Chapter 1: The Beginning

107 33 41
                                    

Aerynne's POV
TENENEN! TENENEN! TENENEN!

Nagising ako dahil sa tunog ng aking alarm clock. Dahan-dahan kong kinusot ang aking mga mata saka ito iminulat.

Goodmorning world~

Nag-stretching muna ako bago pumasok sa banyo para maligo. Pantalon at hoodie lang ang isinuot ko dahil transferee naman ako at wala pang uniform. Pagbaba ko ay andon na ang pamilya ko na nag-aagahan, isa-isa nila akong binati.

"Goodmorning princess!" si mommy.

"Goodmorning baby!" si daddy.

"Goodmorning ate!" si bunso.

"Goodmorning baby girl!" si kuya Lex.

"Goodmorning sleepyhead!" si kuya Z.

Haaay~ Ang swerte ko talaga sa pamilya ko.^_^

"Goodmorning everyone!" bati ko sakanila na nakangiti. Saka ako umupo sa tabi ni bunso at nagsimulang kumain.

"Diba ngayon ang first day mo sa new school mo, princess?" tanong ni mommy sakin habang ngumunguya ng bacon.

"Yes, mom" tipid ngiting sagot ko lang sakanya. Nalulungkot parin kasi ako kasi namimiss ko ang mga kaibigan ko sa old school ko, huhu.

"Nalulungkot ka parin ba kasi kailangan mong lumipat ng school, anak?" tanong ulit ni mommy sa'kin. Nakanguso ko naman siyang tinanguan.

"Pero okay lang mmy, sure naman akong magkakaroon din ako ng kaibigan dun hehe" Sabi ko pa.

"Sure na sure, princess!" nakangiting sang ayon naman ni mommy.

"Ate sumabay kana sakin ah? Gagamitin kasi nila kuya yung dalawa pang kotse." Nilingon ako ni Xian. Tinapos ko muna ang pag-nguya tsaka siya nilingon.

"Hmm, sige ba" nginitian ko lang siya.

Pagkatapos naming kumain ay pumasok na kami sa school. Bago ako makababa ng kotse ay nakatanggap ako ng dalawang message mula sa aking mga kuya.

Kuya Lex❤
; goodluck on your first day, baby girl. Take care~

~Send message to Kuya Lex❤~
; Thank you, kuya! You too.
Message sent!

Binuksan ko naman ang isa pang message.

Kuya Z❤
; Sorry hindi kita naisabay. But goodluck my princess, i love you~

~Send message to Kuya Z❤
; it's okay, kuya. Goodluck din sa'yo, i love you too~
Message sent!

Napangiti ako sa message ng dalawa kong kuya, saka ko binulsa ang cellphone ko.

"Ate let's go." ani Xian.

Bumaba ako at tiningnan ang kabuuan ng school, saka ko binasa ang nakasulat sa pinaka gitna sa itaas ng building.

'St. Lorenzo University'...

Hmm.. I'm kinda excited.

Matthew's POV
Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa mata ko. Bumangon ako at nag-stretching sandali. Pagkatapos 'non ay pumunta ako sa banyo at naligo. Nagbihis ako sa sarili kong uniform atsaka inayusan ang sarili. Pagbaba ko ay nandoon na sila lahat.

"Goodmorning baby boy!" that's mom.

"Goodmorning son." that's dad.

"Goodmorning baby brother!" that's ate.

"Goodmorning bro." that's kuya.

Nginitian ko lang sila saka umupo sa tabi ni Ate at nagsimulang kumain.

"Kamusta naman ang tulog mo baby boy?" nakangiting tanong sa'kin ni mommy. Nilingon ko pa muna siya bago magsalita.

"It's ok." tanging sagot ko lang.

Nagpatuloy kami ng kain hanggang sa nagpaalam na akong umalis. Si Ate daw ay sasabay nalang kay Kuya sa trabaho.

Pagdating ko sa school ay bababa na sana ako nang may natanggap akong dalawang message.

Mommy❤
; Goodluck on your first day baby boy! I love you~

Napangiti ako nang mabasa ang message mula kay mom.

~Send message to Mommy❤~
; Thanks mom! I love you too~
Message sent!

Binasa ko naman ang isa pa.

Ate❤
;Mag-iingat ka baby brother ok? Goodluck!

~Send message to Ate❤~
; thanks ate, ingat ka rin.
Message sent!

Ibinulsa ko ang cellphone ko saka bumaba. Pero nang pagbaba ko ay nahagip ng mata ko ang isang babaeng nakatayo sa harap ng building. Nakatingala ito at batid kong tinatanaw nito ang pangalan na nasa gitna ng itaas ng gusali. Manghang-mangha ito kung makatingin. Pero laking gulat ko nang tumingin ito sa gawi ko at ngumiti ng matamis. Agad kong iniwas ang aking tingin at pumasok na sa loob para sa klase ko.

Who was that? New student? Hmm..

Playful Destiny (ON-GOING)Where stories live. Discover now