Tignan muna natin ang buhay ng ating extra characters
SA ISANG MAGANDANG MANSION!
Naghahalungkat sa kanyang aparador si Judge Ogie.
Ogie: Darling? Nakita mo ba yung spongebob ko na underwear? Yung favorite ko?
Regine: Nasa labada pa. Kakasuot mo lang nun nung isang araw e. San na naman punta mo at nag-eempake ka?
Nagbabasa ng dyaryo si Regine sa kama habang may tray ng agahan sa tabi niya. Sisiping sa kanya si Ogie at nanakaw ng isang slice ng tinapay habang tinitignan ang binabasa ng misis niya.
KOTSENG NAWALAN NG PRENO, PAIKOT-IKOT SA QUEZON CITY CIRCLE
Ogie: Hay... Sobrang kinabahan ako nung tinawagan ako ni Lisa nung araw na yan.
Regine: Ano ba talagang nangyari? Cover-up ba ulit to? Lasing ba yung contestant niyo?
Ogie: Hindi. Nagleak yata yung brake fluid nung sasakyang ginamit niya. So nawala preno. Ginamit niya yung golf course para maihinto yung sasakyan. Muntik pa siyang malunod kung hindi siya sinundan ni Jisoo.
Regine: Grabe naman. Buti okay lang sila pareho. Kumusta naman yung top 12? Sino sa tingin mo mananalo?
Ogie: Naku, ewan ko ba. May mga alam na namin agad na magaling tapos may mga hindi ko inaasahan. Tapos yang si Lisa, lahat yata nung contestants tinulungan niya. Sa tingin ko kung may mananalo man, siya yung pinakadeserving.
Regine: Alam na ba nila na yung mananalo ay magkakaroon ng recording contract sa UMG?
Ogie: Oo. Alam nila yun.
Regine: Naipaliwanag niyo na sa ibang bansa yun ha? Baka mamaya hindi pala pwedeng umalis ng pilipinas yung mananalo dyan.
Ogie: Sino naman ang tatanggi sa chance na yun di ba? Sayang naman.
Magriring ang cellphone ni Ogie. Matatanaw ni Regine kung sino tumatawag.
Regine: Yung partner mo, hinahanap ka na.
Ogie: Hayaan mo siya. Malaki na yun.
Regine: Baka may emergency, sagutin mo na.
Ogie: Kung may emergency, yung head nung show yung tatawag. Malamang magtatanong lang yan kung magdadala ba siya ng bathing suit o hindi.
SA KABILANG MANSION!!
Vice: Bwiset na taong to. Ayaw sagutin tawag ko. Akala mo naman, tall, dark, and handsome siya. E kahit sa dark hindi siya umabot.
Jowa: Babe, bakit ba kasi nagmamadali ka bigla? Ano bang nangyari?
Vice: Ipapaliwanag ko sayo ha. Makinig ka ng maayos. Yung staff ng PGT, nagbook ng rooms sa COD para sa min. Kaso, ewan ko ba kung cost-cutting sila o ano. 13 rooms lang yung binook nila.
Jowa: Anong issue dun?
Vice: Kasi, syempre yung top 12 ay one room each. So 12 na yun. 13 minus 12 ay 1. So, ako, si Ogie at si Billy ay magsasama-sama sa isang kwarto. Tanggap ko naman at hindi ako magrereklamo na maging roommate si Billy.
BINABASA MO ANG
Sumingit Subalit Hindi Sumabit
FanfictionTHE FINAL INSTALLMENT OF "THE KAGAGUHAN SERIES!" Ano ang handa mong gawin para sa pangarap mo? Gaano karami ang kaya mong isakripisyo para matupad ito? At paano mo malalaman kung oras na pala para sumuko? Ito ang kwento ng buhay ng apat na tao na ga...