayong magagalit sa akin. Ganito po talaga ang kwento hindi mabubuo ang istorya kung walang kontrabida, bruha at atribida. 😆😂

Tulad din sa totoong buhay may mga kontrabida talaga. 😆😂

Thank you sa pag-aabang ng update.

Mr. ACHI "Ang Simpatikong Suplado"Donde viven las historias. Descúbrelo ahora