Chapter 12: Fridate

38 12 2
                                    

AERYNNE'S POV
"Ano 'yang suot mo?" tanong ni gabby saka ako sinuyod ng tingin.

"Bakit? Anong masama sa suot ko?" tinanong ko rin siya. Ano bang masama? Eh ito naman ang P.E uniform na'min.

"Bakit naka shorts ka?"

"Alangan namang magpajama ako 'no? P.E class 'to kaya ganito ang uniform na'min." sagot ko.

Naka t-shirt, shorts at rubber shoes ako dahil ito ang P.E uniform ng mga girls. Sa mga boys naman ay shorts din pero parang ganon sa jersey? Ganong style ang shorts nila, naka t-shirt din sila at rubber shoes.

"'Wag kang pilosopo Rynne. Ba't ang ikli ng shorts mo?" striktong tanong niya pa. Sasagutin ko sana siya ng 'May shorts bang mahaba?' pero 'wag nalang baka mainis eh hihi.

"Ganito ang uniform namin Gabby, hindi naman pwedeng sumuway ako" nakangusong sabi ko.

Napapikit siya sa inis.

"Fine. Pero 'wag kang magpapakita sa mga lalaki.'' Ano? Hindi ako magpapakita sa mga lalaki? Ano pag may nakita akong lalaki magtatago ako o sasabihin kong 'Hoy wag mokong tignan!' ganon?

"Paano ko naman gagawin 'yun?"

"Stay with me." aniya saka hinawakan ang kamay ko.

"Bakit?"

"Dahil ayokong may ibang lalaking tumitingin sa'yo." sabi niya sabay hila sa'kin papuntang bleachers.

"Hi Mei!" bati sa'kin ni Mich nang makaupo ako. Nasa kanan ko si Gabby samantalang nasa kaliwa ko naman si Mich.

"Hello Mich! Ang sexy ah"

"Ngek." sabi niya at natawa kaming dalawa.

Dumating na ang teacher namin sa P.E at sinabing magva-volleyball daw kami ngayon.

Naging masaya ang laro namin dahil halos lahat ay marunong.

***

Nandito na kami ngayon ni Mich sa C.R at nakapagbihis na ng uniform.

"Uy grabe! 'di ko alam na varsity player ka pala ng volleyball" sabi niya habang nagsusuklay.

"Hindi ka rin naman kasi nagtanong" natatawang saad ko.

"Inggit na inggit kaya sila, ang galing mo daw"

"Magaling ka din naman ah"

"Pero hindi kasing galing sa'yo!" sabi niya at natawa ako.

Pagkalabas namin ng C.R ay andoon di Gabby at nakapamulsang nakasandig sa pader.

"Oh ba't andito ka pa? Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko sa'kanya.

"I'm waiting for you" sabi niya. Hinihintay niya ako? Bakit? Hawak ko ba ang kotse niya?

"Bakit?"

"We're going out" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Saan naman kami pupunta?

"Ha? Saan?"

"Basta. We're going on a date."

"Date?! Anong date?! Wala akong naaalalang may date tayo ngayon!" bulalas ko.

"It's a surprise date," nakangiting aniya.

"Pero hindi pa'ko nakapagpaalam kina mommy" saad ko. Baka magalit sila lalo na si kuya Z. Huhu

"Pumayag na si tita Aera" sabi niya. Ano? Pumayag si mommy? At teka- tinawag niyang tita si mommy?

"Si daddy?"

Playful Destiny (ON-GOING)Where stories live. Discover now