MASS C-10

656 34 1
                                    

Maingat kong inilagay sa kanyang harapan ang mangkok na may sabaw. Mainit din ang kanin na nakapagitan sa kutsara at tinidor.

Tahimik lang ang aking amo habang naglalapag ako ng aming pananghalian.

Tinolang manok ang niluto ko ngayong pananghalian. Gumawa din ako ng vegetables salad para naman sa panghimagas. Nasa gitna ng malaking mesa ang isang piling ng saging na lakatan at may mansanas na nakapalibot dito. Sa tatlong araw na pamamalagi ko dito ay ang tanging kusina lang ang kumpleto sa gamit. Kung ikukumpara ko kasi ito sa sala ay wala pa yata sa sampong gamit ang nandoon

"Kain na po" aya ko habang nakaupo at sa kanya'y nakatapat.

Marahan niyang kinuha ang kutsara at tinidor. Sinusulyapan ko siya sa kanyang pagkilos baka kasi may bigla siyang iutos sa akin. Ang sabi ni Sir Fred kailangan ko daw subuan si Master, kaya naman nitong igalaw ang mga kamay ngunit hindi daw nito natatagalan. Akala ko yung mga binti at paa lang ang naparalisado hindi pala. Dahil half paralyzed din ang mga kamay ng aking amo.

"Master ako na pong magsusubo sa inyo" sabi ko nang makitang sa kanyang mukha na tila nahihirapan.

"No". Madiin at strikto niyang sagot.

Tumango na lang ako at muling bumalik sa pagsubo. Binilisan kong kumain kasi parang di kaya ng konsensya ko na makita siyang pinipilit ang sarili. Alam kong gutom siya dahil di maalis ang tingin niya sa kanyang pagkain.

Nakaya niyang isandok ang kutsara sa mainit na sabaw ngunit nanginginig ang kanyang kamay. Dahan dahan niyang hinigop ang sabaw sa kutsara at muling sumandok ulit. Lalong nanginginig ang kanyang mga kamay kaya ako di na napigilan na tumayo at lumapit sa kanya.

"Master ako na po" sabi ko at hinawakan ang kanyang pulsuhan. Bumaling siya sa akin at kitang kita ko kung paano nagsalubong ang kanyang dalawang kilay.

"Take off your hands!" Iritable niyang sambit na ako naman ay bumitaw agad.

"Master ako na pong magsusubo sayo" sabi ko kahit kinakabahan. Sumulyap siya sa akin na sinabayan ng pag-irap.

"Go back to your seat!"

Hindi ako bumalik sa halip ay nananatili ako sa kanyang tabi. Kinakabahan man ngunit hindi ko pwedeng hayaan siya na nahihirapan sa pagkain. Para ano pa't kinuha niya akong taga pag alaga kung hindi ko naman magagawa ang aking trabaho.

"I said!! Go back---"

"Master wala po si Sir Fred. Ang bilin niya po sa akin ay tulungan kita lalo na po sa pagkain"

Ilang sandali din siyang tumahimik, bumuntong hinga na tila ba pinapakalma ang kanyang sarili. "Who are you to say that to me?!"

Ewan ko ba kung bakit nakaramdam  ako ng inis at kasabay din nito ang lungkot. Alam kong binabayaran niya ako pero parang hindi ko matanggap na pagsalitaan niya ako ng ganun na lang.

Tinitigan niya ako na parang buong kaluluwa ko ang nakikita niya. Hindi ko natagalan ang pagtitig sa kanya kaya ilang segundo ay yumuko na lang ako.

"Back to your seat. Now!!" Tila umecho ang tinig sa loob ng bahay at kusa akong napaatras nang ilang hakbang.

"Now!!" Sigaw niya ulit dahilan para ako ay bumalik sa aking upuan.

Di ko na siya magawang titigan, itinuloy ko na lang ang aking pagkain kahit ang totoo mas gusto ko na lang umiyak.

Jane pagpasensyahan mo na lang. Initindihin mo na lang si Master. Pinakalma ko ang sarili at mabilis na inubos ang aking pagkain. Kinuha ko ang aking pinggan upang ilagay na doon sa kitchen sink.

"Damn!!"

Bumaling agad ako sa kanya. Natapon ang sabaw na nasa mangkok at kumalat iyon sa mesa pati din sa kanyang damit at pantalon. Nagmadali akong kunin ang tissue at pinunas iyon sa kanyang nabasang damit

"Damn it!!! This is shit!!" Reklamo niya.

Minabuti kong di na magsalita sa halip ay pinagpatuloy ko ang pagpupunas. Ramdam ko na mainit pa yung sabaw na natapon. Kaya posibleng napaso ang kanyang balat. Itinaas ko ang kanyang damit hanggang doon sa may bewang. Wala na sa isip ko kung magalit siya ang importante ay maagapan ko kaagad ang pamumula ng kanyang balat. Kumuha ako ng kamatis at hinati iyon. Kahit hindi ko nakita ang reaksyon niya ay kapansin pansin na natigilan siya.

"What are you doing?"

Hindi ko siya kinibo bagkus ay pinahid ko yung kamatis doon sa parte ng bewang niya kung saan namumula pababa doon banda sa pusod niya. Maputi ang kanyang balat kaya nakita ko kaagad ang pamumula.

"Stop it!" Bulyaw niya sabay hawak sa aking kamay na may hawak na kamatis. "Are you crazy?!" Inis  na inis na siya dahil nakita kong nagngingitngit na ang kanyang bibig.

"Ginagamot ka". Pwersahan kong hinablot ang aking kamay mula sa kanyang pagkakahawak. Pagalitan na niya ako pero di ako magpapatinag sa kanya.

"I said stop!" At muli ay hinawakan niya ang aking pulsuhan.

"Okay" sabi ko. Di ko na napigil ang inis kaya di ko na siya matawag na Master. Binuksan ko ang tukador na nandoon baka sakaling may medicine kit akong makita. Mabuti at nahanap ko agad kaya muli ko siyang nilapitan.  Akmang pipindutin niya ang kanyang wheelchair ay patakbo akong humarang sa pintuan at sinara agad iyon.

"Master kailangan kitang gamutin, pagagalitan ako ni Sir Fred pag----"

"Tsk, don't you!---"

"Kahit sigawan mo ako!" Kinakabahan man eto lang ang naiisip ko, ang daanin siya sa dahas.

Walang kakurap kurap na tinitigan ko siya. Ganoon din ang kanyang ginawa. Hanggang siya ay inalis ang tingin sa akin. Pakiramdam ko ako ang nanalo.

"Susunod ka rin pala" bulong ko at palihim na ngumiti.

"What?!" Inis na sambit niya na para yatang uusok na ang kanyang ilong.

"Kahit ano pang sabihin mo Master, ako ang masusunod". Sabi kong may halong pang-aasar.

"Tsk!" Sabay buntong hinga niya.

Di ko naiwasan ang pag ngiti na parang kontrabida sa isang pelikula. Kala mo, di ka makakalabas dito sa kusina.

Lumapit ako sa kanya at itinulak ang kanyang wheelchair pabalik doon sa mesa. Muli kong tinaas ng dahan dahan ang kanyang damit hanggang doon sa kanyang tiyan.

Kumuha ako ng bimpo at pinunasan ang kanyang tiyan. Sa totoo lang di naman yata tiyan ang nakikita ko. Dahil may anim na umbok na hugis bato. Parang pandesal. Abs. Tama abs. May abs din pala ang aking amo. Di ko napigilan na sulyapan siya na siya pala ay nakatitig din sa akin.

"What?!"

Umiling iling ako. "Wala naman po."sagot ko pero ang totoo naduduwag akong tignan ang kanyang katawan.



Mr. ACHI "Ang Simpatikong Suplado"Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang