MASS C-74

534 38 5
                                    

Marahang sinara ni Fred ang pinto, lumapit siya sa akin at tahimik na pinagmasdan ang aking ina na nakahiga sa kama.

"Master, hanggang kelan kaya magiging ganito si Madam?" simpatya nitong sabi saka huminga ng malalim. Bahagya siyang tumapik sa aking balikat na parang gusto niyang sabihin na magiging okay din ang lahat.

"I dont know. I just hope that someday she will change" sagot ko habang nakatitig sa aking ina.

"Malaki ang pinagbago niya simula nang mamatay ang iyong Papa. Marahil minahal nga talaga niya ang Papa mo ngunit dahil sa trahedya naging ganito na siya. Nakakalungkot isipin na sobrang dinamdam niya ang pagkawala nito."

Tanging paglunok ang aking nagawa habang pinakikinggan ang aking butler sa kwento nito. Totoo ang sinabi nito dahil natatandaan ko pa ang pag-aalaga sa akin Mama noon. Lagi niya akong kinakarga papunta sa may dalampasigan. Lumalangoy din kami kasama si Papa. Malungkot kong tinitigan ang aking ina habang naninikip ang aking dibdib dahil sa pag-alala sa nakaraan.

"Master natatandaan ko pa kung paano binago ng Papa mo si Madam, napakataray niyan dati nung mag nobyo pa lang sila. Pero dahil napakalambing at mapagmahal ng Papa mo, nagawa niyang mapagbago si Madam. Kaso bumalik din ulit sa dati ang ugali ni Madam"

"I might say that she still depressed. She should see a psychiatrist kung gusto niya pang bumalik sa katinuan."

"Ganoon din po ang iniisip ko." Wika ni Fred at lumapit sa upuan upang ilapit sa akin. "Maupo ka muna Master, nakakangalay din na lagi kang nakatayo lalo pa't baston yang hawak mo" saad niya na ako'y umupo din naman sa upuan.

Hindi pa alam ni Fred ang totoo kong kondisyon at wala pa sa isip ko na sabihin ito sa kanya ngayon.

"She ask me about the inheritance that I recieved" pagtatapat ko saka nilingon si Fred na nasa tabi ko.

"Tungkol sa pinamana sayo ni Madam Amelia?"

"Yes, hindi ko alam kung anong dahilan niya but I guess she running out of money"

"Wag mo pong masamain Master pero base sa pagkakaalam ko malaki po ang nakuha niyang mana sa Papa mo. At kung hindi ako nagkakamali may pera din siya dahil isa siyang Falcon"

Itinabi ko ang baston sa aking gilid at isinandal ng aking likod. Nagkibit balikat at pailing iling na tinignan ang aking ina. "Fred tawagan mo si Leo, tell him to investigate my mom".

Narinig ko ang paghingang malalim ni Fred at ilang sandali ay sumagot. "Masusunod po Master."

"Tell him na I need the information as soon as possible" wika ko ulit.

"Opo Master tatawagan ko na po siya ngayon"  sagot ni Fred at lumabas kaagad.

Muli kong itinuon ang aking atensyon sa aking ina. Napatulog siya ng wala sa oras dahil sa lakas ng pagtulak sa kanya ni Jane. Hindi ko masisisi si Jane dahil halos malagas ang mga buhok niya dahil sa paghatak ng aking ina. Tandang tanda ko ang itsura ni Jane nung makita niya akong papalapit upang awatin silang dalawa. Nabasa ko sa mukha niyang wag akong lumapit. Marahil ay baka mabitawan ko ang aking baston at maging dahilan pa para malaman ni mama na nakakatayo na ako.

Napansin ko ang pagkilos ni Mama at dahan dahan niyang minulat ang mata. Napahawak din siya sa kanyang sintido saka hinilot. "What the hell, it hurts!" Inis niyang sambit saka bumaling sa akin. "Why are you here? Hinahantay mo bang mamatay ako?"

Sarkastikong ngiti ang aking sinagot at matalim siyang tinignan. "This is not the day for that. Pero kung gugustuhin mo. I give it to you"

"Asshole! Ang lakas ng loob mong sabihan ako ng ganyan?! Sino kaba? Anak lang naman kit---"

Mr. ACHI "Ang Simpatikong Suplado"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon