Chapter 19: girls day out

13 1 2
                                    

AUTHOR'S NOTE:
I'M DEEPLY SORRY FOR THE VERY LATE UPDATE. THIS PAST FEW MONTHS KASE TINAMAD AKONG MAGTYPE, YEAH ALAM KO ANG TAMAD KO. SO KASE NGA HINDI AKO NAKALAGAY NG DISCLAIMER SA STORY KAYA DITO KO NALANG ISISINGIT HEHE! SORRY AGAIN!

DISCLAIMER:

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

AERYNNE'S POV
Saturday
Nagising ako mula sa tunog ng aking alarm clock. It's 6:30 am, antok ko itong pinatay at napapikit ulit. Mamaya nalang ako gigising, i'm still sleepy.

~~

Bigla akong nagising ng maramdaman kong may yumuyugyog sakin.

"Yaya, mamaya niyo na ako gisingin please. Gabi pa naman gaganapin ang Coronation Night eh." antok kong sabi.

"Hoy babae! Its 10:15 in the morning, wala kang balak gumising?" napamulat ako ng hindi tinig ni yaya ang narinig ko. Paglingon ko ay si Mich pala! Napabangon ako sa gulat.

"Mich?! Ba't ka andito?" tanong ko.

"Hihihi pupunta tayo sa mall ano ka ba!" sabi niya.

"Ba't naman tayo pupunta sa Mall? Wala akong natatandaang niyaya mo'ko ng gala ah."

"Uhh duh! Kaya nga niyayaya kita ngayon! Nakatulog kasi ako pag uwi ko kahapon kaya hindi na kita na chat."

"Pero anong gagawin natin sa mall?" tanong ko ulit.

"Syempre mag-shoshopping! I need something to wear later sa Coronation Night." tugon niya.

"For pete's sake ang dami mo na kayang damit!"

"iiiihh ayoko nun, I need to look stunning para maganda ako sa pic ko with you wearing the crown yiii!" tumili siya.

"What? Anong crown? Wala pa ngang Coronation Night tapos may sinasabi kanang crown jan!"

"Duh! Ano ka ba, syempre i'm sure na that you will win ok? Ok maligo kana and i'll wait for you downstairs." she smiled at me and stood up.

"Okay, fine." tumili siya and she left my room. Napabuntong hininga nalang ako at pumasok na sa banyo.

After 15 mins..

Habang nagsspray ako ng perfume sa sarili ko ay biglang pumasok si Mich at nakasimangot ang mukha.

"Oh, ba't ka nakasimangot jan?" tanong ko sakanya.

"Gurl anong oras na! Ang tagal mo namang kumilos," reklamo niya pa.

"Mich, 10 mins lang akong naligo at 5 mins nagbihis. Atsaka ba't ka ba nagmamadali?"

"Uh duh! Gutom na'ko!" pagmamaktol niya.

"Eh ba't hindi ka kumain? Naghanda naman si yaya ng breakfast ah" sabi ko habang naglalagay ng liptint.

"Gusto ko kasing sa Jollibee na tayo kumain eh." ngumuso siya at natawa naman ako.

"Eto na nga patapos na," kinuha ko ang sling bag ko na laman ang mga gamit ko at humarap sakanya.

"I like your outfit ha" aniya pagkatapos akong suyurin ng tingin. I'm wearing a floral dress habang naka jeans naman siya.

Lumabas na kami at naglakad patungong sala.

"Ay wait, nagpaalam ka na ba kay mommy?" tanong ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 09, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Playful Destiny (ON-GOING)Where stories live. Discover now