Chapter 9: Jenlisa o Lisoo?

103 7 9
                                    

Tulad ng inaasahan ng lahat, nakapasok si Jisoo sa top 3. Siya ay pumagitna sa third place na si Zico at sa top 1 ng first week na si Aryana.


Ang computation ng results ay combination ng judge's choice at results ng audience voting. Third lang sana si Jisoo ngunit nahatak siya papuntang second place dahil siya ang may pinakamaraming votes online and through text.

Ipapakita sa dulo ng episode ang preview ng mga magpeperform sa second week. Kabilang na dito ang audition clips nila Lisa, Jillian at Michael.

Pagkatapos ng live show ay halong saya at lungkot ang waiting room ng mga participants.

Syempre, masaya ang mga nakapasok. At malungkot naman ang mga natanggal na. Habang busy na mag-usap usap ang lahat ay biglang may mararamdamang kalabit si Lisa sa kanyang balikat.

Tatalikod siya at mapapataas ang kilay ng makita niya kung sino ito.

Lisa: Yes?

Jennie [whispers]: Pwede ka ba makausap?

Lisa: We're talking now.

Jennie [whispers]: Yung wala sanang ibang makakarinig?

Lisa: Why?


Halatang nagtataka si Lisa. Susunod na lang siya kay Jennie na nagmamakaawa at nagbi-beautiful eyes. Uupo ang dalawa sa malayong gilid.

Tititigan lang ni Lisa si Jennie. Halatang kabado ito at hindi alam kung paano magsisimula.

Lisa: Jennie, if you're not gonna say anything then I'm going back to the group.

Jennie: Hindi... Ano kasi... Nakita ko yung audition mo at sobrang confident mo at parang di ka kinakabahan.

Lisa: Not true. Syempre kinakabahan din ako. I can handle it though.

Jennie: Yun! Yun yung kailangan kong tulong. Paano mo siya hinahandle? Kasi... Tuwing kakanta na ko sa stage, lagi akong natataranta tapos nablablanko yung utak ko. Mali mali yung nasasabi kong lyrics.

Lisa: Hay... Hindi yan something na kaya kong ituro just by telling you what to do. Kailangan mo ng practice.  A lot of practice.

Jennie: Kaya ko yun. May two weeks pa naman bago ko magperform e.

Lisa: Hay... Hindi kasya yung two weeks Jennie. Kulang na kulang yun.

Jennie: Pagkakasyahin ko sya. Kaysa naman sumuko ako, di ba? Ayoko man lang i-imagine yung regret ko pag ginawa ko yun.

Lisa: Tsk. Bakit sakin ka nagpapatulong? Ang daming mas magaling sa kin dito. Si Kai or yung ibang cover artists.

Jennie: Naku... Ayoko nga! Nakakahiya lumapit sa kanila. 

Lisa: Sakin hindi ka nahihiya?

Jennie: DUH! Hindi syempre. Friends tayo e. Di ba? Di ba?


Hindi inaasahan ni Lisa marinig yun. Mapapangiti lang siya at yuko ng ulo.

Lisa: Fine. One condition though.

Jennie: Kahit conditioner pa yan or air condition, game ako.

Lisa: Bayaran mo na yung utang mo kay Roseanne, please. Or at least tell her why you can't pay.

Jennie: Ahhh... Hehehe... What utang?

Lisa: Wag ka mag maang-maangang. Di bagay sayo.

Sumingit Subalit Hindi SumabitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon