Chapter 47: Changes

38 3 0
                                    

Mabilis ang daan ng mga araw.

Si Jennie ay alagang-alaga ni Roseanne na ngayon ay dumami ang personal time. Kahit kasi nakaregister pa rin ang sasakyan niya sa uber, hindi na siya bumibiyahe masyado. At dahil hindi na sila part ng contest, nagkaroon din sila ng extra time para lumabas at magdate.

Hindi na kasi nila kailangan magpractice o kahit ano. Every now and then ay may tatawag sa kanilang record label na nag-ooffer ng contract. Minsan ay big time, minsan ay small time lang. Ngunit hindi nila tinatanggap ito at sinasabihan lang ng "I'll think about it.".

Masaya na silang kumanta lang sa kotse habang tinatakasan ang ilan-ilang fans na nakakakilala sa kanila.


Hanggang sa dumating ang araw ng Huwebes at may matanggap na message si Roseanne habang nag-aagahan sila.

Roseanne: Wifey, pabalik na raw si Maam Luna mamaya. Nagpapasundo sa airport ng 2:30 PM tapos merienda daw kami to talk about the commercial.

Jennie: Ay... Sayang naman, halfday lang ako ngayon e. Date sana ulit tayo e.

Roseanne: Uhmmm. Gusto mo bang sumama? Or daanin ka namin on our way back to QC from the airport. I'm sure she won't mind.

Jennie: Huy... Wag na. Nakakahiya naman.

Roseanne: Wifey. Okay lang yun. Malay mo offeran ka rin ng trabaho. I'll tell her na we can eat at SM Megamall na lang.

Jennie: Share ko lang pala. Malapit na kong mapromote ulit. Pero iaassign daw ako sa MOA. Jusmiyo, ang layo. Pero ang laki ng sahod, nakakatempt talaga. Anyway... Magligpit na tayo at maligo.

Roseanne: Sabay? Hehehe.

Jennie: Duh... Sayang tubig.


Dahil December 17 na at wala ng pasok ang mga bata, nagpalit lungga muna sila. Sila Alice at Wonderland ay nagbabakasyon kila Jennie habang si Jennie naman ay kila Roseanne na umuuwi. Sa weekends na lang sila nagsasama-sama sa isang bahay lahat para magbonding.


After maligo ng dalawa, ihahatid ni Roseanne si Jennie at pagkatapos ay iikot na siya sa area malapit sa airport.

Hindi pa rin niya binabanggit ang Ben & Ben concert na pupuntahan nila bukas dahil gusto niyang surprise ito kay Jennie.

Malapit na rin kasi ang first monthsary nila, sa December 21. Kaya parang early monthsary celebration na lang ang concert sa December 18.

Pagdating ng 1:00 PM ay pupunta na si Roseanne sa airport at paparado dun. Doon na siya naglunch at tumambay kahit na maaga pa.

Magriring ang kanyang cellphone.

Roseanne: Hey. Wassup?

Jennie: Eto, 15 minute break. Nasa airport ka na ba?

Roseanne: Yup. I'm eating while researching about how much models get paid for a commercial.

Jennie: Ohh... Kumusta? Malaki ba?

Roseanne: Nope. It's really small. Although yung nakikita kong rates is for those na talagang nakatalikod lang at buhok lang makikita.

Jennie: Ganun lang ba yung gagawin mo? Wala ka bang lines or hindi man lang ba makikita mukha mo?

Roseanne: I'm not sure. Hindi ko pa nadiscuss properly with Maam Luna. I think that's what we'll be talking about later. I don't care naman if the pay is small. As long as it's fun.

Sumingit Subalit Hindi SumabitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon