MASS C-94

496 37 3
                                    

Malakas na pag preno ang nagpagising sa akin mula pagkakaidlip. Yakap yakap ako ni Master na ang isa niyang kamay ay mahigpit na nakahawak sa aking ulo at ang isa naman ay nakayapos sa aking bewang.

"Shit! Yuko!" sigaw ni Master at kaming dalawa ay napayuko.

Hindi ko alam kung anong nangyayari pero nakakaramdam na ako ng takot. Sunod sunod na pag putok ng baril ang aking narinig at kasabay din nito ang mga basag na salamin na nagkalat sa loob ng aming sasakyan. Takot na halos manindig ang aking balahibo, kaba na halos hindi ko magawang huminga. "Mm-master ano pong nangyayri?" tanong kong  tinignan si Master.

Kalmado lang ang kanyang mukha ngunit ang mga mata niya nagpapahiwatig na kung anong sunod na mangyayari. "We need to get outta here" sabi niya at muli na namang namayani ang pagputok ng mga baril.

"Ben! Ben!" Sigaw ni Sir Fred na nakayuko din sa driver seat. Hindi ko makita kung anong nangyari kay Ben dahil hinarang ni Master ang kanyang kamay sa aking ulo at mukha.

"Master si Ben natamaan!" Muling sambit ni Sir Fred at naamoy ko na ang masangsang na amoy. Dugo. Kahit hindi ko makita ang buong lagay ni Ben ay nasilip ko naman ang pulang likido na pumapatak sa kamay nitong nakalaylay.

"Damn it!". Niyakap ako lalo ni Master ng muli na namang umingay ang putok ng mga baril.

"Ma-master, natatakot po ako" wika ko na nanginginig na sa takot yumakap na ako sa kanya upang kahit paano ay mabawasan ang dumadagundong kaba.

"I'll protect you. Mamamatay muna ako bago ka nila mapatay" wika ni Master habang nakayakap sa akin ng mahigpit.

"Ah! Master! Wala na tayong laban!"Muling na namang sumigaw si Sir Fred at  ang mga putok ng baril ay lalong lumakas. Dahan dahan inalis ni Master ang isang kamay sa aking ulo at binuksan ang pinto na nasa gilid niya.

"Akin na, bilis!" Wika ni Master at nakita ko ang pag abot ng isa niyang tauhan ng dalawang baril. Pagkakuha ay sinara niya din agad ang pinto.

"Fred get this" wika niya kay fred at iniabot agad ang isang baril kay Sir Fred. Wala akong narinig na tanong o reaksyon kay Sir Fred. Kinuha agad ito ni Sir Fred at nakipag palitang bumaril sa mga armadong nasa aming harapan.

"Buhay pa ba si Ben?" Tanong ni Master at pinutok ang baril sa harapan. Nakakabingi na kahit sino ay hindi nanaising marinig ang sunod sunod na pagputok ng mga baril.

"Humihinga pa siya Master"

"Ma--ma-ster" tumakas na kayo.

"Hindi Ben! Isasama ka namin!" Pagtutol na sambit ni Sir Fred.

Di ko na napigilan ang lumuha habang naririnig si Ben na nagsasalita. Pilit na bumibigkas ng letra na ilang sandali na lang ay malalagutan na siya ng hininga.

"Jane, Jane" at ang kamay ni Master ay  humawak sa muka kong puno nang pawis. Pinagmasdan niya ako kahit ako'y lumuluha. Pinunasan niya ang mata kong basa ng luha at niyakap ako ng mahigpit. Pagkatapos ng ilang segundo ay muli niya akong tinignan. "Jane do you trust me?" May pag-aalala na akong nakita sa kanyang mukha. Pangamba na baka hanggang dito na lang ang aming buhay.

Tanging pagtango ang aking sinagot at bigla na naman kaming pinaputukan ng sunod sunod. "Master" wika kong nag-aalala at siya muling humarap sa akin. "We will get outta here" sabi niya at mabilis na humalik sa aking noo. Ipinikit ko ang aking mata upang damhin ang mainit niyang labi na nakalapat sa aking noo. Kahit papaano ay nabawasan nito ang  kaba't takot na namamayani sa akin ngayon.

"Master! Papalapit na sila!" Muling sumigaw si Sir Fred at nagpaputok ng baril.

Sumagot din ng putok si Master. Isiniksik ko ang aking sarili sa kanyang bisig. Nakayakap ang isa niyang kamay sa akin habang ang isa ay tuloy tuloy sa pagbaril.

Iniangat ko ang aking mukha kaya nakita ko ng bahagya ang labas ng sasakyan. Nasa gilid ng sasakyan ang mga bodyguard ni Master. Nakikipagpalitan din ng pagbaril sa mga armadong lalaki na nasa harapan ng sasakyan namin. May mga bodyguard din sa likurang parte ng sasakyan. Isa isang bumagsak ang mga bodyguard na nandoon. Hanggang sa nakita kong apat nalang ang natitirang bodyguard na nakikipag palitan ng putok.

"Master umalis na kayo. Kami nang bahala rito." Sigaw ng isang bodyguard na nasa labas.

Umiling si master saka sumagot. "No! We will kill them. Lahat sila uubusin natin!" Matapang na sagot ni Master.

Hindi ko nakitaan ng takot ang aking amo. Kalmado pa rin ang kanyang mukha at ang katapangan niya ay hindi nabawasan. Heto na siguro ang kabuuan ng pagkatao niya. Handang pumatay kahit buhay niya ang kapalit.

"Give me a gun!" Sigaw ni Master na mabilis na tinapon ng isang bodyguard ang dalawang baril sa pwesto namin. Nasalo agad ito ni Master at sunod sunod na pagputok ang kanyang ginanti sa mga armadong lalake.

"Stay here. Okay?" Baling sa akin ni Master.

Hindi niya ako nilingon ni ang pagsagot ko ay di na niya hinantay. Mabilis niyang binuksan ang pinto at gumapang sa sahig. Tuloy tuloy siyang bumaril habang gumagapang papunta sa unahan ng sasakyan. Mayamaya pa ay isa isang nagbagsakan ang mga armadong lalaki.

Ipinikit ko na ang aking mata ng makita ang aking amo na nakatayo na sa unahan. Tinakpan ko ang aking tenga upang hindi marinig ang baril na puputok sa kanya. Ayaw kong isipin na siya'y natamaan ng bala. Iniyuko ko ang aking ulo at taimtim na nagdasal. Kung ano man ang sasapitin namin ngayon ay diyos lang ang makakaalam. Alam kong po-proprotektahan niya kami lalo na si Master na sinugod ang mga armado.

Lord, ayaw ko pong mamatay dito. Pakiusap po protektahan mo kami. Mataimimtim kong dasal habang iniisip ang mukha nang aking Master. Pinigil ko ang pagluha  upang kahit papaano ay may tapang pa akong maipakita.

"Jane, tinamaan ka ba?" Tanong ni Sir Fred na malalim na ang paghinga.

"Hindi po Sir Fred." Sagot ko at dahan dahang nilingon si Sir Fred na nasa Driver Seat. "Sir Fred!" Sigaw kong malakas ng makita ang kulay pulang likido na umagos sa kanyang balikat.

"Okay lang ako Jane" ani ni Sir Fred na sinabayan niya ng mahinang hagikgik. Tumigil na rin ang putukan at si Master ay natanaw ko sa labas ng sasakyan. Nakatayo malapit sa aming harapan. Nakatuktok ang baril sa armadong lalaking nakahiga.

"Sino?! Sino ang nag-utos sa inyo?!" Bulyaw ni Master dahilan para lalo kong ituon ang atensyon sa kanya at sa lalaking nasa sahig.

Basag na ang salamin sa unahan ng aming sasakyan kaya mas lalo kong nasaksihan ang nangyayari sa aking harapan.

Tumawa ang lalaki na tila tanggap na nito ang kamatayan. "Patayin mo na ako" sagot niyang tumatawa.

"Sino! Sinong nag-utos sa inyo!" Pasigaw na tanong ni Master. Ipinutok niya ang kanyang baril sa hita ng lalake at ito'y napasigaw sa sakit.

Parehas kaming natahimik ni Sir Fred  habang pinagmamasdan si Master na nasa labas.

"Leo, magpadala ka dito ng sasakyan ngayon na" narinig kong wika ni sir Fred na nakadikit na ang kanyang cellphone sa kanang tenga niya. Pinatay din nito ang tawag at iniayos si Ben sa pagkakaupo.

"Ben, kaya mo pa ba?" Ani nito kay Ben na nakapikit. Malalim ang paghinga ni Ben na halatang pinipilit pang mabuhay. Pagtango ang naisagot ni Ben habang nakasandal sa driver seat.

"Sino?! Sinong nag-utos?!" Muling sigaw ni Master sa lalaki at kami napatingin ulit sa kanyang direksyon.

"Ahh!" Sumigaw ulit ang lalake ng barilin ni Master ang kabilang hita nito. "Tama na! Tama na!" Pagsusumamo ng lalaki na nakahawak sa kanyang sugatang hita.

"I'll let you live if you answer me. Sinong nag-utos?!" Muling tanong ni Master at tinutok sa dibdib ng lalake ang dulo ng kanyang baril.

"Si- si- elizabet----"

Napahawak ako bigla sa aking bibig at walang kakurap kurap kong pinagmasdan ang pagkislap ng baril dahil sa sunod sunod nitong pagputok.

Malinaw ang narinig ko. At hindi ako maaaring magkamali. Si Madam? Si Madam ang nag-utos nito?

--------------------

Mr. ACHI "Ang Simpatikong Suplado"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon