MASS C-38

558 36 3
                                    

I was staring at the glass window when my butler knocked on the door. Pasado alas-otso na nang umaga kaya ang sikat ng araw ay maliwanag na. Tamang tama ang sinag nito upang bigyan ng liwanag ang kabuuan ng aking kwarto.

"Come in" I answered saka bumukas ang pinto kung nasaan ang aking katiwala.

"Master, malapit na daw po sila Doc. Nakasakay na daw po sila ng Speed boat" lumapit ito sa akin at iniayos ang blanket na nasa aking kandungan.

"Fred, nakapag desisyon na ako"

Bigla siyang tumigil sa pag-aayos ng blanket at lumingon sa akin. "Master?" Kunot noo niyang tanong at ako nama'y huminga ng malalim.

"I want to walk again" sagot ko.

Ilang sandaling natigil ang aking butler at kumurap kurap na hindi makapaniwala sa aking sinabi "Master" wika niya at mayamaya pa ay may nakita akong luha sa kanyang mata na agad niyang pinahid.

"Gusto kong lumakad ulit" wika ko ulit at kasunod nito ang pagyakap sa akin ni Fred.

"Masaya ako sa desisyon mo Master. Tamang tama parating na si Doc. Tiyak kong matutuwa siya ngayon pag nalaman niya ito"

"Thank you Fred" sabi ko at saglit na ngumiti. Umalis siya pagkakayakap pagkatapos ay binuksan niya ang bintana.

"Master, ibabalita ko na ba kay Master Aeolus at Master Zeus ang tungkol dito?"

"For now, it's better na wag muna." sagot ko at lumingon sa may pinto nang may nagsalita.

"Sir Fred, heto na po ang agahan ni Master"

"Sige Jane bubuksan ko muna itong pinto" sambit ni Fred at binuksan ang pinto.

"Master magandang umaga po" bati nito sa akin at nag-bow. Dala dala nito ang tray na may lamang pagkain at inilapag sa mesa.

Hindi ako nagsalita ngunit ang mga mata ko ay nasa kanya. I still remember how she embrace me last night. Her warm arms, her breath and even her smell. Still now, hindi ko pa rin makalimutan kung anong amoy niya, na kahit pumikit ako ay alam kong sa kanya ang matamis at inosenteng amoy na iyon.

Pagkatapos niyang ilapag ang pagkain sa may mesa ah yumuko ulit siya. Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw niya akong tignan. Dahil ba kagabi? Dahil ba sa pagyakap niya sa akin? While looking at her I just realized that Im searching for her attention.

"Sige Jane, pwede ka nang bumaba." My butler said na agad ko namang pigil.

"No," I said na naging dahilan ng pag lingon sa akin ni Jane. I looked into her eyes na mabilis din niyang iniwas ang tingin sa akin at yumuko. "Jane, put a pillow on my back." Utos ko at si Fred ay nagpalipat lipat ng tingin sa amin ni Jane.

"Po?, Opo opo master" sagot ni Jane na halata ang pagkagulat. Kumuha agad ito ng unan sa aking kama at inilagay sa aking likod.

Palihim ko siyang tinitignan habang inaayos niya ang unan sa aking likod. Ganito ang posisyon niya nung gabing pinaayos ko ang aking unan, parang nakayakap.  Kaya naman malaya kong nasaksihan ang ekspresyon ng kanyang mukha.  Nakita ko kung paano niya kinagat ang kanyang ibabang labi na parang may tumatakbo sa kanyang isip. Maaaring hindi siya komportable dahil ang lapit lapit namin sa isat isa. Ganoon din ang nararamdaman ko, ngunit there's a side of me that want to be closed to her.

"Okay na po ba ito?" tanong niya.

"Yes thanks," I answered and she quickly walk to the door.

"Sir Fred baba na po ako"

"Sige Jane, ipaghanda  mo na din ng meryenda sila Doc, mayamaya nandito na sila"

"Opo" saka siya lumabas ng pinto.

Paglabas ng aking caregiver ay pangiti ngiting binalingan ako ng aking butler. "Why?" Tanong ko.

"Master parang may napapansin ako" ngiting sambit nito.

Umismid lamang ako at pinaandar ang aking wheelchair papunta sa mesa kung nasaan ang pagkain.

"Maganda po ba si Jane?" Bigla nitong tanong na nahinto ako sa pagkuha ng basong may gatas.

"What? What do you mean?" Tanong kong nakakunot ang noo. Alam ko naman ang ibig niyang sabihin I just want to pretend na wala akong pakialam

"Kung maganda po si Jane" wika nitong nilakasan na ang boses.

"She's kind" sagot ko ngunit ang totoo iba ang sagot ng isip ko. She's kind and sweet and kinda attractive.

"Bakit ka nakangiti Master? May dapat ba akong malaman?"

Hindi ko na namalayan na nakangiti na ako habang nakatingin sa pagkain. Nagiiba ang tingj  ko habang tinitignan ang pagkain nakahanda. Nakikita ko kasi ang mukha ng nagluto nito. Si Jane. Bukod sa mabait siya masarap din siyang magluto.

"The food smell good." Pag-iiba ko ng usapan na tinawanan naman ng aking butler.

"Masarap talagang magluto si Jane Master. Naturuan talaga siya ni Mayordoma Lydia. Maswerte ang magiging asawa ni Jane."

"Fred Im hungry. Tama nang kwento" sabi ko na ito naman ay kinuha ang kutsara at sumandok ng pagkain.
"Ako na Fred, gusto kong kumain na hindi ka na inaabala" sabi ko ulit at binigay naman nito ang kutsara sa akin.

"Aba mukang maganda ang mood mo ngayon Master"

Di ko naitago ang pag ngiti. Hindi ko na siya sinagot sa halip ay pinagpatuloy ko na lang ang pagkain.

----------------------

Mr. ACHI "Ang Simpatikong Suplado"Where stories live. Discover now