Chapter 37: Nasan Si Lisa?

48 5 2
                                    

5:30 na ng hapon ng matapos magpractice sila Jisoo sa hotel. Dederetso siya sa kwarto nila na hawak ang cellphone. Nakasimangot si Jisoo at halatang naiinis.

Jisoo [to herself]: Tsk. Bakit hindi nagrereply si Lisa? Hay naku...


Magmemessage ulit si Jisoo ng isa pang final na huling beses bago siya maligo.

Jisoo [text to Lisa]: Lili, huy... San ka na ba? Kakatapos lang practice namin. Hintayin kita bago magdinner ha. Pahinga lang muna ko sa room.


Tititigan niya ng sampung minuto ang cellphone niya. Ngunit wala. Hindi nagrereply si Lisa.

Jisoo: Pag tinawagan ko, magmumukha akong naghahabol. Nakakainis!!! WHY ISN'T SHE REPLYING!!! LALISA!!!!


Ibabato ni Jisoo sa kama ang cellphone niya at pagkatapos ay maliligo na. Halos 30 minutes din siya naligo at umaasa siyang paglabas niya ng banyo ay nandun na si Lisa or nagreply man lang.

Wala pa rin si Lisa. At wala ring reply.

Lalong maiinis si Jisoo. Tatawagan niya si Seulgi at magrereklamo.

Seulgi: Hello po. Napatawag ka mahal.

Jisoo: Mahal. Nakausap mo ba si Lisa ngayon? Hindi ako nirereplyan or anything e. Nakakainis na.

Seulgi: Ha? Di ba magkasama naman kayo sa hotel? Bakit hindi mo kausapin.

Jisoo: Umalis kasi siya. Nagpractice dun sa theater since sa sabado ay magpeperform na siya. Ewan ko ba. Parang umiiwas yata sakin or nagpapamiss. Parang tanga lang. Nakakainis.

Seulgi: Ramdam na ramdam ko na yung inis at galit mo sa boses at paraan mo ng pagsasalita. Baka naman may nagawa ka kagabi. Uminom kayo di ba? At nalasing ka? Mahal? [whispers] May nangyari ba sa inyo ni Lisa kagabi?

Jisoo: WALA!! Ay sorry, napasigaw. Wala, mahal. Tinanong ko siya at nakatulog lang daw ako agad. Kahit sila Jennie at Roseanne, tinanong ko at wala naman daw ako ginawang nakakahiya. Nung nagising ako kanina, yun pa rin suot ko tapos wala na si Lisa. Buong araw ko na siya tinetext pero hindi siya sumasagot.

Seulgi: Hala... Baka may nangyari sa kanya. Wala siyang kotse di ba? Hala ka.


Unti-unting mapapalitan ng kaba ang inis na nararamdaman ni Jisoo.

Jisoo: Hala... Oo nga no. Marami na rin nga palang nakakakilala sa min. Wait lang ha. Subukan ko siya tawagan.


Pagka-end niya ng call nila ni Seulgi ay tatawagan agad niya si Lisa. Una ay sa messenger lang. Tapos ay regular na tawag.

Hindi nagriring ang phone ni Lisa. At tuluyan ng mawawala ang lahat ng inis ni Jisoo at mapapalitan na ng pag-aalala.

Tatakbo siya papunta sa kwarto ng judges at kakatok.

Judge Vice: Iha? Ano problema? Bakit umiiyak ka? Masakit ba tyan mo? [whispers]: Jisoo, buntis ka ba?

Jisoo [shakes head]: Si Lisa po. Nawawala!! Judge Vice, hindi ko po siya macontact simula kanina pa. Nagpunta daw po siya dun sa AFP theater para magpractice. May pwede po ba kayong tawagan dun para iconfirm? Please po.

Judge Vice: Ganun ba. Hala ka. Pasok ka muna. Upo ka dyan. BILLY!! TUMAWAG KA NGA SA THEATER! TANONG MO KUNG NANDUN SI LISA!!


Sumingit Subalit Hindi SumabitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon