Chapter 14: Imagination

69 6 15
                                    

Sa araw ng results show, kahuli-hulihang darating si Lisa sa mga participants. Lalapitan sana siya ni Jennie ngunit kailangan dumeretso ni Lisa sa hair and make-up dahil almost late na siya.


Magpeperform ang tatlong natanggal last week para sa opening ng show. At pagkatapos ay may iba pang guest performers na magpropromote ng bago nilang music.

Pagdating ng commercial break ay ipapakita ang mukha ng anim na nakasalang ngayon. Kahit nakangiti silang lahat ay halata nila Jennie at Roseanne na iba ang ngiti ni Lisa.


Jisoo: She's not okay... Bakit kaya ang lungkot ng mga mata niya?

Si Jennie at Roseanne na nakaupo sa magkabilang panig ni Jisoo ay hindi makakareact. Magugulat sila dahil hindi nila inaasahan na mapapansin ni Jisoo yun.

Jennie: Ha? Paano mo nasabi?

Jisoo: I just know. She's sad. And she was so happy yesterday. I wonder what happened.

Roseanne: Baka may family something.

Jisoo: I'll ask her.


Tatayo si Jisoo para puntahan si Lisa dahil commercial break na. Magugulat siya dahil pipigilan ni Jennie ang braso niya.

Jennie: Ako na.

Jisoo: I'm worried, too.

Jennie: Ako na.

Roseanne: We can all go. She's our friend. Tara.


Hahatakin ni Roseanne ang kamay ni Jennie at tatayo sila sa may backstage at hihintayin bumaba si Lisa.


Pagdating ni Lisa ay makikita niyang nakatayo ang tatlo at nahghihintay. Pilit niyang gagandahan ang kanyang ngiti at ireready na ihigh five ang tatlo.

Lisa: Sup guys. Papunta naman akong waiting room. You didn't have to wait here.

Jennie [high fives Lisa]: Manlilibre ka na ba mamaya? Hehehe.

Roseanne [high fives Lisa]: Kape or alak. Willing ako for both. Nasa tito ko yung dalawa kong kapatid ngayon at day off ko bukas.


Habang dinidistract ng dalawa si Lisa at sinusubukan makiride sa saya nito, ay tahimik lang si Jisoo. Seryoso ang mga mata niya habang nakatingin kay Lisa.

Mapapansin ni Lisa ang expression ni Jisoo at ngingitian niya ito.

Bad idea.

Dahil noong sinubukan niyang ngumiti kay Jisoo ay lalong makikita ni Jisoo ang lungkot sa mata ni Lisa.

Jisoo [to herself]: Sabi na e. Something's wrong.


Itataas ni Lisa ang dalawa niyang kamay at aayain magdouble high five si Jisoo.

Imbis na makipaghigh five ay kukunin ni Jisoo ang nakataas na kanang kamay ni Lisa at hahatakin ito.

Jennie: Hey! San kayo pupunta! Wait for us.

Roseanne [holds Jennie back]: Stay here. Hayaan mo silang mag-usap.

Jennie: Magagalit ako pag di mo ko binitawan.

Roseanne: What would you even do pag binitawan kita? Sasaya ka ba if you get in the way?

Jennie: SHUT UP!

Sumingit Subalit Hindi SumabitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon