MASS C-8

678 36 3
                                    

Kakalabas ko lang sa aking kwarto ng marinig ang musika na nagmumula doon sa baba. Sa sala. Nakita kong nakatayo si Sir Fred doon sa may tapat ng cabinet nakabukas iyon kaya't nakita ko ang lumang disenyo ng radyo na nasa loob. Kung hindi ako nagkakamali ay sinaunang plaka ang kanyang hawak. Nag-ii-sway ang kanyang balikat na sinasabayan ang tugtog ng musika.

"Sir Fred" sabi ko at lumapit sa kanya.

"Jane" sagot naman nito habang nakangiti. Mag-aalas kwatro na nang hapon kaya't ang sinag nang araw doon sa may labas ay hindi na ganoon kainit.

"Si Master po?" tanong ko na agad naman itong ngumuso doon sa may center table. Nandoon pala ang aming amo. May tasa doon at isang sandwich. Mabilis lang na sumulyap si Master Achi habang ako ay matipid na ngumiti sa kanya.

"Ang ganda naman po ng tugtog na iyan" baling ko kay Sir Fred.

"Eto ba, Jazz music ito. Ito ang madalas na patugtugin ng Lola ni Achi noon"

"Talaga po? maganda po pala ang taste niya sa music. At yung radyo po mukang sinauna pa?" tanging ang lumang radyo lang ang nakita ko sa loob at dalawang piraso ng plaka sa may cabinet. Yung isa ay ang tumutugtog habang yung isa ay hawak ni Sir Fred.

"Naku ini-ingatan ko po ito. Ito kasi ang bagay na natitirang alaala ng Lola ni Master Achi. Si Madam Amelia."

Sa tuwing makakausap ko si Sir Fred ay may bago akong nalalaman tungkol sa pagkatao ni Master Achi. Hindi ko tuloy naiwasan ang  kuryosidad at wala sa sariling napatingin sa aming amo. Nakatingin din pala ito sa amin na mabilis ding iniwas ang pagtingin.

Lumapit ako ng kaunti kay Sir Fred at bumulong. "Napakaganda po siguro ni Madam Amelia, kasing ganda po siguro siya ni Madam Elizabeth"

"Hindi Jane, Si Madam Amelia ay ina ni Don louis. Si Don louis ang daddy ni Achi. Maganda din si Madam Elizabeth pero kung ako ang tatanungin mas Maganda si Madam Amelia. Napakabait niya kung ikukumpara sa mommy ni Master"

Di ko naiwasan ang paglaki ng aking mata. Para kaming tsismosa ni Sir Fred at ang tingin namin ay bumaling kay Master Achi. Nakita ko ang pag-irap sa amin ni Master Achi. Syempre dinaan ko na lang sa tawa para di naman halata na siya ang usapan namin.

"Nakakatawa naman po" sabi ko kay Sir Fred na siya din ay tumawa. 

"Jane" sabi nito at pasimpleng sumenyas na wag akong maingay. Ilang saglit pa ay pinaandar ni Master Achi ang kanyang wheelchair at lumabas doon sa main door. Doon ulit siya pumuwesto sa gitna kung saan may araw. Nakatanaw lang kami ni Sir Fred sa kanya. Kapansin pansin kung paano niya damhin ang init ng araw at simoy ng hangin. Nakapikit siya at maya maya lang ay may ibon na dumapo sa kanyang balikat. Hindi siya kumilos parang hinayaan niya lang itong lumakad pababa hanggang sa kanyang kamay.

"Sir Fred parang mahilig po sa hayop  si Master Achi" sabi kong pinagmamasdan ang aming amo sa may labas. Tila nakikisabay din ang musika dahil maaliwalas ang ambiance. Maganda ang tanawin at nakapagaan sa pakiramdam.

"Oo iha, ganyan talaga siya. Mahilig siya sa hayop nga lang di siya nakapag alaga dahil ayaw ng mommy niya. Si Madam Elizabeth."

Si Madam Amelia. Si Don Louis. Kahit papaano nakikilala ko na ang pamilya ni Master. Di ko naiwasan na lalong mapaisip. Nung nakasama ko naman si Master Achi nung nasa grocery kami approchable naman siya. Ano kayang nangyare bakit bigla siyang nag-iba o baka dahil sa karamdaman na iniinda niya. Saka nasaan kaya ang daddy niya?

"Napakabait po siguro ng daddy ni Master?" tanong ko na sa totoo lang naghihintay din ako sa mga ikukwento pa ni Sir Fred.

"Kaugali niya din ang daddy niya tahimik pero mabait."

"Siguro po kasing gwapo niya rin ang daddy niya". Sambit ko ulit.

"Aba'y tumpak ka dyan iha, magkamukha silang dalawa. Masasabi kong mahal na mahal talaga ni Madam Elizabeth si Don Louis." Huminga ng malalim ang matanda at nagsalita ng may panghihinayang. "Kung buhay pa siguro si Don Louis hindi sasapitin ni Master Achi ang---" di niya tinuloy ang sasabihin sa halip ay huminga ulit siya ng malalim at muling bumaling doon sa lumang radyo.

Kung buhay? Ibig sabihin patay na rin ang daddy ni Master Achi? Hindi ko magawang itanong. Marahil ay may mga bagay na hindi ko na dapat pang malaman. Saka sapat na rin siguro ang nalaman ko ang tungkol sa magulang ng aking amo. Sa palaga'y ko ay hindi naman ganoon ka suplado si Master Achi. kumbaga may pag ka choosy lang. Ilang saglit din akong napaisip dahilan para magtanong sa akin si Sir Fred

"Jane? bakit?" pagtataka nito at tumingin kay Master Achi na nandoon pa rin sa labas. Mas marami nang ibon ang nakadapo na para bang komportable ang mga ito sa kandungan ng aming Amo.

"Wala naman po Sir Fred. Nalungkot lang ako kay Master."

"Bakit?"

"Parang lagi siyang malungkot pag tinitignan ko siya. Mas gusto niya po yatang makasama ang mga ibon at yung aso na nasa labas kanina"

"Totoo Jane, minsan nga mas gusto niyang mapag-isa ayaw niyang may nakikitang tao. Mas nakaka-stress daw kasama ang tao kesa sa hayop"

"Kung magiging hayop ka Sir Fred anong gusto mong maging?" Birong sambit ko.

"Siguro aso" agad niyang sagot dahilan para ako ay ngumiti. "Jane? niloloko muna ako" saway nito.

"Naku hindi po. Bagay bagay po sa inyo ang maging aso dahil napaka masunurin niyo po kay master. Napaka loyal niyo din po" sabi kong may paggalang pero di ko pa rin mapigilan ang tumawa.

"Eh ikaw Jane?" 

"Ako po ibon" sabi ko saka itinuon sa mga ibon na nasa balikat at kandungan ni Master Achi. 

"Bakit?" tanong ng matanda.

"Para naman po nakakalapit ako kay Master." sabi ko. "At para maamoy ko siya" wala sa sariling naiboses ko ang aking kapilyahan. Bigla kong kinagat ang ibabang labi tapos si Sir Fred biglang tumahimik at ilang sandali pa ay nagsalita.

"Naku Jane, di na bago sa akin yan. Lahat ng nag-alaga kay master Achi ay may lihim na pagtingin"

Di ko alam kung biro ba ito. "Po?! Talaga po?"

"Hindi. Biro lang". Sabay hagikgik nito.

----------------------

Mr. ACHI "Ang Simpatikong Suplado"Onde histórias criam vida. Descubra agora