Chapter 9: Besties

51 17 11
                                    

Sorry late update hehe tinatamad akong mag-update eh. Pero syempre hindi ako titigil sayang naman ang napag simulan ko 'no. Kahit kaunti lang ang readers ko but i'm thankful kasi may nagbabasa parin sa mga gawa ko. Btw, i hope you enjoy!

AERYNNE'S POV
Nagising ang diwa ko dahil naramdaman kong may yumuyugyog sa'kin. Pagmulat ko ay mukha agad ni Xian ang  bumungad sa'kin. Kinusot ko ang mga mata ko saka umupo mula sa pagkakahiga. Pagtingin ko sa orasan ay 6:30 na! Hindi naman ako late, 8:30 and klase namin. Pero 6:00 talaga ako nagigising eh, naparami ata tulog ko.

"Ate, bumangon kana jan." malumanay na ani Xian. Naka pajamas pa ito at mukhang bagong gising.

"Oo na. Maliligo na'ko." nakapikit na tugon ko. Inaantok pa kasi talaga ako.

"Bilisan mo ah, iiwan talaga kita." banta niya pa saka ako tinalikuran at lumabas na sa kwarto ko.

Bumangon na'ko saka pumasok sa banyo para maligo.

Pagkatapos kong maligo ay nagsepilyo muna ako, siyempre para iwas bad breathe baka ma turn off sa'kin si bebe gabby. Charot! Lagot ako kina kuya hehe.

Paglabas ko ng banyo ay nakita ko ang uniform kong nakatupi na nasa mina sofa ko. Mukhang pinahatid na ito para maisuot ko na. Ang P.E uniform ko naman ay nakuha ko na, pero di ko pa nasusuot kasi every friday lang ang P.E class na'min, so bukas ko pa susuotin. Sherkolang pake mo? Charot ulit!

Pagkatapos kong magbihis ay inayusan ko muna ang sarili ko para naman walang masabi si gabby sa'kin. Wait, why do I need to impress him anyway? Eh dati-dati wala akong pake kahit magbikini lang ako sa school. Joke!

Pagbaba ko ay andoon na sila kuya Z, kuya Lex, at si Xian. Binati nila ako at nginitian ko lang sila. Umupo ako sa tabi ni Xian--as usual, saka nagsimulang kumain. Pero bago pa man ako makasubo ay nagsalita na si kuya Z, hmp! Di man lang ako pinasubo.

"Mei, ano 'tong sinabi sa'kin ni Xian na may nanliligaw na daw sa'yo? Totoo ba? Sino?" sunod-sunod na tanong ni kuya Z. Grabe ano 'to Q&A? Nang mag-angat ako ng tingin sa'kanya ay seryoso ang mukha niya. Patay.

"Ha? Wala 'no!" pinigilan kong mautal para di halatang kinakabahan ako.

"Talaga? Sino yan ha?" si kuya Lex naman ang nagtanong. Napapikit ako saka binalingan si Xian na pangisi-ngisi sa tabi ko. Huhuhu lagot ako nito kina kuya.

"Classmate ko po." sagot ko saka nagbaba ng tingin at kinuskos ang mga palad ko. Huhu sana di sila magalit.

"Sino?" tanong ni kuya Z. Huhu mamaaa! Papaaa! Help meeeee!

"Si ano..."

"Sino?" si kuya Lex naman ang nagtanong. Wala na talaga akong takas dito uwaaaah!

"Si Matt..." mahinang sagot ko. Ayokong sabihin ang pangalang 'gabby' baka kasi anong isipin nila.

"Matt? Sinong Matt? Ang daming Matt sa mundo, Mei." nagbabantang tanong ni kuya Z. Narinig ko namang mahinang tumawa si Xian kaya palihim ko itong siniko.

"Si Matthew...Matthew Ramirez." sagot ko. Talagang kinakabahan ako sa posibleng maging reaksyon nila. Baka kasi magagalit si kuya Z tapos ipapakidnap niya si Matt at bubugbugin nila ni kuya Lex. Huhubels.

"He's a Ramirez?" gulat na tanong ni kuya Lex. Ano bang nakakagulat kung isa siyang Ramirez?

"Yeah.. why?" curious na tanong ko.

"Isa sa mga business partners na'tin ang mga Ramirez."

"Really? Diba mayaman ang mga Ramirez?"

"Oo" tumatango-tangong sagot ni kuya Lex.

"Pero mas naging mayaman lang sila dahil sa partnership natin sa'kanila." si kuya Z naman ang nagsalita.

Playful Destiny (ON-GOING)Where stories live. Discover now