MASS C-86

496 36 0
                                    

"Nay, dadalhin ko lang itong extrang unan sa kabila." Yakap yakap ko ang dalawang unan habang nakatingin kay Nanay na nasa kusina. Abala siya sa paghuhugas ng pinggan at paglilinis sa de kahoy naming lutuin.

Hindi na niya ako nilingon dahil sa pinggang kanyang hinuhugasan. "Sige anak, bumalik na ba ang boss mo sa kabila? Itanong mo kung gusto niya ng kape ipagtitimpla ko siya"

"Oo Nay, nasa kabilang bahay na siya. Isama mo na din ako sa pagtimpla" wika ko at ako'y lumakad na palabas ng pinto.

Nandoon pa rin ang aking ama sa labas. Hindi pa rin ito tumitigil sa pag-inom sumenyas pa ito sa akin na lumapit habang hawak hawak ang basong may lamang alak.

"Tisay, uminom ka muna" aya ng aking ama.

Umiling iling agad ako. "Tay alam mo namang hindi ako umiinom. Tama na ho yan. Pumasok kana sa loob at kumain na" saway ko at ako'y tinawanan lang ng aking ama.

"Minsan lang naman, aba'y paano ka masasanay sa alak" biro nito na binalewala ko na lang at pumunta na sa kabilang bahay.

Sinalubong agad ako ni Master na nakatayo na doon sa may pinto.

"Master extrang unan po, baka kasi kulang kayo ng unan. Kumot po? Kailangan niyo pa? Mas malamig dito mamaya" ani ko habang inaabot sa kanya ang unan.

"Okay na siguro itong pillow. I have jacket and long sleeve no need for the blankets" sagot naman niya at inilagay ang dalawang unan sa upuang malapit sa kanya.

Di ko naiwasan na bumaling sa kanyang likuran. Kaya pala hindi na nakabalik si Sir Fred  para kumain ay mahimbing na itong natutulog sa may sofa. Inisiksik nito ang katawan na yung tuhod niya ay lumalaylay dahil hindi gaanong kalakihan ang sofa na nandoon. Nakita ko rin si Ben na natutulog doon naman sa may sahig. May unan lang ito ngunit sapin sa sahig ay wala.

"Master baka sumakit ang likod ni Ben sa sahig. Malamig pa naman yan lalo ngayong gabi"

Nilingon ni Master ang dalawa saka ngumiti ng sandali. "Ililipat ko sana si Ben kanina pero ayaw niya. Okay lang daw siyang nandyan. Si Fred naman ayaw nang bumangon. They are really drunk"

"Ahh ganun ba" wika ko habang nakatingin sa dalawa. "Master gusto mo bang magkape? Masarap magtimpla si Nanay ng kape" tanong ko naman.

Tumango siya at muli na namang ngumiti ng sandali. Maaliwalas tignan ang kanyang mukha, kahit laging seryoso ang kanyang mukha ay hindi nababawasan ang kanyang kagwapuhan. Pati ang suot niyang sweater at loose na pajama ay nakapagpadagdag sa kanyang appeal. Parang ngayon ko lang napagtanto na napaka swerte ko dahil may bisita kaming ubod ng gwapo at higit sa lahat nakakausap at natititigan ko pa kahit sandali.

"Sure," wika niya na sinabayan ng mabilis na ngiti.

Kahit sino ka pa basta't mahal kita. Lagi na lang akong sumusunod sayo. Mahal kita at yan ay totoo.

Napapakanta na lang ako sa isip habang pinagmamasdan ko siya. Kung kaya ko lang sabihin na gusto ko siya kanina ko pa sana ginawa. Hindi ko napigilan ang unti unti kong pagngiti at mayamaya pa ay kinagat ko ang aking ibabang labi. Muling ngumiti ang aking amo marahil ay nakita niya ang aking reaksyon. Isinandal niya ang kanyang braso at pasimpleng tinignan ako ng halos limang segundo. Nakangiti siya at ilang sandali ay umiling iling na wari ko'y nahihiya.

"Master balik na ako hehe. Kunin ko lang yung kape" ani ko na kulang na lang yata lumapid ako dahil sa sayang nararamdaman ko.

Tumango siya saka sumagot ng nakangiti. "Okay"

"Tisay, pakitawag mo nga si Ser" sabat ni tatay. At kaming dalawa ni Master ay napatingin sa kinaroroonan ng aking ama.

Nagkatinginan pa kami ni Master ng ilang segundo na parang napaisip pa. "Master lasing na si Tatay, pagpasensyahan mo na kung may sasabihin siya sayong hindi maganda" wika ko.

Tipid siyang ngumiti. "I know" sagot niya at walang pag-alinlangan na pinuntahan ang aking ama. Umupo ito sa upuang nakaharap sa aking ama at kinuha agad nito ang basong may lamang alak saka ininom.

"Tikman mo din itong tuba." At nagsalin si tatay ng tuba sa baso. Kinuha naman agad iyon ni Master at ininom kaagad.

Nakita ko ang pag-asim ng mukha ni Master dahilan para bigla akong tumawa ng mahina.

"Ate! Tulog na tayo" sigaw naman ng bunso kong kapatid na nakadungaw doon sa bintana. Kahit kelan talaga panira ng moment itong kapatid ko.

"Saglit lang bunso may ginagawa pa ang ate" sagot ko at lumakad na papasok sa bahay. Ikinubli ko ang aking sarili sa may pinto at tahimik na pinakinggan ang usapan ni tatay at ni Master.

"Binata, didiretsahin na kita ikaw ba ay may pagtangi sa aking anak?" Wikang matalinghaga ng aking ama. Ganito lagi ang tanong niya sa tuwing may aakyat ng ligaw sa aming tahanan. Mabuti na lang at itinago ko yung itak niya kanina. Kung hindi ay baka kanina niya pa tinaga si Master.

Nanlalaki ang aking mata habang naririnig si tatay na nagsasalita kasunod din nito ang kaba kong pabilis ng pabilis.

"Ate" ani ng aking kapatid nang makita akong nakatayo sa may pinto. Sumenyas akong huwag maingay at isara ang kanyang bibig. Pasimple itong sumilip sa may pinto kung saan natanaw niya si tatay at si Master.

"Ate bakit?" Bulong nito at mabilis na sumiksik sa aking gilid.

"Si Tatay lasing na"

"Anong ginagawa niyo dyan?" Tanong ni Nanay at kami ni bunso at parehas na sumenyas sa kanya na wag maingay. Tumingin din ito sa direksyon ni tatay at ilang sandali ay ngumiting umiling iling. "Ang tatay mo talaga" wika ng aking ina na tila nahulaan kung anong pinag-uusapan ni tatay at ni Master.

"Halika na bunso matulog kana" saad pa ni nanay at hinawakan ang aking kapatid sa kamay.  Napasunod na lang ito sa kanya habang nakatingin sa akin.

"Nay si Ate"

"Hayaan mo na siya." Wika ni Nanay at sila'y pumasok na sa kwarto.

Nanatili akong nakatayo at tahimik na nakinig sa kanila. Malakas ang boses ni tatay kaya kung may sasabihin siyang hindi maganda kay Master ay hindi ako mag-aalinlangan na hatakin si Master papasok sa bahay.

"Binata ang tagal mo yatang sumagot? Bakit natatakot ka ba?" Muling tanong ni Tatay.

Dahan dahan kong sinilip silang dalawa at nakita ko ang paghingang malalim ni Master. Nakatalikod siya kaya hindi ko nakita ang ekpresyon ng kanyang mukha. Habang ang aking ama ay nakaharap sa aking direksyon kaya muli kong ikinubli ang sarili sa may pinto.

"Ayaw ko nang ingles, gusto ko'y magtagalog ka." Dugtong pa ni tatay saka tumawa. Hindi ko tuloy mawari kung seryoso si tatay o binibiro lang si Master.

------------------------

Mr. ACHI "Ang Simpatikong Suplado"Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum