Chapter 7: The three words

43 16 8
                                    

MATTHEW'S POV
Habang kumakain ay tahimik lang si Mei. Napapansin ko rin na panay ang iwas niya sa tingin ko. Dahil ba 'don sa halik? Kahit ako hindi alam kung bakit ko siya hinalikan, basta-basta nalang kumikilos ang katawan ko na para bang may sarili itong utak. Pero aaminin kong masarap sa pakiramdam 'yong mahalikan mo ang babaeng mahal mo. Naaalala ko pa kung paano kalambot at kinis ng mga labi niya.

"Matt?" tawag sa'kin ni Mei. 'Don ko lang napansin na lutang pala ako.

"H-ha?" wala sa sariling tugon ko.

"Ang sabi ko tapos na 'yong lunch break, nag-bell na." sabi niya na deretsong nakatingin sa'kin. Kanina lang ay iniiwasan niya ang tingin ko.

"A-ah, tara na?" yaya ko sa'kanya saka tumayo at inilahad ang kamay.

Ngintian niya ako ng kay tamis na nagpatunaw sa puso ko, saka tinanggap ang aking kamay. Damn! How can she smile like that?

Tumungo na kami sa classroom na'min at sa pagpasok namin ay agad kaming sinalubong ng mga tingin at bulong-bulongan ng mga kaklase. Kung dati ay naiinis akong pinag-uusapan kami, ngayon ay napapangiti na'ko. Kung pwede lang siguro bayaran ko silang lahat para mas lalo kaming pag-usapan. Napailing nalang ako sa naisip, saka kami pumunta sa kaniya-kaniyang upuan at saktong dumating ang sunod na Lec kaya nakinig na kaming lahat.

Dumaan ang ilang subjects at kahanga-hangang lahat iyon ay naintindihan ko at nasagutan ko lahat ng quiz kahit si Mei lang naman ang laman ng isip ko. Hindi naman nakakapanibago na nasasagutan at naiintindihan ko lahat ng lessons at quizzes, pero nakakatuwang  ngayon lang ako nakangiting nakinig sa Lec. Matapos ang klase ay nagsilabasan na lahat ng estudyante at as usual, kami lang ni Mei ang naiwan sa loob ng classroom. Hindi ko alam kung sinasadya niya bang bagalan ang pagkilos o talagang mabagal siya.

"Hmm Mei? May kasabay kana ba pauwi?" nilingon ko si Mei na noon ay nakatingin pala sa'kin.

"Ahh oo eh, kasabay ko si Xian." sagot niya na nakangiti. Bahagya naman akong natigilan, Xian? Sino si Xian? Tch.

"Ahh hehe sige, kita nalang tayo bukas." sabi ko, di pinapahalatang napahiya. Gusto ko sanang tanungin kung sino 'yong Xian pero 'wag nalang.

"Sige, see you." aniya saka ako tinalikuran saka umalis. Padabog ko namang sinuot ang bag ko saka lumabas ng classroom.

Pagdating ko sa parking lot ay nakita ko si Mei na may kasamang lalaki, dali-dali naman akong nagtago at pinagmasdan muna sila. 'Yan ata 'yong Xian na sinasabi niya. At halos bumagsak ako nang makita kong humalik si Mei sa pisnge nito, pinagbuksan naman siya nito ng pinto at sumakay na si Mei. Umikot iyong lalake papunta sa driver's seat, sumakay, tas umalis na. Nang mawala na sila sa paningin ko ay pinuntahan ko na ang kotse ko at padabog na sumakay. Agad ko itong pinaharurot paalis.

Sino ka Xian? Anong papel mo sa buhay ng babaeng mahal ko?


AERYNNE'S POV
Pagdating ko sa bahay ay sinalubong agad ako ng mahigpit na yakap ni Mommy.

"How's school princess?" nakangiting tanong niya sa'kin.

"It was good." ngumiti ako sa'kanya. "Aakyat na muna ako 'mmy ah? I'm so tired. Let's talk later ok?"

Playful Destiny (ON-GOING)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora