Chapter 8: Ang Unang Anim

92 8 27
                                    

Hinati ang top 24 sa apat na grupo ng tig-anim na tao. Tatlo lang ang pipiliin sa bawat grupo para mabuo ang top 12.

Noong first week ng live shows ay nagperform sila Krystal, Calum, Aryana, Selina, Zico at Jisoo. Ang ibang participants na hindi magpeperform ng linggong yun ay nanonood lang sa backstage habang isa-isang kumakanta ang anim.


Jennie: Guys, pustahan tayo. Bente-bente.

Roseanne: Bayaran mo muna yung utang mo sakin!

Lisa: SSHHH!! Kakanta na si Jisoo. Quiet please.


Jennie [whispers to Roseanne]: Alam mo, naiinis na ko dyan kay Lisa. Kung makautos, akala mo naman sobrang galing niya. Ang demanding grabe.

Roseanne [whispers to Jennie]: Bayaran mo na yung utang mo. May dala kong panukli sa 1000 so wala kang lusot.

Lisa: SSSHHHHH!!!!

Jennie: Sshhh daw! Ingay mo e.


Tatayo si Jennie at lalayo kay Roseanne. Lalapit siya kay Lisa na nakatayo at nakatitig sa monitor.

Jennie: Hi... Uhmm, close ba kayo ni Jisoo? Friends kayo? Hindi ba mahirap yun kasi magkalaban kayo dito?

Lisa: There's nothing wrong with friendly competition.

Jennie: Ahhh... So friends nga kayo. Ako nga pala si Jennie.

Lisa: Lisa. Nice to meet you. Now please stop talking.


Titingin ang dalawa sa monitor habang kumakanta si Jisoo ng acoustic version ng "Love Yourself" ni Justin Bieber.

Kumpara sa ibang contestants na ngayong linggo naassign magperform, hindi inikot ni Jisoo ang buong stage. Nakatayo lang siya sa gitna nito at may isang spotlight na nakatutok sa kanya habang kumakanta siya ng nakatitig sa camera.

Dahan-dahan siyang kumukurap habang nakangiti ang mga labi at mata. Halatang wala pa siyang training na kahit ano dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin sa kanyang mga kamay.

Ang mga nanonood naman ay hindi makapagdesisyun kung pipikit ba sila at dadamahin ang emosyon ng boses ni Jisoo, or tititigan lang ang magandang mukha nito.


Matapos ang pagkanta ni Jisoo ay aakyat si Billy sa stage at iinterviewhin siya.

Host Billy: Wow... Grabe ha. Ramdam na ramdam ko yung emosyon noong kumakanta ka. So, Miss Jisoo. Bakit ito yung napili mong kantahin? 

Jisoo: Hi Kuya Billy. Uhmmm... Sa totoo lang, kaya ito yung pinili kong kanta kasi ito yung theme song namin ng girlfriend ko. Pareho kasi kaming galing sa toxic relationship nung nagkakilala kami. Tapos ito yung kanta namin para sa mga ex namin. It was the first song we sang together.

Host Billy: Kaya pala parang ramdam ko yung happiness at freedom dun sa boses mo kanina. Wow. Well, thank you Miss Jisoo. So, viewers, kung gusto niyo iboto si Miss Jisoo--


Habang binabasa ni Host Billy ang voting instructions sa teleprompter ay titingin lang si Jisoo sa mga audience na nanonood. Sa front row, malapit sa table ng judges ay nakaupo si Seulgi at may hawak na banner na may pangalan ni Jisoo at may maliit na heart.

Sakto namang ipapakita ng cameraman ito...


Mapapabuntong hininga si Lisa at babalik na sa kanyang upuan.

Sumingit Subalit Hindi SumabitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon