MASS C-92

518 33 0
                                    

Pasan pasan ko ang isang sako na may lamang mga pechay. Mula sa aking kinatatayuan ay sampung hakbang ang layo ng sasakyan na kinakagargahan ng mga gulay. Pasikat pa lang ang araw at ang sinag nito ay hindi pa umaabot sa dulong parte ng aming bukid.

"Tisay kaya mo bang buhatin yan?" Abala si tatay sa paglalagay ng iba pang gulay sa sako na nasa kanyang harapan. Inihinto niya muna ang ginagawa. Inalis niya ang kanyang sombrero sa ulo at pinaypay ito sa kanyang mukha.

"Oo tay, ako pa, sanay na sanay akong magbuhat". Huminto muna ako sa paglakad at inayos sakong pasan ko. "Anong oras po ba ito kukunin?" Wika ko ulit at akoy nagtuloy lumakad patungo sa sasakyang malapit na sa akin.

"Bago daw magtanghalian. Mabuti nga't iniwan ni ka ising iyang sasakyan. Maiaayos natin itong gulay bago pa sila dumating mamaya"

Maingat kong inilapag ang sako doon sa likuran ng sasakyan. Tinignan at sinigurado ko din kung mahigpit ang pagkakatali sa bukana ng sako. Pag hindi kasi maayos ang pagsalansan sa mga gulay ay hindi na ito maibebenta sa palengke. Kung may bumili man ay mababa na ang presyo nito.

Nakita kong pinasan ni tatay ang sako na napuna na niya ng gulay. Lumapit agad ako sa kanya at tinulungan siyang magbuhat. Tagaktak na ang pawis ni itay pero kahit kelan ay di ko siya narinig na nagreklamo. Naalala ko dati nung nag-aaral pa lang ako high school ay paspasan ang trabaho niya dito sa bukid. Pati si nanay ay tumutulong din. Naluluha na lang ako pag nakikita kong umuupo si tatay sa gilid at pinapaypay ang kanyang sombrero. Pagod na pagod at panay hinga ng malalim. Sampung kalabaw yata ang katumbas ni tatay. Pagod man siya pero tuloy pa rin sa pagta-trabaho.

"Tay ako na lang ang maglalagay nito sa sasakyan"

"Sige anak," wika niya at ibinaba ang sako na pasan-pasan niya. Kinuha ko agad iyon at binuhat papunta sa sasakyan. Pagkatapos kong ilagay ang sakong puno ng gulay ay lumapit ulit ako tatay para tulungan siyang maglagay ng gulay  sa mga sako.

"Madami yata ang ani niyo ngayon tay"

"Oo anak, yung pinadala mo kasing pera noong nakaraang buwan ay pinambili ko ng abono. Maganda yung abono na nabili ko ngayon. Hindi masyadong napepeste ang mga pananim natin ngayon."

"Tay wag mo masyadong pagurin ang sarili mo. Mahirap na. Baka isigod kana naman sa hospital" pagkatapos naming mapuno ang isang sako ay kumuha ulit ako ng sako at inayos upang malagyan ng gulay.

"Alam ko tisay, sinesermunan mo ba ako? Mas malakas pa kaya ako sa kalabaw" pagmamayabang ni itay saka tumawa.

"Ang akin lang tay eh' maganda na po ang nag-iingat. Sa edad mong yan dapat nagpapahinga kana lang. Sapat naman po ang sweldo ko para makapag retired kana dito sa bukid"
Patuloy lang ako sa pagsasalansan ng gulay na nasa aking harapan. Si tatay naman ay umupo muna sa gilid at muli na namang pinaypay ang sombrero malapit sa kanyang mukha.

"Kahit ano pang sabihin mo tisay hindi ako titigil na magtanim dito. Teka nga. Maiba nga tayo ng usapan. Gaano mo ba ka kilala yang amo mo? Napapansin ko iba ang tinginan niyo sa isa't isa. Umamin ka nga tisay. May gusto ko na ba sa kanya?"

"Tatay naman e'h ang daming tanong." Wika ko sabay kamot sa aking leeg dahil sa yamot.

"O sige iisa isahin ko."

"Hay' na, talk show ba ito tay?"

"Gusto mo bang batuhin kita ng tsinelas? Aba'y tinatanong ka lang eh'." Wika ni itay at tumayo na upang tulungan ako sa ginagawa.

"Oo na po" pilit kong sagot at si tatay ay humagikgik ng tawa.

"Gaano mo ba kilala ang boss mo? Mabait ba siya? Wala bang bisyo?"

Hindi ko alam kung anong isasagot ko kay tatay. Kung sasabihin kong pumatay si Master dati ay tiyak kong magugulat siya at ang mas malala ay mapaalis agad kami dito ng wala sa oras.

"Bakit hindi mo masagot tisay? May nililihim kaba?" Usisa ng aking ama kaya ako ay napilitan nang magsalita.

"Kilala ko tay si Master. Katulad din siya ni Master Zues mabait." Matipid kong sagot at nakita ko ang itsura ni tatay na tila hindi nakontento sa aking sinagot.

"Mabait? Eh pag tinignan ko siya para siyang suplado."

"Ganyan din ang akala ko dati nung una. Saka tay hindi ka ba nagtataka na kahit anong iutos mo eh sinusunod niya?"

Napaisip si tatay ng ilang segundo at mayamaya pa ay tumango. " Oo nga, sabagay muka namang malinis ang intensyon niya. Aba'y hindi ko inaasahan na hindi niya iilagan yung itak. Ang lakas ng loob niya"

Hindi ko napigil ang ngumiti habang nakikita ang reaksyon ni tatay na namamangha sa katapangang ipinakita ni Master. Nakakaproud sa pakiramdam dahil mukang aprobado si Master kay itay.

"Pero tisay kilalanin mo muna siya bago mo tanggapin ang pagtangi niya. Bibihira na lang ngayon ang mga lalaking mabuti ang hangarin. Kaya kung magdedesisyon ka tandaan mo ang mga bilin kong ito" wika ni itay na matalinghaga.

Tinapik ko si tatay sa kanyang balikat na siya naman ay umakbay sa akin. "Alam mo anak ito ang isa sa kinakatakot ko. Ayaw na ayaw kong may umaakyat ng ligaw sayo. Kasi ayaw kong mapalayo ka sa amin ng nanay mo. Pero mukang dumating na ang panahon na kailangan ko nang tanggapin iyon." Wika ni tatay na parang maluluha dahil panay ang kurap niya habang nakatingin sa pasikat na araw.

Nakaramdam ako ng lungkot sa mga narinig ko sa aking ama. Tama siya. Mapapalayo ako sa kanila ni Nanay kung sakaling umibig ako at magpasyang magkapamilya. "Tay matagal pa yan mangyayari. Masyado ka namang fast forward eh'."

"Mamaya na ba ang alis niyo?"

"Oo tay, ang sabi ni Sir Fred kanina eh kailangan na naming bumalik gawa ng kailangan ng pirmahan ni Master ang papeles na dumating sa mansyon"

"Papeles?" Kunot noo nitong tanong.

"Oo Tay, baka tungkol sa negosyo yon." Nagtuloy ako sa aking ginagawa at ang itay ko naman ay binuhat ang sako na napuno na namin kanina.
Pagkatapos niyang ilagay ang sako sa sasakyan ay muli na naman siyang nagtanong. Parang wala na yatang katapusan ang pagtatanong niya.

"Tisay nagka nobya na ba yang amo mo dati?

"Tay hindi ko alam. Ang mabuti pa si Master na ng kausapin mo, para matapos na yang pagtatanong mo."

"Aba'h gusto mong ipalo ko sayo itong tsinelas?! nagtatanong lang eh. Oh syah, tapusin na nga natin ito. Mainit na mamaya." Sinalansan ni tatay ang mga gulay sa huling sakong aming pinaglalagyan. Ilang minuto din ang lumipas ay natapos na din kami. Umupo kami ni tatay sa gilid at pinagmasdan ang sikat nang araw na tumatama na sa aming kinaroroonan.

"Magdala kayo ng gulay mamaya. Pati yung talangka na nakuha mo sa sapa dalhin mo din." Bilin ni tatay saka umakbay sa akin.

"Mukang matatagalan pa yata na makabalik ka rito" dugtong pa ni tatay na humina ang tinig.

"Pipilitin ko tay na makapagbakasyon ulit dito. Wag kang mag-alala" sagot ko.

"Sana nga tisay. Saka pag sinagot mo na ang amo mo, wag kang maglilihim. Pag naglihim ka tatagain ko na talaga siya" seryosong wika ni Itay at mayamaya pa ay tumawa. "Saka magpakipot ka muna, wag mo munang ibigay ang matamis mong Oo." Saad pa niya na parang nanunukso.

Natawa na lang ako sa biro ng aking ama. Heto ang ugali niyang mamimimis ko. Masayahin at kahit istrikto siya ay komportable akong kausap siya.

------------------

Mr. ACHI "Ang Simpatikong Suplado"Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang