Chapter 20: I'm Yours~

85 5 6
                                    

Magsisimula ang live show ng linggo na yun sa performance ng bagong kanta ni Coco Martin. Pagkatapos nito ay iinterviewhin siya ni Billy para ipromote ang bago niyang album.

At habang nagaganap ang interview, mabilis na palipat-lipat sila Jisoo at Lisa sa bawat camera na may hawak na mga picture ni Lisa at maraming tape.


Billy: Wag kayo magbabago ng channel dahil after this short commercial break ay magpeperform na ang dark horse ng competition. Stay tuned!


Pagkasignal ng camera man na hindi na sila nakalive ay mabilis na lalapit si Billy kila Lisa at magtatanong.

Billy: Uhmmm... Para saan yan?

Lisa: Para kay Jennie, Kuya Billy. Tatanggalin din namin after niya kumanta.

Billy: Ahhh... Okay... Weird ng props niya ha.

Jisoo: Ilang minutes tong commercial?

Billy: 2 minutes and 15 seconds lang. Less than 2 minute left. Ready na ba si Jennie?


SA BACKSTAGE!!!

Roseanne: Good luck, Jennie.

Jennie: Hindi ko yata kaya. Uwi na tayo, Roseanne. Para kong maghahyperventilate.

Roseanne: Okay lang sa kin yun kung uuwi na tayo. Pero promise me first na hindi mo ireregret pag tinalikuran mo tong pangarap mo ngayon.

Jennie [hinihingal sa kaba]: What if I make a mistake? Live show to. Pagtatawanan nila kong lahat.

Roseanne: Then don't make a mistake.

Jennie: Lagi akong nagkakamali pag kinakabahan ako. Hindi yata ako makahinga. Eto na... Naghahahyper ventilate na ko.


Lalapit si Roseanne kay Jennie at imbis na bigyan ito ng brown plastic bag ay hahalikan niya ito sa labi. Yung klase ng halik na normally ay mas bibilis ang tibok ng puso mo.

Pero kumalma si Jennie ng maramdaman niya ang pamilyar na mga labi ni Roseanne.

Roseanne: I wanted to be more aggresive kaso masisira lipstick mo. At least, you're calm now.

Jennie [catches breath]: Thank you sa CPR. Nakatulong.

Roseanne: 30 seconds. I have to go now. Okay ka na? Wala ka ng kailangan?

Jennie: If I get through this without making any mistakes... Be my girlfriend.

Roseanne [smiles]: You better not make any mistakes then. I'll wait for you right here.


Ilelead na ng staff si Jennie papunta sa gitna ng stage habang sarado pa ang ilaw. Kabado pa rin si Jennie pero maaalala niya ang sabi ni Lisa noong huling practice nila.

Lisa: Habang patay pa yung ilaw, pikit ka lang. Yung unang camera ay nasa harap mo. Icacapture ka niyang dumidilat at kailangan na makita nito kung gaano kaganda yung ngiti at mga mata mo okay?

Jennie: Kelan ako didilat?

Lisa: Pag narinig mo na yung piano, magready ka na. Think happy thoughts. Tapos pagpasok nung violin, saka ka didilat. Yun yung cue mo at dun na rin magsisimula yung kanta.


Nakapikit si Jennie sa stage at humihinga ng malalim. Maririnig niya ang pagpapakilala sa kanya ni Billy, kasunod ay palakpakan, tapos ay katahimikan. Maririnig niya ang piano at iisipin niya si Roseanne. Bilang girlfriend niya.

Sumingit Subalit Hindi SumabitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon