Chapter 19: Contest Crush

65 5 0
                                    

Mapapatahimik si Lisa. Pagtingin sa kanya ni Jisoo ay makikita niyang naghihintay ng sagot ito.

Lisa: Pwede bang sa dressing room tayo mag-usap so we can sit down? May kailangan din akong gawin e.


Tatango si Jisoo at lalabas na si Lisa.

Jisoo: Puntahan kita dun. Hilamos lang ako.

Lisa: Okay.

Paglabas ni Lisa ng banyo ay titingin si Jisoo sa salamin. Hindi niya magawang ngumiti. Hindi namumula ang kanyang pisngi o nag-iinit.

Pero bakit parang sasabog ang puso niya...

Jisoo: I should tell Seulgi about this later. Hindi gagaan ang loob ko kung hindi ko sasabihin sa kanya.


Maghihilamos si Jisoo at susunod sa dressing room. Pagpasok niya ay makikita niya si Lisa na nakaupo sa sahig. Meron itong brown envelope at gunting na nakalabas.

Jisoo: Uhmm... Can we talk now?

Lisa: Yes. Do you mind if I do this while we talk?

Jisoo: Ano ba yan?


Uupo si Jisoo sa upuan na malayo kay Lisa pero rinig pa rin niya ito. Ibubuhos ni Lisa ang laman ng envelope. Ito ay mga printed na picture ni Lisa na nakangiti at mga nakathumbs up.

Jisoo: Para saan?

Lisa: Uhmmm... Well... The quickest explanation is to tell you the truth I guess.

Jisoo: I hate it when people lie to me so please...

Lisa: Sabi ko naman sayo di ba, I'll never lie to you. May stage fright kasi si Jennie. Tinulungan ko siya magpractice for the past weeks and I was able to get her to sing up on stage with a group of people watching. As long as I am there with her.

Jisoo: So, ididikit mo tong mga picture sa stage?

Lisa: Something like that. I wanted to kill two birds with one stone. Sa totoo lang ay sobrang galing kumanta ni Jennie. I think she might be better than both of us once she overcomes her stage fright and nervousness.


Magpapaliwanag si Lisa habang ginugupit ang mga printout ng mukha niya.

Lisa: Ididikit ko tong mga pictures sa lahat ng camera para she'll look at the cameras and be able to sing. Ginawan ko rin siya ng arrangement na simple lang and would really highlight her voice. Combining that with good eye contact and I am positive na mas marami siyang makukuhang votes dun sa mga sikat na cover artists na kasama niya.


Hindi mapapansin ni Lisa na tumayo na pala si Jisoo sa malayong upuan nito at naghanap ng gunting. Magugulat na lang siya ng biglang umupo si Jisoo sa tabi niya at kumuha rin ng mukha niya at magsimulang gumupit.

Lisa: Uhmmm... Thank you... I just really want to do everything I can to help her. Kitang-kita ko kasi sa mata niya kung gaano niya kagusto to.

Jisoo: Nakikita ko rin nga yon. I think, out of the four of us, sila ni Roseanne yung pinakapassionate dito sa contest.

Lisa: Yeah... And uhmmm... about the kiss. Akala ko hindi mo naaalala at all. I didn't bring it up kasi I was certain that it meant nothing naman. You mistook me for Seulgi, right? Siya yung dapat na kasunod mo sa audition...

Sumingit Subalit Hindi SumabitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon