Chapter 27: Hero

54 6 6
                                    

Lisa: ANONG GINAGAWA MO? JUST WAIT FOR ME SOMEWHERE!

Jisoo: SINUSUNDO KITA! KAYA MO BANG TUMALON?

Lisa: NO!!!

(For the sake of my capslock, imagine niyo na lang na nagsisigawan sila pareho dahil mahirap mag-usap habang nagpapaka fast and furious ang dalawa)

Jisoo: Can you open the door?

Lisa: May automatic lock tong pinto pag mabilis yung kotse. It won't open. I can only open the window.

Jisoo: Use that! Sasaluhin kita. BILIS!

Lisa: I can't.


Lalong mahihirapan si Lisa. Mas delikado pa ang sitwasyon ni Jisoo ngayon kaysa sa kanya.

Lisa: Jisoo. Please listen! There is no way I am getting out of this car. Okay?

Jisoo: Don't say that. I am not letting you die.

Lisa: Wala akong planong mamatay anytime soon. Pero I can't have you driving a motorcycle without a helmet beside me. Nagwoworry ako. And I am losing focus. Natatakot ako na baka madamay ka or may mangyari sayo.

Jisoo: I can't just leave you here. Hindi ko kaya Lisa. I don't want to feel helpless just waiting beside the road.

Lisa: I know. And I love you for that. I'm so sorry. Pero please, Jisoo. If anything happens to you, I don't know what I'll do.


Tutulo ang luha ni Jisoo at mapapapikit siya. At sa kalahating segundo na yun ay muntik na siyang tumama sa kotse ni Lisa. Buti na lang ay mabilis na nakailag si Lisa dahil napansin niya ito.

Lisa: JISOO!! SEE?!?! PLEASE!

Jisoo: Sorry... Kukunin ko lang helmet ko then I'll return, okay?

Lisa: No, Jisoo. Just wait for me sa jollibee. Pangako, ililibre kita ng chicken joy before the sun rises.


Pagkasabi ni Lisa nun ay liliko siya papunta sa north avenue.

Magugulat si Jisoo at hindi siya makakasunod agad. Kakailanganin niyang either magcounter flow or umikot ulit para masundan si Lisa. At sa sobrang bilis ni Lisa, hindi na makikita ni Jisoo ito.


Mag-isa na ulit si Lisa ngayon. Kakanan siya papuntang Mindanao avenue at makikita niya ang lugar na posibleng magligtas sa kanya.

Ang Veteran's Golf Club.

Matatanaw ni Lisa ang nakasaradong gate ng golf club sa kanan.

Lisa: Okay. Round 1. Gate versus sports car.


*KABLAG!!!*

Tumalsik ang gate na parang papel at dere-deretso si Lisa sa loob. Ng makita siya ng guards ay malalakas ang pagpito nito. Ang mga guards ng Golf Club ang unang magrereport kay Lisa. Ang lahat ng ibang sasakyan ay inisip lang na may emergency or street race na nagaganap.


Pagdating ni Lisa sa gold course ay makikita niya na 75mph na lang ang takbo ng kotse. Nakatulong ng konti ang gate.

Lisa: Okay. Round 2. Sand pit versus sports car.


Hahanapin ni Lisa ang pinakamalawak na sand pit sa golf course at dederetso dun. Umaasa siya na babagal ang kotse sa pinong buhangin.

Sumingit Subalit Hindi SumabitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon