Chapter 76: Nawawala

39 1 23
                                    

Pag-uwi ni Jisoo sa tinutuluyan niya galing trabaho, ang una niyang gagawin pagkabukas ng pinto ay bibilangin ang mga pares ng tsinelas at sapatos sa shoe rack.

Jisoo: Isang pares ng pambahay. Walang nagbago.


Bubuksan niya ang ilaw at ihahagis ang bag niya sa sofa. Dederetso siya sa ref at kukuha ng bote ng red horse. Bubuksan niya to gamit ang gilid ng lamesa at iinumin na parang C2.

Uupo siya sa sofa at tititig sa TV na basag at patay.

...

...

Jisoo: Wala kayong kwenta pareho. Kung anu-ano pang pangako niyo pero iniwan niyo lang din ako.

...

...

Dudukutin niya ang cellphone niya mula sa kanyang bulsa at magmemessage sa GC na may pangalang "Mga mahal kong jowa"

Jisoo: Update ko lang kayo. Buhay pa ko kahit na sobrang ayoko na.

Jisoo: Compared kasi sa inyong dalawa, tumutupad ako ng pangako e.

Jisoo: Pakshet kayo!!!

Jisoo: This is so unfair. So fucking unfair

Jisoo: How do you expect me to keep on living when my reason to live is gone?

Jisoo: Putangina

...

...

Jisoo: Seulgi... Lisa... Please.

Jisoo: Hirap na hirap na ko.

Jisoo: I overheard Roseanne talking to Alice. They're postponing the wedding again. And I know it's because of me.

Jisoo: I don't want to be like this.

Jisoo: I refuse to be a burden to my friends.

Jisoo: So... forgive me. Pero I'm fucking done... See you guys in heaven.

Jisoo has left the conversation


Ilalapag ni Jisoo ang cellphone niya sa sahig at pupunta sa sink. Iiwanan niya ang bote ng red horse dito. Kasama ang mahigit sampung bote pa na lahat ay wala ng laman.

Pupunta si Jisoo sa banyo at maghihilamos.

Bubuksan niya ang medicine cabinet at kukunin ang bote niya ng sleeping pills.

Titignan niya ang sarili niya sa salamin.

Jisoo: Tama na, Chu. Okay na to.

Pupunuin niya ang kamay niya ng pills at ngingiti sa salamin.

Jisoo: Hindi ka naman magagalit di ba? Pag sumunod ako agad dyan?

...

...

...

Manginginig ang kamay niya. Dahan-dahan niyang ilalapit to sa kanyang bibig.

At tutulo lang ang mga luha ni Jisoo.

Ilaglag niya lahat ng pills sa lababo maliban sa dalawang piraso na isusubo niya.

Jisoo: Biro lang. Hindi ako kasing duwag niyo.


Lalabas siya ng banyo at babalik sa sofa. Hihiga siya rito ng nakachef's jacket pa at makakatulog agad.

Sumingit Subalit Hindi SumabitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon