MASS C-49

585 36 2
                                    

Tulak tulak ko ang wheelchair ni Master habang kami ay lumalabas doon sa malaking gate. Pagkatapos naming mag-almusal ay nagsabi siyang gusto niyang magpaaraw.
Habang tulak tulak ko ang kanyang wheelchair ay di ko naiwasan ang tignan siya mula sa kanyang likuran at sa kanyang ulo pababa sa kanyang batok.

Nakakapagtaka kasi dahil simula ng pumasok ako dito ay hindi ko siya nakitang nag tshirt. Lagi lang siyang naka long sleeve. Pero ngayon nakasuot siya ng puting v-neck tshirt at talaga namang bumagay sa hugis ng kanyang katawan lalo na sa mga braso at balikat niyang may kaunting muscle.

At habang pinagmamasdan ko si Master ay di ko napigilan ang aking pag ngiti. Nasa likuran niya ako kaya malakas ang loob kong ngumiti habang nakatitig sa kanya.

Ipinuwesto ko siya sa bench upang makaupo ako habang nagbabantay sa kanya. Tahimik kaming dalawa. Hindi ko tinangkang magsalita dahil habang sinusulyapan ko siya ay nababasa kong gusto niyang pakinggan ang hampas ng alon sa dalampasigan na nasa aming harapan. Pati ang huni ng mga ibon na lumilipad sa himpapawid ay bumagay din tunog ng alon. Parang musika sa aking tenga na nakakarelaks pakinggan.

"Ang sarap sa pakiramdam." Sabi kong nakangiti sabay baling kay master na halos isang hakbang ang pagitan mula sa aking kinauupuan.

Sinulyapan niya ako nang may ngiti sa labi na hindi ko nakayang tignan pa siya ng matagal. Baka bigla na naman akong kabahan at sa totoo lang sa kanya ko lang madalas maramdaman.
Minabuti ko na lang ang tumahimik. Pinakinggan ang alon sa dagat at ang simoy ng hangin na dumadampi sa aking balat at sa buhok kong sumusunod sa hangin.

Napapansin ko unti unti nang mag-iiba ang ugali ni Master. Kung dati ay lagi siyang nakasimangot, galit at di makausap ng matino ngayon ay napalitan ng pagiging kalmado niya at minsan pa napapansin ko parang ang bait bait niya, nakangiti na rin siya pero hindi madalas kumbaga nabibilang ko pa rin sa aking daliri.

"Can I ask you?" Biglang tanong niya dahilan para balingan ko siya ng tingin. Nakatitig siya sa akin na seryoso ang kanyang mata.

"Ano po yon?" Tanong ko.

Ibinaling niya ang tingin sa dagat at mayamaya pa ay bumuntong hinga. Kitang kita ko ang kanyang pag ngiti na parang nahihiya siya sa kanyang itatanong. Pinagmasdan ko lang siya. Naghahantay sa kanyang sasabihin.

"I dont know if its right na itanong sayo ito pero" natigil siya at muli na namang bumuntong hinga.

Nakaramdam ako ng kaba na pakiramdam ko importante iyon. Kung hindi niya magugustuhan ang aking sagot ay sigurado akong magagalit siya sa akin. "Ano po ba iyon Master?" Tanong ko ulit at siya'y lumingon sa akin. Seryoso ang kanyang mukha at ang mata niya na halos sa mata ko nakatitig.

"Have you been inlove?"

Hindi ko nagawang kumurap habang nakatingin sa kanya. Ano kayang nasa isip niya? Bakit niya ako tinatanong tungkol sa bagay na ito. Alam kong alam niyang wala akong ideya tungkol sa usaping pag-ibig. Pero bakit? Bakit niya ako tinatanong kung na-inlove na ba ako?. Hindi ko naiwasan ang pagkunot ng aking noo dahil sa pagtataka.

Nang mga oras na iyon ay lalong bumibilis ang kabang nararamdaman ko. Para akong nauubusan ng hininga dahil kusang tumikom ang aking bibig, wala akong maisip na isagot.

Inlove? Hindi ko alam kung anong pakiramdam ng ma-inlove pero isa lang ang alam ko ngayon na si Master na kaharap ko ngayon ay nagawang pabilisin ang tibok ng puso ko.

Sa panahon na kasama ko siya ay masasabi kong siya ang tipo ng taong magaling magkubli ng kanyang sarili. Kumbaga he always show that he doesnt care pero ang totoo ay may pakialam siya.

"Master?". Eto lang ang aking naisagot pero ang totoo maraming bagay ang gumugulo na sa aking isipan. Nagawa niyang tunawin ang tila yelong nakabalot sa aking puso na naging dahilan para mapagtanto kong may nararamdaman akong saya habang kasama ko siya. Siya ang dahilan kung bakit ako kinakabahan ng ganito.

"Tsk, never mind." Sabi niya ng makita ang aking reaksyon. "Oo nga pala never ka pang nagka boyfriend and base in your reaction you never been inlove. Tama ba?"

Tanging paglunok ang aking nagawa at mabilis kong inalis ang tingin sa kanya. Nag-iinit na naman aking pisngi at sigurado akong nagba-blushed ako.

"I been inlove before pero sa maling tao." Wika ulit ng aking amo.

Nagkagusto na pala siya. Pero bakit sa maling tao?.  Gusto ko sanang iboses ngunit naunahan na ako ng hiya.
Nasisilip ko pa rin sa gilid ng aking mata na nakatingin siya sa akin. Napahawak na lang ako ng mahigpit sa laylayan ng damit ko. Pinapahinahon ang aking sarili dahil sa kabang nararamdaman ko.

"Kilala mo siya Jane, she's your friend" sabi niya ulit at sa pagkakataong ito ay tumingin na ako sa kanya. May ideya na ako pero hindi ako sigurado kung ito nga ang tinutukoy niya.

"Sino po?" Lakas loob kong tanong na parang may kumurot sa puso ko. Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng sakit at kasunod nito ay lungkot.

"Si Minah" sagot niya.

Napalunok na lang ako at ilang sandali pa ay binaling niya ang tingin doon sa dagat. Hindi ako galit sa aking kaibigan pero bakit nasasaktan ako ng ganito mas masakit ito kung ikukumpara sa mga bubog na sumugat sa aking palad.

"I fell inlove with her, I confess my feelings to her pero huli na. She will marry my cousin that time. Na-late ako ng dating sa buhay niya. But now I already move on. I accept the fact that she's not the girl that destined for me." Wika niya at humingang malalim pagkatapos ay seryoso siyang tumingin sa akin.

Pinaandar niya ang kanyang wheelchair palapit sa akin. Habang nakatingin sa kanya ay halos matanggal ang puso ko dahil sa kabang di ko makontrol. Gusto kong tumakbo papasok ng gate pero wala akong lakas ng loob. Pati paa ko di ko na rin maigalaw. Wari ko'y ito ang epekto ng presensya ngayon ni Master habang nakikita ko siyang papalapit.

Mr. ACHI "Ang Simpatikong Suplado"Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt